Rider, may mensahe sa mga mababa ang tingin sa kanila

Ibinahagi ng isang netizen ang kaniyang naging saloobin tungkol sa mababang pagtingin ng ibang tao sa mga delivery rider.

Mga larawan ay mula sa Facebook post ni Brian Tabuzo

Ibinahagi ng isang netizen ang kaniyang naging saloobin tungkol sa mababang pagtingin ng ibang tao sa mga delivery rider.

Kuwento ni Brian Tabuzo, nakatanggap umano siya ng mensahe mula sa dating kaklase at tinatanong kung bakit sa pagiging rider ang naging bagsak niya.

Larawan ay mula sa Facebook post ni Brian Tabuzo

Tanging pagtawa na lamang ang naisagot niya dahil napagtanto niyang mababa pala ang tingin ng iba sa mga food at parcel delivery riders.

Paliwanag niya, ang mahalaga para sa kaniya ay masaya siya sa kaniyang ginagawa at kumikita sa malinis na paraan.

Alam niyang bata pa siya at may iba pang trabaho ang naghihintay sa kaniya, ngunit dito siya masaya.

Sabi ni Tabuzo, ““Pinili ko ito dahil masaya rito. Dito, ang mahalaga ay hindi kami nanlalamang ng ibang tao. Hindi rin naman ganoon kadali ang ginagawa namin. Nariyan ang risk ng aksidente, fake booking, scams. Pero masaya kami at mahal namin ito.”

Nagpasalamat din siya sa mga nakauunawa sa mga kagaya nila.

“Salamat sa mga taong kayang umunawa at tumangkilik sa ginagawa namin…Gawin na lang nating motibasyon ang kritisismo ng ibang tao sa atin.”

Naunawaan naman ng mga netizens si Tabuzo at sinabing hindi lahat ay ganoon ang tingin sa mga rider na nagsisilbi pa ngang bayani sa gitna ng pandemya.

Ani M. Gani, “Hindi dapat ikahiya ang trabaho na marangal…Salat ka man sa pera, ang mahalaga mayaman ka sa mata ng Diyos. Kaya ipagpatuloy mo lang ‘yan dahil darating ang araw na iaangat ka rin Niya.”

Narito ang kaniyang post:

“Oh pre! Naggagrab kana lang pala? Diba college level ka naman? Bat jan ka bumagsak? Bata kapa diba? Dami pang trabaho mas better jan.” – highschool mate said.

Honestly “HAHAHAHAHHA wala lang” yan na lang ang naisagot ko, ganyan pala kababa ang tingin nyo saming mga food/parcel delivery riders. Oo bente anyos pa lang ako, daming mas magandang trabaho jan, pero pinili ko to dahil masaya ko dito ang mahalaga di kami nanlalamang ng ibang tao. Di rin naman ganun kadali ang ginagawa namin. Anjan ang risk ng aksidente, mga fakebookings, scams. Pero masaya kami at mahal namin to hahahaha. Di naman namin hinihingi ang pag galang at appreciation nyo, ang importante sa malinis na paraan naming kinukuha ang perang pinanggagastos. Kaya salamat sa mga taong kayang umunawa at tumangkilik sa ginagawa naming, wag na lang pansinin yung mga ganung klaseng tao. Sa lahat ng riders jan. Ride safe sa ating lahat.

Ps: Di ko alam kung nagpapakasarcastic ka lang, di naman tayo close limot ko na nga din pangalan mo eh haha pero bigla kang kumana ng ganun HAHHAHA

Gawin na lang nating motibasyon ang kritisismo ng ibang tao satin, aangat din tayo

#Paaweeeer!

#YourGrabMan #Grab #FoodPanda #Angkas #Joyride #Lalamove #Moveit

#SaluteToAllDeliveryFrontliners




Source: Facebook post ni Brian Tabuzo

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Rider, may mensahe sa mga mababa ang tingin sa kanila
Rider, may mensahe sa mga mababa ang tingin sa kanila
Ibinahagi ng isang netizen ang kaniyang naging saloobin tungkol sa mababang pagtingin ng ibang tao sa mga delivery rider.
https://1.bp.blogspot.com/-_TADPolvz9w/XsGzosmJDKI/AAAAAAAAGLI/uCyX2h4P3_0l3rABBTGLuN5r_f2hXj87gCK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B%252821%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-_TADPolvz9w/XsGzosmJDKI/AAAAAAAAGLI/uCyX2h4P3_0l3rABBTGLuN5r_f2hXj87gCK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%252821%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/05/rider-may-mensahe-sa-mga-mababa-ang.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/05/rider-may-mensahe-sa-mga-mababa-ang.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy