Paano nga ba nagsimula si Coco at gaano na siya kayaman ngayon

Ipinanganak si Rodel Pacheco Nacianceno noong November 01, 1981 sa Sampaloc, Manila. Hiwalay ang kaniyang ang mga magulang at nagkaroon na ng kani-kan

Mga larawan ay mula sa Google


Isa si Coco Martin sa mga sikat na aktor. Minsan na rin siyang bumida sa ilang palabas at pelikula. At paniguradong marami na siyang naipundar dahil sa kaniyang pagpupursige.

Paano nga ba nagsimula si Coco, at gaano nga ba siya kayaman?

Larawan ay mula sa Google

Ipinanganak si Rodel Pacheco Nacianceno noong November 01, 1981 sa Sampaloc, Manila. Hiwalay ang kaniyang ang mga magulang at nagkaroon na ng kani-kanilang mga pamilya. Kaya naman lumaki siya kasama ng kaniyang Lola Matilde sa Novaliches, Quezon City.

Bata pa lamang ay natuto na ang aktor, na isang laking-lansangan, kung paano dumiskarte upang kumita ng perang pantulong sa kaniyang lola. Ngunit, natutunan niya ring makipagbasag-ulo.

Nag-aaral noon si Coco ng Hotel and Restaurant Management (HRM) sa National College of Business and Arts, nang makapasok siya sa Top 30 ng Star Circle Batch 9 sa ABS-CBN. Nagkaroon na nga ng pagkakataon si Coco na abutin ang pangarap niyang pag-aartista, subalit tinupad muna niya ang hiling ng kaniyang lola na makatapos siya ng pag-aaral.

Subali nang siya’y makatapos ng pag-aaral, nahirapan siyang makahanap ng trabaho. Kaya naman, naranasan niyang rumaket bilang waiter, extra sa mga patalastas, at namimigay ng flyers sa mall.

Nabigyan muli siya ng pagkakataon sa telebisyon nang maging extra sa comedy show ni Joey de Leon na “Teka Muna” sa TV5. Hanggang sa nakilala niya ang isang direktor na siyang nag-manage sa kaniya at siyang nagpasok sa aktor sa mga indie films.

Matapos ang ilang partisipasyon sa ilang pelikula, bumida siya sa unang pagkakataon sa pelikulang “Masahista”. Dahil dito’y nakatanggap siya ng iba’t ibang parangal mula dito sa Pilipinas hanggang sa mga film festival sa ibang bansa. Kabilang na nga rito ang film festival sa Canada.

Nang makarating siya sa Canada ay hindi na siya bumalik dahil dito na niya naranasang maging janitor, tagaluto, hardinero, at mangolekta at magbenta ng bote. Makalipas ang siyam na buwan ay napilitan siyang umuwi dahil hindi siya nakakuha ng working visa. Sa kaniyang pagbalik ay nagpatuloy siyang gumawa ng indie films.

Umani siya ng iba’t ibang parangal mula sa mga indie films. Ilan lamang dito ay sa mga pelikulang “Tirador”, “Tambulista”, “Daybreak”, “Serbis”, at marami pang iba. Kaya naman tinawag siyang “Prince of Philippine Independent Films”.

Nagkaroon siya ng pagkakataong maging parte sa seryeng “Daisy Siyete” sa GMA 7. Napasali rin siya sa all male group na “The Studs” kahit na hindi siya marunong sumayaw o kumanta.

Hanggang sa nakuha niya ang kontrabida role sa teleseryeng “Tayong Dalawa” ng ABS-CBN, na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at Jake Cuenca.

Kinakitaan si Coco ng galing sa pag-arte, at dito na nga siya nagsimulang maging busy dahil sa mga ginagawa niyang teleserye at endorsements. Tinutukan ng sambayanan ang ilang teleseryeng pinagbidahan ni Coco tulad ng “Walang Hanggan”, “Juan dela Cruz”, “Ikaw Lamang”, at “FPJ’s ‘Ang Probinsiyano’”.

Naging milyon na nga ang kinita ng aktor, at dahil dito’y nakapagpatayo na siya ng malaking bahay sa Quezon City. Tinatayang nasa P120 million ang halaga ng kaniyang bahay, na mayroong malaking swimming pool at gazebo. Pinatayuan niya rin ng bahay ang kaniyang hiwalay na mga magulang.

Bumida rin si Coco sa ilang mga pelikula sa Metro Manila Fim Festival (MMFF) katulad ng “Ang Panday”, “Jack Em Popoy: Da Pulis Credible”, at “3Pol Trobol: Huli Ka Balbon”.

Kilala rin ang aktor bilang si “Cardo Dalisay”. Sa TV series na “Ang Probinsiyano” makikita ang ilang mga astig na motor na kaniya mismong koleksyon. Mayroon din siyang mga mamahaling sasakyan, at kabilang na nga dito ang “Toyota FJ Cruiser”. Ito ay may halagang P2.1 million. Ang kaniya namang “Jeep Wrangler” ay umaabot sa 3.7 million pesos. Ang “Toyota Land Cruiser” naman ng aktor ay nagkakahalaga ng 4.9 million pesos.  Ang “Mercedes Benz Brabus G63” ay nagkakahalaga naman ng 12 million pesos.

May mga  koleksyon din siya ng sports car: “Ford Mustang”, P3.6 million; “Dodge Challenger Hellcat”, P6.3 million; “1967 Shelby Mustang GT500”, P11 million; “Inkas Sentry Armored Personnel Carrier”, P22 million.

Bukod dito, may 11 rin siyang big bikes. Ang isa rito’y regalo sa kaniya ni Dawn Zulueta at nagkakahalaga ng P800,000. Ang ilan nama’y nagkakahalaga ng P330,000, P375,000, P800,000, P1 million, at P1.1 million.

Sa isang source, sinasabing ang net worth ni Coco Martin ay mahigit isang bilyong piso.

Talaga nga namang nakakalula ang halaga ng kaniyang ari-arian. Ito ay dahil sa kaniyang paghihirap at pagsisikap.



Source: Swiss Motorcycle Parts and Accessories - Facebook Page

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Paano nga ba nagsimula si Coco at gaano na siya kayaman ngayon
Paano nga ba nagsimula si Coco at gaano na siya kayaman ngayon
Ipinanganak si Rodel Pacheco Nacianceno noong November 01, 1981 sa Sampaloc, Manila. Hiwalay ang kaniyang ang mga magulang at nagkaroon na ng kani-kan
https://1.bp.blogspot.com/-Avc1mZAZpgs/XsMsBf-QrII/AAAAAAAAGUI/xloWuMpiQb4XjhXJXe8nEQ1OpOZuOJoSwCK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B%25282%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-Avc1mZAZpgs/XsMsBf-QrII/AAAAAAAAGUI/xloWuMpiQb4XjhXJXe8nEQ1OpOZuOJoSwCK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%25282%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/05/paano-nga-ba-nagsimula-si-coco-at-gaano.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/05/paano-nga-ba-nagsimula-si-coco-at-gaano.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy