Aktres na si Pinky Amador, pinagmumura ang isang hotel staff matapos makasalamuha ang isang Person Under Monitor (PUM)

Source:  Alwin TV Nakunan ng video ang aktres na si Pinky Amador na nagwawala sa isang hotel at pinagmumura pa ang mga staffs dito noon lama...

Source: Alwin TV

Nakunan ng video ang aktres na si Pinky Amador na nagwawala sa isang hotel at pinagmumura pa ang mga staffs dito noon lamang Sabado, Hunyo 06.

May hinihingi raw kasing dokumento si Amador sa isang staff ng hotel sbalit hindi raw ito naibigay agad sa akniya. Dahil dito ay nagwala na umano ang aktres. 

Source: Alwin TV

Sa video, makikitang sinisigawan nga at pinagmumura pa nga niya ang isang babaeng staff.

“P***** *** mo! Gawin mo ‘yan! Hindi ako aalis dito!” sabi ni Amador sa unang bahagi ng video. Tahimik lamang noong una ang babaeng staff.

“P***** *** mo! ‘Pag ako nagkasakit, babayaran mo ba ang ospital ko?! Now!

“Tagalan mo pa. P***** *** mo, kakaladkarin kita dito,” pagbabanta pa ng aktres.

Subalit tila hindi na yata natiis ng naturang staff ng hotel ang ginagawa sa kaniya kaya malumanay itong sumagot, “Ma’am, wala po kayong karapatan, Ma’am.”

Sumigaw at nagwala na ang aktres. Sinusubukang ipaliwanag ng babaeng staff na sumusunod lang daw siya ngunit tila hindi nakikinig ang aktres.

“There’s an e-mail! Where’s that copy?! You could have it right now!” paninigaw ni Amador. Sinabi pa niyang kailangan na raw tumawag ng babae ng kung sinuman upang maibigay ang kaniyang hinihinging dokumento.

“Sige po, tatawag po ako. Hintay po,” ani naman ng babae subalit pinagmumura na naman siya ni Amador at sinabing hindi niya raw hihintayin ang babae at dapat na gawin niya ito ngayon.

Natataranta nang kumilos ang babae ngunit minura na naman siya ng naturang aktres at sumagot naman siya ng “Huwag niyo po akong murahin.”

Sagot naman ni Amador, “Mumurahin kita dahil buhay ko ang nakasalalay dito!”

Sabi naman ng naturang staff, sinusunod lang naman daw nila ang iniuutos sa kanila subalit pasigaw na sinabi ni Amador na wala raw siyang pakialam.

Sa mga sumunod na bahagi ng video, tila umiinit na ang eksena. Sumagot na rin ang isang staff na siyang kumuha ng video at sinabi niyang sumusunod lang sila. Sinusubukan nilang pakalmahin ang stwasyon at pilit kinakausap nang maayos ang naturang aktres subalit sumigaw ito at itinulak pa ang monitor ng computer ng staff.

May pinatawag ang kumuha ng video sa kasama niyang staff. Muli niyang sinabi kay Amador na sumusunod lang sila sa sinabi sa kanila ngunit muli na namang sumagot nang pasigaw ang aktres at sinabing wala siyang pakialam.

Dumating muli ang babaeng staff kasama ang isang lalaki na tila isang guard. Kinausap ng lalaki si Amador at sinabi ng aktres na tatlong linggo na raw naghihintay si Amador sa hinihingi niyang dokumento subalit tila pinaiikot lamang daw siya. Nakakuha raw kasi siya ng e-mail mula rito subalit bakit daw hindi pa niya ito makukuha.

“Huminahon po kayo,” ang sabi ng lalaki.

Pero sagot ni Amador, “Hindi ako naninira – ay, p***** ***, buhay ko kaya niyo bang bayaran?!”

Dagdag pa niya sa guard, “Kapag ikaw may hinihingi at hindi pa rin ibinibigay sa’yo, kalmado ka pa rin?!”

Sinabi ng guard na pag-uusapan daw ang lahat ng ito subalit sumigaw muli ang aktres at sinabing wala namang nangyari sa usapang nagaganap.

“Walang nangyayari!...Sapakin kita eh!” ani Amador sa guard. Binalingan niya ang babaeng tila kumukuha ng video at sinabi niyang “You! Print it out now! Print it out now!” para raw makaalis na siya.

Sagot naman ng hotel staff, puwede raw naman daw nila itong ilipat. Subalit, ang sabi muli ni Amador, “Hindi mo ako naiintindihan. P***** *** mo, boba ka talaga.”

“‘Yong nilagay ni’yo diyan, certification ‘yan…”

“Kaya nga po Ma’am p-…”

“Sandali! You let me speak!”

Ipinaliwanag ni Amador na nakatanggap daw siya ng e-mail. Dalawang beses daw ito nag-send at dalawang beses din daw siyang sumagot dito. At nararapat lamang na i-print na raw ang dokumentong tinutukoy niya.

Sumagot naman ang staff na gagawin nila ito at puwede naman ilipat subalit pinutol agad ng aktres ang kaniyang sinasabi, “Huwag mo nang ilipat, gaga!”

“Tang ***. Bobo ka talaga!,” ani muli ni Amador at saka na naman ipinaliwanag ang rason niya kanina.

Patuloy na nagsisisigaw ang aktres at pinagmumura pang muli ang mga naturang staffs ng hotel.

“Mga p***** *** niyo!...Buhay naming ang isasalalay niyo dahil sa katangahan ninyo?!” Sa pagtatapos ng video, nagsalita muli ang lalaki at sinabing kailangan daw itong pag-usapan. Minura na naman siya ni Amador at sinabi niyang ang mga katulad daw nilang “p***** ***” ay hindi na raw nadadaan sa usap at kailangan pang sigawan bago gumalaw.


Source: Alwin TV

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Aktres na si Pinky Amador, pinagmumura ang isang hotel staff matapos makasalamuha ang isang Person Under Monitor (PUM)
Aktres na si Pinky Amador, pinagmumura ang isang hotel staff matapos makasalamuha ang isang Person Under Monitor (PUM)
https://1.bp.blogspot.com/-eiQJ6azne3w/Xt-M1Ug2_zI/AAAAAAAAIvs/mjPKseDcglEeiwtpe4KbSzsRo9jtW02PACK4BGAsYHg/d/%25E2%2580%259CMumurahin%2Bkita%2Bdahil%2Bbuhay%2Bko%2Bang%2Bnakasalalay%2Bdito%2521%25E2%2580%259D.png
https://1.bp.blogspot.com/-eiQJ6azne3w/Xt-M1Ug2_zI/AAAAAAAAIvs/mjPKseDcglEeiwtpe4KbSzsRo9jtW02PACK4BGAsYHg/s72-c-d/%25E2%2580%259CMumurahin%2Bkita%2Bdahil%2Bbuhay%2Bko%2Bang%2Bnakasalalay%2Bdito%2521%25E2%2580%259D.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/06/aktres-na-si-pinky-amador-pinagmumura.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/06/aktres-na-si-pinky-amador-pinagmumura.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy