Source: mykimanalo Instagram Isa sa mga kilalang komedyante sa industriya ng showbiz ang Kapuso star na si Jose Manalo. Hindi maita...
Isa sa mga kilalang komedyante sa industriya ng showbiz ang Kapuso star na si Jose Manalo. Hindi maitatanggi na nakapagbibigay siya ng kasiyahan sa ibang tao sa pamamagitan ng galing niya sa pagpapatawa.
Ngunit bukod sa pagiging artista at komedyante, may isa pa siyang ginagampanang responsibilidad – at ito ang maging ama sa kaniyang mga anak.

Mayroong limang anak si Manalo sa kaniyang unang asawa. Ang dalawa rito ay artista sa Kapamilya network na ABS-CBN.
Ang isa niya namang anak ay isang resident surgeon sa isang ospital sa Maynila. Ibinahagi niya ang isang mensahe para sa kaniyang ama na miss na miss niya na raw. At ito nga ang kaniyang mensahe nang minsang magdiwang ng “Father’s Day:”
“I remember this one time back in college when I had personal problems and I was being particularly difficult. I didn’t attend all my classes one day, even missed an exam, and you caught me. Surprisingly, you didn’t get mad. You were unusually calm. You picked me up from where I was, brought me to an ice cream place near DLSU and just remained quiet. Eventually I cried so hard. I couldn’t stop. You just hugged me. We stayed like that for a long while. No words were needed. You understood me. You always stood by my side. Your mere presence was enough to get me through. I yearn for it daily. I miss you, daddy. Please keep yourself healthy and happy. Happy father’s day! ❤️”
Maraming netizens ang naantig sa mensahe ng anak ni Manalo para sa kaniya. Ito raw ang patunay na kahit abala na ang mag-ama sa kani-kanilang mga trabaho ay hindi pa rin nakakalimot ang bawat isa na ipakita at ipahayag ang pagmamahal nila sa isa’t isa.
COMMENTS