Tignan: Mga larawang kuha noong World War II sa Villa Verde, Malico, San Nicolas, Pangasinan

Makikita sa mga larawan ang mga mamamayang naglalakad sa mga bundok. May ilang mga sundalo ring tulong-tulong na inilalagay ang malaking tangke nila

Mga larawan ay mula sa The Beauty of Malico - Facebook


Sa pagdaan ng panahon, marami ng mga kaganapan ang naging bahagi na ng kasaysayan. May mga pangyayaring marami ang nakasaksi, may ilan namang hindi naniniwala sa ibang parte ng nakaraan sapagkat wala man lang nakakita mismo sa mga ito o kaya naman ay walang katibayan upang masabing naganap nga ang mga ito.

Subalit, dahil nga namumuhay na tayo sa makabagong panahon, marami nang mga nadidiskubreng katibayan na nagpapakita ng mga nangyari sa nakalipas – tulad ng larawan, video, mga liham at telegrama at iba pa.

Isa nga sa mga patunay na ito ay ang mga larawang ibinahagi ng Facebook page na “The Beauty of Malico” na kung saan ipinakita rito ang mga “rare photos” sa Villa Verde, Malico sa San Nicolas, Pangasinan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II).

Sabi sa caption ng naturang post, “The Historical world War II in Villa Verde,Malico, San Nicolas, Pangasinan.. Really amazing to look back what was happened during the World War II in my native Land...

Makikita sa mga larawan ang mga mamamayang naglalakad sa mga bundok. May ilang mga sundalo ring tulong-tulong na inilalagay ang malaking tangke nila sa pakikidigma.

Sa ilang mga larawan, makikita rin ang ilang mga sundalong may bitbit na mabibigat na bag habang naglalakad sa matarik na daanan. May larawan din na kung saan, nakasakay ang mga sundalo sa kanilang tangke habang pababa ng bundok!

Masisilayan din ang mga sundalong nakadapa habang nakikipagbakbakan. Ito raw ay noong Apri 01, 1945 at ito raw ang mga “Troops of Co. ‘L,’ 3rd Batallion, 128th Inf. Regt., 32nd Div.” na nakadapa sa itaas ng “Hill 604, Villa Verde Trail” habang umaatake sa mga kalabang Hapon “over the next ridge.

Larawan mula sa The Beauty of Malico - Facebook

May larawang ding nagpapakita ng mga katutubong kababaihan na may hawak na mga riple at iba pang gamit sa pandigma. Base sa ilang pinagkunan na makikita rin sa ilang larawan, “women are employed by the 32nd Division to carry supplies over the 12 ½ -mile trail between Valdez and Imugen, Caraballo range in northern Luzon.

Inaayos naman ng ilang kalalakihan ang daanan ng Villa Verde noong March 03, 1945, “under supervision of American soldiers.” Nagbubuhat naman ang iba ng kagamitang kinailangan ng mga sundalong Amerikano - “March 05, 1945 – Filipino pack carriers bringing supplies and ammunition to 2nd battalion, 127th Infantry Regiment, 32nd Division, fighting along Villa Verde Trail.

Larawan mula sa The Beauty of Malico - Facebook

Sa isa namang larawan, nakasaad na noong March 15, 1945, “On the alert for Jap ambush along the Villa Verde Trail, Luzon, P.I., an infantryman peers cautiously around a curve trail.

Larawan mula sa The Beauty of Malico - Facebook

May isang larawan namang nagpapakita kung paano tumugon ang mga sundalong Amerikano sa isang kuwebang may “TNT charge” na inilagay ng mga Hapon.

Ang ilan pang mga susunod na larawan ay kakikitaan ng mga captions kung ano at paano ang ginawa ng mga tao noong kasagsagan ng World War II.

Natuwa naman ang mga netizens sa naturang post na ito.

Sabi ng isang netizen, “These are rare photos during historical WW II...Worth displaying as priceless memorabilia in a museum! The awesome effort of the owner of these photos is commendable. Salute to you sir/madam.

Ayon naman sa isa, gustong-gusto niya raw makakita ng mga lumang larawan kaya naman natutuwa siyang makita ang mga ito.

            Woaaaah..High resolution pala camera nila noon,” sabi naman ng isang netizen.



Source: The Beauty of Malico - Facebook

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Tignan: Mga larawang kuha noong World War II sa Villa Verde, Malico, San Nicolas, Pangasinan
Tignan: Mga larawang kuha noong World War II sa Villa Verde, Malico, San Nicolas, Pangasinan
Makikita sa mga larawan ang mga mamamayang naglalakad sa mga bundok. May ilang mga sundalo ring tulong-tulong na inilalagay ang malaking tangke nila
https://1.bp.blogspot.com/-ih9wPcu28-8/XsLpYeKZHPI/AAAAAAAAGTY/AtJZGY540B0xu80COCtCSc1Y9XJ2mWWIgCK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign.png
https://1.bp.blogspot.com/-ih9wPcu28-8/XsLpYeKZHPI/AAAAAAAAGTY/AtJZGY540B0xu80COCtCSc1Y9XJ2mWWIgCK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/05/tignan-mga-larawang-kuha-noong-world.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/05/tignan-mga-larawang-kuha-noong-world.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy