Norman Mangusin a.k.a Francis Leo Marcos, patong patong na kaso ang kinakaharap.

Nakadetine pa rin daw si Mangusin sa NBI Office. Ayon sa NBI, may mga panibagong reklamo na naman daw umano laban kay Mangusin.

Mga larawan ay mula sa Facebook


Kamakailan lang ay napabalitang hinuli ng National Bureau of Investigation (NBI) si Francis Leo Marcos, na may tunay umanong pangalan na Norman Mangusin.

Sa Facebook video post ni Erwin Tulfo, binigyan niya ng update ang mga taong nagtatanong kung nasaan na nga ba si Mangusin.

Nakadetine pa rin daw si Mangusin sa NBI Office. Ayon sa NBI, may mga panibagong reklamo na naman daw umano laban kay Mangusin.

Nang makausap ni Tulfo si NBI Cybercrime Division Chief Vic Lorenzo, sinabi nitong nasa kulungan pa si Mangusin. Dagdag pa ni Lorenzo, walang piyansa ang kaso nitong qualified human trafficking. Nakausap na rin daw nila ang mga complainant sa kasong ito.

Sa kabilang banda, kinapapanayam pa umano ng NBI ang complainant ni Mangusin sa kasong land grábbíng sa Isabela. May bini-verify din ang NBI na kasong estafa sa Makati.

Nang tinanong naman ni Tulfo ang tungkol sa reklamong rápé sa Ilocos, sinabi ni Lorenzo, “… Papunta na po (ang mga agents), actually po sa Isabela. May mga kakausapin sila doon, victims po sila ng rápé… Magpa-file pa lang po ng complaint, kaya pinuntahan na sila ng mga agents, para sa interview.”

Ayon pa kay Lorenzo, kung babasahin daw ang pahayag patungkol sa qualified illegal recruitment ni Mangusin, ang ginawa nila umanong modus ay magre-recruit sila ng mga babae, medyo aabúsúhín, paghúhúbárin, hanggang umabot na sa panggágáhásá.

“Ipapadala nila sa ibang bansa. Akala ng mga na-recruit nila, sir, na magtatrabaho doon; ‘yon pala gagawing séx slave,” dagdag pa ni Lorenzo.

Nakatakas umano ang mga biktimang babae at nakauwi sa Pilipinas. Nag-file sila ng complaint laban kay Mangusin.  Lumalabas na anim ang mga naging complainants sa kasong ito.

Hindi pa raw nakapagbayad si Mangusin ng piyansang P20,000 para sa Violation of Optometry Law. Tinatanong din ng NBI kung bakit pinapiyansahan niya ang kasong paglabag sa Republic Act 9262 kung hindi naman daw siya ang Francis Leo Marcos na nahuli sa Nueva Ecija.

“Sasampahan namin siya ulit, sir, ng kaso ngayon; ‘yong sa Passport Law. Kasi ‘yong passport niya, ‘di ba under Francis Leo Marcos. At the same time, sir, sasampahan namin siya do’n sa fake news, doon sa Bayanihan Heal As One Act.”

Binanggit daw kasi ni Mangusin sa kanyang mga vlogs ang fake news na ang mga mayayaman at mga institusyon ay hindi tumutulong sa panahon ng pandemya.

Mahaba-habang pag-aaral pa raw ang kakailanganin patungkol sa mga kaso ni Mangusin.




Source: Tutok Erwin Tulfo 2.0

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Norman Mangusin a.k.a Francis Leo Marcos, patong patong na kaso ang kinakaharap.
Norman Mangusin a.k.a Francis Leo Marcos, patong patong na kaso ang kinakaharap.
Nakadetine pa rin daw si Mangusin sa NBI Office. Ayon sa NBI, may mga panibagong reklamo na naman daw umano laban kay Mangusin.
https://1.bp.blogspot.com/-Q2r8lOGQ-bw/Xs_4TMKE3zI/AAAAAAAAHgY/6Ry2zNQD9YUkXAhqWyQhR2b3yurU77OdwCK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B%252816%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-Q2r8lOGQ-bw/Xs_4TMKE3zI/AAAAAAAAHgY/6Ry2zNQD9YUkXAhqWyQhR2b3yurU77OdwCK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%252816%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/05/norman-mangusin-aka-francis-leo-marcos.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/05/norman-mangusin-aka-francis-leo-marcos.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy