Trending ang Kakaibang paraan ng pangtulong ng isang vlogger kinagigiliwan ngayon sa social media.

Sa YouTube channel na JayTV #KaTagumapay, ang vlogger ay nasa highway. Isinet-up niya ang kaniyang motor na kunwari ay sira.

Mga larawan ay mula sa video post ng Team Katagumpay

Isang vlogger gumawa ng paraan para makatulong sa ibang tao.

Sa YouTube channel na JayTV #KaTagumapay, ang vlogger ay nasa highway. Isinet-up niya ang kaniyang motor na kunwari ay sira. Saka siya naghintay kung sino ang titigil para tanungin kung ano ang nangyari. Dagdag pa niya, magaganap na ang mga dapat mangyari sa pagdating ng taong tutulong sa kaniya. Naniniwala rin siya na sa tamang tao mapapasakamay ang brand new helmet.

Sa mga unang minuto ng paghihintay, wala ni isa man ang tumigil para alamin kung anong nangyari sa kaniya.

Ilang sandali pa’y dumaan ang isang lalaki naka-motor, at ayon sa nakasulat sa video na alam na niyang tutulungan siya nito sa unang tingin pa lang. lumapit na nga ang lalaki at sinabi ng vlogger na nawalan siya ng gas.

“Nawalan ako ng gas, ‘Tay e!”

“May galon ka dyan?”

“Wala nga po akong lalagyan e.”

Base pa lamang daw sa mga tanong, alam na umano ng vlogger na nasa tamang tao siya.

“Malayo po ba yung gasolinahan ditto ser?”

“Malayo pa. Sige, dadalhan na lang kita dyan. Hahanap ako sa bahay ng galon.”

Sinabi pa ng vlogger na baka malayo pa ang bahay ng lalaki pero ang sagot sa kaniya’y maghintay na lamang siya at dadalhan nga siya nito ng gas.

Ilang sandali lang ay bumaba ang lalaki dahil nakakita siya ng empty bottle.

Isinalaysay pa ng vlogger na hindi siya nagbigay ng pera, at binalikan niya ang mga naging kaganapan mula nang lapitan siya ng lalaki. Sinabi pa niya na nagpagasolina na nga si Tatay para dalhin nga sa kaniya.

Makalipas nga ng 30 minuto, tuwang-tuwa ang vlogger dahil binalikan siya ni Tatay.

“Magkano poi to, ‘Tay?”

“Hindi na, sige. 30 lang bili ko dyan, sige na.”

Hindi raw makapaniwala ang vlogger na ayaw siyang pagbayarin ng lalaki. Maya-maya pa’y dito sinimulang ibunyag ng vlogger ang lahat.

“May ipapakita po ako sa inyo, ‘Tay!”

“Bakit po?”

“Full tank naman talaga ako eh.”

“Oh, bakit ganun?”

“Naandar naman eh.”

“Sabi mo walang gas.”

“Lahat to, ‘Tay kunwari lang. Sinubukan ko lang kayo. Nakita ko ‘Tay, napakabuti ng puso niyo. Tinulungan niyo ako, ayaw niyo pa pabayarin sa akin ‘yan. Tapos nag-motor pa kayo, mainit pa. Salamat ‘Tay, ah!”

Sabi naman ni Tatay na may dala pa siyang isda at iniuwi niya muna sa kanilang bahay.

Bago ibigay ng vlogger ang kaniyang regalo, nalaman niyang 49 na taong gulang si Tatay na may tatlong anak. Kinumusta niya rin kung ano ang kalagayan nito ngayon, gayong may kinahaharap na pandemic ang lahat. Ayos lang naman daw ang lahat pero na-pending ang anak niya sa trabaho, at umaasa na lang din sa kaunting bigay ng gobyerno.

Matapos nito’y ibinigay na nga ng vlogger ang brand new helmet sa taong tumulong sa kaniya. Binigyan niya pa ito ng 10 kilong grocery, tulong para sa kakainin ng pamilya ni Tatay.

Nagpasalamat ang dalawa sa isa’t isa.

Pero bago sila maghiwalay, tinanong ng vlogger kung bakit nga ba hindi nagdalawang-isip si Tatay na tulungan siya.

Ang sagot, “Eh, wala naman kasi sa itsura, saka lalo ngayon nasa gipit, ‘yong mga nurse nga eh, hindi natatakot tumulong sa atin eh. Saka siyempre nasa kalsada kaya kinakailangan, tulungan.”

Binigyan niya pa ng kaunting tulong-pinansiyal ang lalaki. At dahil sa mga natanggap na mga regalo, naiyak pa si Tatay.

Hiniling pa nga ng dalawa n asana ay magkita pa sila.





COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Trending ang Kakaibang paraan ng pangtulong ng isang vlogger kinagigiliwan ngayon sa social media.
Trending ang Kakaibang paraan ng pangtulong ng isang vlogger kinagigiliwan ngayon sa social media.
Sa YouTube channel na JayTV #KaTagumapay, ang vlogger ay nasa highway. Isinet-up niya ang kaniyang motor na kunwari ay sira.
https://1.bp.blogspot.com/-P1i-V5zK_sE/XshYlAZ4doI/AAAAAAAAG4Q/NCIWVHLa3Rcyb6C--52ECST1qH_Db26HQCK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B%25287%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-P1i-V5zK_sE/XshYlAZ4doI/AAAAAAAAG4Q/NCIWVHLa3Rcyb6C--52ECST1qH_Db26HQCK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%25287%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/05/trending-ang-kakaibang-paraan-ng.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/05/trending-ang-kakaibang-paraan-ng.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy