"Streetboys" Member Spencer Reyes, Anu na kaya ang kanyang buhay matapos iwan ang showbiz

"Streetboys" Member Spencer Reyes, Bus Driver na ngayon sa Scotland.

Mga larawan ay mula sa pep.ph


Sa kanilang radio program na DZRH, nakapanayam ng PEP.ph via Zoom nitong May 11, Lunes ng gabi, si Spencer Reyes - isa sa mga dating miyembro ng dating sikat na dance group na “Streetboys.”

Kasalukuyan nang nasa Scotland si Reyes at nagtatranaho ito roon bilang isang bus driver.

Sa United Kingdom kasi (na binubuo ng England, Scotland, Wales at Northern Ireland), mataas ang propesyon ng pagiging bus driver dahil dadaan muna sa mahihirap na mga tests ang mga nais mag-apply rito bago matanggap sa naturang trabaho.

Taong 2008 daw ng magpunta si Reyes sa England kung saan ay nag-aral siya ng Nursing.

Lumipat naman siya ng Scotland noong 2014 kasama ang kaniyang asawa’t tatlong mga anak. Dito ay nag-aral siya ng Electrical Engineering, Heating at Plumbing sa isang vocational school.

Matapos nito ay nag-apply raw siya bilang bus driver. Ngunit bago raw siya natanggap sa trabahong ito dumaan muna siya sa maraming mga pagsubok.

Pagkukuwento ni Reyes, “Napakahirap pumasok as bus driver. You need to do some examinations. Kasi, may license dito sa kotse. ‘Pag pumasa ka doon, merong tinatawag nilang ‘Theory and Hazard.’ Pag pumasa ka doon, magsi-celebrate ka talaga. Kasi, aaral ka talaga ng makapal na libro. Then, nagka-idea ako… nagpasa ako as bus driver, hindi agad ako kinuha. Kailangan, kumuha ako ng another license for bus. I need to study again for almost six months, review again.”

Mga larawan ay mula sa pep.ph


Pagpapatuloy pa ng “Streetboys” member, “
Kailangang maipasa mo ‘yong ‘Hazard and Theory,’ tapos another… almost 10 na online tests na mapasa mo ‘yon.Pag hindi mo mapasa isa doon, hindi ka magiging bus driver dito. Saka dapat okay ang memory.”

Kailangan din daw na alam mo ang pasikut-sikot dahil isang beses lamang itong itinuturo.

“Hindi gano’n kadali,” sabi pa ni Reyes.

Halos dalawang taon na raw siyang bus driver sa Scotland na kung saan, mga tour bus ang minamaneho. Kaya kabisado na raw niya ang kabuuan ng lugar na ito.

At kahit na naka-lockdown ngayon sa Scotland dahil sa tumataas na bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), tuloy pa rin sa pagtatrabaho si Reyes.

Bilang isang bus driver, naghahatid siya ng mga frontliners papunta sa mga ospital.

“Essential ako dito, e... nagda-drive ako ng bus. Kailangan kong magdala ng mga nurse sa hospital, e. Ako yung naghahatid ng mga nurse na nagtatrabaho sa hospital. Naka-mask, naka-PPE, makapal yung glasses ko… everytime na sumasakay ako. Kasi, yung bus namin, merong wall na glass, which is safe. Every ano… sina-sanitize yun, e... pati mga... lahat, hawakan,” paglalahad pa ni Reyes.

Larawan ay mula sa Google

Aminado naman siyang miss na miss niya na raw ang showbiz, lalo na ang pagsasayaw.

Naiimbitahan naman daw siya sa ilang activities at events ng Pinoy community, kung saan nakakasama niya ang kapwa na ring “Streetboys” na si Michael Sesmundo.

Kapatid ng asawa ni Reyes ang napangasawa ni Sesmundo.

“Parehas kaming natuhog, kaya nandito kami lahat. Happy family talaga, kasi at least, kasama ko isang taga-Streetboys din.”

Larawan ay mula sa Google

May YouTube channel din ang “Streetboys” member na ito na may channel name na “Sphencer Reyes” na kung saan, halos araw-araw siyang nagbibigay ng update tungkol sa kaniyang buhay.


Mayroon din daw siyang Facebook, Instagram at Tiktok accounts, kung saan siya sayaw nang sayaw dahil sa sobrang pagka-miss niya raw sa showbiz.

At maganda ring malaman na mayroon pa silang komunikasyon nang dati niyang ka-loveteam na si Aiza Seguerra, na Ice Seguerra na ngayon.

Nilalambing niya raw lagi noon si Segurra, subalit suntok at sapak daw ang inaabot niya.

“Habang nilalambing ko siya nun, lagi niya akong sinusuntok, sinisikmuraan. Pero tinitiis ko lang. Sabi ko, sige na, e, love team lang naman. Talagang sisikuhin ako niyan, sinusuntok niya ako. Kasi, lagi ko ‘yan hinahalikan sa pisngi, e."

Subalit, pagtatapat ni Reyes, “Minahal ko siya as a friend, kasi lagi kaming magkasama nun, e. Nagkaroon ng konting nadi-develop, pero alam mong lalaki siya, at mabibigo ka lang.”

Frontliner noon ng grupong “Streetboys” si Reyes na mina-manage noon ni Direk Chito Roño. Matatandaang nagka-alitan ang dalawa noon dahil sa pera, ngunit napagtanto raw ni Reyes na tama pala ang dating manager.

“Kasi, noong bata ako, siya mismo ang naghahawak ng pera namin, e. Which is I’m happy, I’m proud na siya ang naghawak. Dahil kung hindi, baka ubos na ang pera namin. At least, natuwa ako dahil sa sobrang ano niya… doon nag-away kami dahil sa tinatanong ko sa kanya about sa pera, gusto ko makuha lahat pera ko. Pero ayaw niya talagang ibigay. Doon ako nagalit. Siyempre, bata ako nun, e. Now, I realized na tama ang ginawa sa akin ng manager ko,” ayon pa kay Reyes.

Saksi raw siya sa pagdidisiplina ni Direk Chito sa kaniyang mga alaga, na pamilya na ang turing sa kanila – kaya raw naging matibay ang kanilang samahan.

Halos araw-araw din daw silang nagkakausap via Zoom o kaya naman ay video chat ng kaniyang mga dating kasamahan sa naturang dance group na sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, at Danilo Barrios.


Larawan ay mula sa Google

Source: pep.ph

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: "Streetboys" Member Spencer Reyes, Anu na kaya ang kanyang buhay matapos iwan ang showbiz
"Streetboys" Member Spencer Reyes, Anu na kaya ang kanyang buhay matapos iwan ang showbiz
"Streetboys" Member Spencer Reyes, Bus Driver na ngayon sa Scotland.
https://1.bp.blogspot.com/-nDB1v-VeYLg/XsBeI8w5wOI/AAAAAAAAGEE/Wbqmwt45CV4CbE_cBZzQWwmHqjUSMmI5ACK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B%252816%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-nDB1v-VeYLg/XsBeI8w5wOI/AAAAAAAAGEE/Wbqmwt45CV4CbE_cBZzQWwmHqjUSMmI5ACK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%252816%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/05/streetboys-member-spencer-reyes-anu-na.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/05/streetboys-member-spencer-reyes-anu-na.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy