Relief na BIGAS, ibinalik ng ilang residente sa Bulacan

Ibinalik ng ilang residente ng Barangay Poblacion, Baliuag, Bulacan ang mga ibinigay na bigas bilang relief dahil umano sa mababang kalidad nito.

Mga larawan ay mula sa Video


            

Ibinalik ng ilang residente ng Barangay Poblacion, Baliuag, Bulacan ang mga ibinigay na bigas bilang relief dahil umano sa mababang kalidad nito.

            

Sa isang 31-second video na i-p-in-ost sa Facebook ng netizen na si Marikit Alvaran, makikita ang ilang residenteng nagbabalik ng mga packs ng bigas sa loob ng isang sako habang kinukutya nila ang kalidad nito.

            Sabi ng unang babae sa video, “Hindi ako kumakain niyan.”

            Ayon naman sa babaeng sumunod sa kaniyang naglagay sa sako, ang mga ito raw ay “para sa mga aso.”

            Ayan na po, isinuli na po nila ‘yong bigas,” ayon naman sa nagvi-video na marahil ay si Alvaran.

            Habang kinukuhanan ng video ang loob ng sakong pinagbalikan ng mga packs ng bigas, maririnig muli ang boses ng naunang babae na nagsasabing, “‘Yong aso ko, maselan – ayaw niyan.”

            Para daw mapalitan,” ang huling pahayag na maririnig sa naturang video.

            

Mga larawan ay mula sa Video

Tumaas naman ang kilay ng ilang mga netizens. Ang iba pa nga ay nagpahayag ng kanilang galit sa mga residenteng nagbalik ng mga packs ng bigas.

Sabi ng isang netizen, “Isa lang masasabi ko dito – KAARTEHAN sa panahong may crisis. Sana tanggalin natin ‘yong mga ganitong asal. Hindi ‘yong namimili pa. Maghahanap ng wala. Kung ano ang meron, ‘yan ang tanggapin. Buti nga may nagmamalasakit na magbigay. Matutong mag-APPRECIATE ng kung anong meron. Mamamatay ka na sa gutom ta’s ibabalik mo at sasabihin mong pagkain sa aso. Kung gano’n din lang, wag na lang kayong tumanggap ng relief goods at magutom na lang kayo. Aarte niyo.            

Pahayag naman ng isa, huwag na raw sana silang maarte at magpasalamat na lamang daw silang nabigyan pa sila. Kung binigay lamang daw sa kaniya ay kukunin at tatanggapin niya raw ang mga ito.

Ayon naman sa isang netizen, “Una, dapat magpasalamat. Tapos, sa magbibigay ng bigas, sana pili rin kayo – ‘yong ‘di naman nakakahiya ipamigay (meron kasi may bokbok at low quality talaga)…

Habang ang iba ay nagsasabing hindi makain ang naturang bigas dahil nga sa mababang kalidad daw nito, ibinahagi naman ng ilang netizens at tagasuporta ng kapitan ng Barangay Poblacion na si Christopher Alvaran na niluto nila ito at isa raw “fine grain.”

Sa post muli ni Marikit na naka-addressed sa mga kritiko ni Kapitan, sinabi niya ang mga sumusunod:

            Si Kap na isang kilo eyebag masigurado lang na lahat kakain. Yung mga frontliners na naghakot,nagrepack,nagpamigay. Yung mga tanod na puyat kakabantay para masigurong walang magkakasakit. At yung mga TAXPAYERS na nag ambag ambag para sa kapwa Pilipino. Mahiya kayo!!! Si Mayor Ferdie may pamanok pa and pa almushare araw-araw. Kayo? Hihilahilata tapos pag bigayan,pag di pasok sa standards nyong akala nyo anak kayo ni Belo kung makapag inarte. Aba matindi!

Sa ngayon ay mayroon nang halos 596,000 views, 9.8 thousand reacts, 715 comments at halos 13,000 shares ang nasabing post.




Source: Marikit Alvaran- Facebook

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Relief na BIGAS, ibinalik ng ilang residente sa Bulacan
Relief na BIGAS, ibinalik ng ilang residente sa Bulacan
Ibinalik ng ilang residente ng Barangay Poblacion, Baliuag, Bulacan ang mga ibinigay na bigas bilang relief dahil umano sa mababang kalidad nito.
https://1.bp.blogspot.com/-G-zpwbnrkqo/XrBhdXfT4DI/AAAAAAAAEeI/BBFE_WaWc4IhNKhi5XL6Y7j_amu0ZrCjgCK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B%25286%2529.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-G-zpwbnrkqo/XrBhdXfT4DI/AAAAAAAAEeI/BBFE_WaWc4IhNKhi5XL6Y7j_amu0ZrCjgCK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%25286%2529.jpg
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/05/relief-na-bigas-ibinalik-ng-ilang.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/05/relief-na-bigas-ibinalik-ng-ilang.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy