Nasaan na nga kaya ang mga “FPJ BOYS” na dating nakasama ni “DA KING” sa kaniyang trabaho noon?

Nakilala si Fernando Poe Jr. o “FPJ” dahil sa kaniyang husay sa pag-arte at ang mga tumatak niyang mga action movies. Sino nga ba ang hindi makakakila


Larawan ay mula sa Google

Nakilala si Fernando Poe Jr. o “FPJ” dahil sa kaniyang husay sa pag-arte at ang mga tumatak niyang mga action movies. Sino nga ba ang hindi makakakilala rito kay “Da King?”

Larawan ay mula sa Google

Subalit, kalakip ng kasikatang ito ay ang mga hindi rin malilimutang aktor na nakasama ni “Da King” sa kaniyang mga pelikula.

Nasaan na nga kaya ang mga “FPJ Boys” na ito? Sa YouTube channel ng “Dalton Channel,” ipinakita at ipinakilalang muli ang mga naging kasama ni FPJ sa kaniyang trabaho noon.

Una sa listahan ay ang aktor na si Bob Soler. Isa siya sa mga pinakakilalang kontrabida sa mga pelikula noon ni FPJ. Dahil sa angas niya, ang kadalasan niyang mga roles ay ang pagiging lider ng isang sindikato o kaya naman ay isang “corrupt” na politiko. Marami rin siyang mga pelikulang tumatak na sa pinilakang tabing tulad ng “Epimaco Velasco NBI” (1994), “Alyas Batman at Robin” noong 1965, at “Alamat ng Pitong Kilabot” (1967). Si Soler din ang unang gumanap na “Captain Barbell” noong 1964 kasama ang “Comedy King” na si Dolphy na gumanap naman bilang alter ego niya. Siya rin ang orihinal na “The Phantom” ng Pilipinas. Sa kasalukuyan ay simple at pribado na siyang namumuhay sa Mandaluyong.

Larawan ay mula sa Google

Isa rin sa mga pinakakainisang naging kontrabida noon ni FPJ ang aktor na si Angelito Anzures, o mas kilala bilang Lito Anzures – na nakuha niya sa kaniyang unang pelikulang “Halik sa Bandila” noong 1948. Sinundan pa ito ng “Sorrento” at “Tanging Ikaw” noong 1968, “Mga Anghel na Walang Langit” (1970), “Asedillo” (1971), at “Agila ng Maynila” noong 1989. Nakakuha rin siya ng iba’t ibang parangal mula sa mga awarding bodies tulad ng Star Awards, Gawad Urian, Film Academy of Movie, Arts and Sciences (FAMAS) Award. Sa katunayan, noong FAMAS Awards 1963, isa si Anzures sa mga starring roles sa war movie na “Sigaw ng Digmaan” – subalit ang nakuha niya lamang ay ang pagiging “Best Supporting Actor.” Ngunit kalaunan ay na-nominate rin siya sa pagiging “Best Actor” sa pelikulang “Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa” noong 1974. At noon ngang 1995 ay namaalam na ang batikang aktor sa edad na 67.

Larawan ay mula sa Google

Kilala sa pagiging makarisma ngunit kontrabida roles, at sa kaniyang “wiry hair” – hindi rin malilimutan ang aktor na si Rodolfo “Boy” Garcia. Marami raw ang naiinis sa kaniya sa tuwing gumaganap na siya bilang kontrabida – at sigurado raw tatatak sa utak ng mga manonood ang kaniyang “signature” na pagtawa. Lubos siyang nakilala sa 1968 movie na “Isang Libong Mukha,” 1983 movie na “Umpisahan Mo, Tatapusin Ko,” “Daanghari” noong 1984, “Pepeng Kaliwete” noong 1982, at sa 1963 movie na “Sigaw ng Digmaan” – at dito nga niya nakasama si “Da King.” Ngunit noong July 17, 1997, si Garcia ay namatay dahil sa atake sa puso sa Quezon City.

Larawan ay mula sa Google

Nakilala naman noong dekada ’60 si Pablo Virtuoso bilang isa sa mga naging “sidekick” ni Fernando Poe Jr. Pumatok siya sa mga manonood dahil sa kaniyang estilo sa pagsasalita ng Ingles na tinatawag nilang “English Carabao.” Maliban sa trademark niyang pagiging isang duling, nakilala rin siya dahil sa kaniyang pagiging gitaristang aktor. Sa katunayan, ang mga trademark na ito ni Virtuoso ay hinango ng mga una niyang pelikula gaya ng “Tambol Mayor” (1949) at “Dampot, Pulot, Salo” (1970). Marami rin daw siyang ini-spoof na pelikula tulad ng “Agent 070: Our Man Duling” (1969) bilang spoof sa pelikulang “Agent 007: James Bond,”  “Zatoduling” (1969) na spoof naman ng pelikulang “Zatoichi and The Chest of Gold” (1964), at sa pelikulang “Alyas Batman at Robin” (1965). Ayon kay FPJ, maliban kay Dencio Padilla, isa si Virtuoso sa pinakapaboritong niyang “sidekick”. Subalit, namaalam ang aktor noong 1980.

Larawan ay mula sa Google

Si Gavino Maximo Teodosio, o mas kilala bilang “Maximo Pompling” sa kaniyang mga kaibigan, ay isa rin sa mga pinakatumatak na kontrabida sa mga pelikula ni FPJ – siya ay walang iba kung hindi si Max Alvarado. Una siyang gumanap sa “Halik sa Bandila” noong 1948. Limang beses naman siyang na-nominate sa FAMAS Supporting Actor Awards sa 1971 movie na “Ang Kampana sa Santa Quiteria,” at nakuha nga niya ang FAMAS Supporting Actor Award – at dito niya rin nakasama si FPJ. Ang pinakatumatak naman niyang kontrabida role ay noong 1980 sa “Ang Panday” bilang si “Lizardo.” Ang ilan pang mga pelikulang pinagsamahan nila ni FPJ ay ang “Ang Padrino” (1984), “Magnum Muslim .357” (1986), at “Ang Syota Kong Balikbayan” (1996). Noong 1995 naman ay naging commercial spokesperson ng Maxx Candy si Alvarado hanggang sa kaniyang kahuli-hulihang hininga. Namatay siya noong April 6, 1997 dahil sa heart failure sa edad na 68.

Larawan ay mula sa Google

Madalas natin siyang nakikita sa mga pelikula noon ni FPJ tulad ng “Epimaco Velasco NBI” (1994), “Hagedorn” (1996), at marami pang iba. Noon namang 1988 ay nakakuha siya ng parangal bilang “Best Supporting Actor” para sa pelikulang “Patrolman” at FAMAS Award para naman sa “Kanto Boy 2: Anak ni Totoy Guwapo.” Siya ay walang iba kung hindi ang nag-iisang Dick Israel. Maliban sa pag-arte ay mahilig din siya sa musika. Taong 2010 nang mapabalitang na-stroke ang aktor. Taong 2016 naman nang mapasama ang kaniyang tahanan sa mga nasunog sa Caloocan na siyang naging dahilan ng paghihirap ng aktor. At sa pareho nga ring taon, October 11, namayapa na si Israel.

Larawan ay mula sa Google

Si Esteban Baldivia, o mas kilala bilang si Dencio Padilla o “Tata Dens,” ay ama nina Dennis at Gene Padilla. Unang lumabas sa pinilakang tabing si Baldivia noong 1958 sa “Lo’Waist Gang at si Og sa Mindoro.” Siya ang tinaguriang “sidekick” ni “Da King” na may accent ng Batangueño, at sa kaniyang trademark na malaking balisong. Ilan sa mga pelikulang pinagsamahan nina “Tata Dens” at FPJ ay ang “Bato sa Buhangin” (1976), “Batang Quiapo” (1986), “Kahit Konting Pagtingin” (1990), at “Minsan Pa: Kahit Konting Pagtingin 2” (1995). Noong 1991, ginawaran ng “Best Supporting Actor” si Baldivia sa Film Academy of the Philippines (FAP) Awards para sa “Kahit Konting Pagtingin.” Ngunit sa edad na 69, pumanaw ang famous sidekick na ito dahil sa cardiac arrest noong October 10, 1997 sa Quezon City.

Larawan ay mula sa Google

Boss ng mga goons, traydor sa mga kaibigan, korap na politiko, tiwaling pulis, kasabwat ng mga sindikato, taksil na kumpare – “hakot award” na nga yata sa kontrabida roles ang aktor na si Zandro Zamora. Nakasama siya ni FPJ sa mga pelikulang “Ang Padrino” noong 1984, “Ang Probinsyano” noong 1997, “Isang Bala Ka Lang,” “Ang Dalubhasa” noong 2000, at marami pang iba. Tulad nga raw ni Paquito Diaz, boses pa lamang ni Zamora ay talagang pang-kontrabida na. Ngunit bukod sa pagiging magaling na aktor ay mahusay rin si Zamora sa pagkanta. Naging biktima rin siya ng “death hoax” dahil sa rami ng nagsasabing pumanaw na siya. Pero ang totoo, pribado at simpleng namumuhay ngayon si Zamora sa West Hollywood, California kasama ang kaniyang pamilya. Kung nasa Pilipinas man daw siya, umuuwi siya sa Quezon City.

Larawan ay mula sa Google

Lahat sila ay nakapagbigay ng ambag sa pinilakang tabing. Kung wala sila, hindi mabubuhay ang industriya ng pelikulang Pilipino.



Source: Dalton Channel - Youtube Channel

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Nasaan na nga kaya ang mga “FPJ BOYS” na dating nakasama ni “DA KING” sa kaniyang trabaho noon?
Nasaan na nga kaya ang mga “FPJ BOYS” na dating nakasama ni “DA KING” sa kaniyang trabaho noon?
Nakilala si Fernando Poe Jr. o “FPJ” dahil sa kaniyang husay sa pag-arte at ang mga tumatak niyang mga action movies. Sino nga ba ang hindi makakakila
https://1.bp.blogspot.com/-GHyUZtg8QTQ/XtFcHmmj2uI/AAAAAAAAHpo/p8zhy-8SE0kploDdhu5GxVqRJz_N3fc0wCK4BGAsYHg/d/Mga%2Bkasama%2Bni%2BDA%2BKING%2Bsino%2Bpa%2Bkaya%2Bang%2Bbuhay%2Bsakanila.png
https://1.bp.blogspot.com/-GHyUZtg8QTQ/XtFcHmmj2uI/AAAAAAAAHpo/p8zhy-8SE0kploDdhu5GxVqRJz_N3fc0wCK4BGAsYHg/s72-c-d/Mga%2Bkasama%2Bni%2BDA%2BKING%2Bsino%2Bpa%2Bkaya%2Bang%2Bbuhay%2Bsakanila.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/05/nasaan-na-nga-kaya-ang-mga-fpj-boys-na.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/05/nasaan-na-nga-kaya-ang-mga-fpj-boys-na.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy