Underground hospital para sa mga Chinese COVID-19 patients nadiskubre sa Pampanga

Source:  GMA News Isang sikreto at ilegal na pagamutan para sa mga pasyenteng Chinese na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ...

Source: GMA News

Isang sikreto at ilegal na pagamutan para sa mga pasyenteng Chinese na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang nadiskubre ng mga pulisya sa Pampanga.

Dati raw isang leisure villa ang ginawang pagamutang ito na may seven-bed capacity. May sarili rin daw itong botika sa loob na naglalaman ng pawang mga gamot galing mismo sa China at hindi rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA).

Natagpuan din sa naturang underground hospital na nakalagay lang sa mga plastic containers na walang mga takip ang ilang mga medical wastes, kabilang na ang mga herenggilyang nagamit na, IV tube at mga botelya ng medisina. 

Source: GMA News

Source: GMA News

Wala umanong maipakitang “permit to operate” mula sa Department of Health at sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang naturang pagamutan.

Inabutan ng mga awtoridad sa nasabing makeshift COVID-19 hospital ang isang Chinese patient na inilipat na rin kalaunan sa totoong ospital.

Ayon sa Deputy Director for Administration ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group na si Police Brigadier General Rhoderick Armamento, nakababahala ang ginawa ng nasabing pagamutan. Sabi pa niya, hahanapin daw nila ang lahat ng pasyenteng nagpagamot dito at aalamin ang kani-kanilang mga kalagayan. 

Source: GMA News

Source: GMA News

Source: GMA News

Maaari raw kasing hindi pa tunay na magaling ang mga pasyenteng nagmula rito at baka makahawa pa raw ng ibang tao.

Ani ni Armamento, “Mga Chinese nationalities ‘yong mga pasyente nito. Hahanapin natin kung sino-sino ‘yong mga positive dito. Hindi natin alam na sila pala, akala nila magaling na sila pero ‘yon pala is patuloy silang nanghahawa ng virus dahil sa pagkakaalam nila, nagamot na sila ng ospital na ito.” Hinuli ng mga awtoridad ang nagsisilbing administrator at pharmacist ng pekeng ospital. Haharap sila sa kasong paglabag sa Food and Administration Act of 2009 at sa Medical Act of 1958.



Source: GMA News

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Underground hospital para sa mga Chinese COVID-19 patients nadiskubre sa Pampanga
Underground hospital para sa mga Chinese COVID-19 patients nadiskubre sa Pampanga
https://1.bp.blogspot.com/--Q36dGZuQWw/XsS1qR8K2kI/AAAAAAAAGgM/LSPc0jRrUqsaQO9Ti3BPrZJlCh_FutY3QCK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-05-20T004358.810.png
https://1.bp.blogspot.com/--Q36dGZuQWw/XsS1qR8K2kI/AAAAAAAAGgM/LSPc0jRrUqsaQO9Ti3BPrZJlCh_FutY3QCK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-05-20T004358.810.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/05/underground-hospital-para-sa-mga.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/05/underground-hospital-para-sa-mga.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy