Anak nagulat ng makita ang Ama na nangangalakal na lang ng basura sa Saudi

Hindi raw kasi sukat akalain ni Quitola na ganito na ang nararanasang hirap ng kaniyang ama. Sa tuwing kausap niya raw kasi ang kaniyang mga magulang

Mga larawan ay mula kay Keyzelle Collado Quitola - Facebook


Kamakailan lamang ay naging laman ng mga balita ang kinakaharap na sitwasyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Riyadh, Saudi Arabia ngayong panahon ng pandemya. Nangangalakal na lamang daw kasi sila sa mga basurahan at naghahanap ng mga pagkaing puwede pa, mairaos lamang ang kanilang kakainin sa pang-araw-araw nilang buhay.

Dahil dito ay nagulat at sobra raw nalungkot si Keyzelle Collado Quitola nang makita ang paghihirap ng kaniyang amang namumulot na lamang ng gulay at prutas sa basurahan para lamang may makain. Isa kasi ang kaniyang ama sa mga grupo ng mga skilled workers na nawalan ng trabaho sa Riyadh.

larawan ay mula kay Keyzelle Collado Quitola - Facebook

Hindi raw kasi sukat akalain ni Quitola na ganito na ang nararanasang hirap ng kaniyang ama. Sa tuwing kausap niya raw kasi ang kaniyang mga magulang na kapwa OFW ay tila hindi raw mababanaag sa kanilang mga mukha ang problema at wala rin naman daw silang nababanggit sa kaniya.

“Naluha ako nung nakita ko yang post na yan, dahil alam ko na si papa ko yan. Nakakadurog ng puso makita kong papa ko na ganyan. Kapag kausap nya kami parang walang syang problema, sa iba ko pa makita ang sitwasyon nila ni mama ko.”

Nang makausap na nga raw niya ang kaniyang ama sa chat ay kinumpirma nitong sila nga ang nakita niya sa video. Hiniling din sa kanila ng kaniyang ama na mag-aral daw silang mabuti para sa kanilang sariling kapakanan upang hindi raw sila habambuhay na magbabasura sa ibang bansa.


Mga larawan ay mula kay Keyzelle Collado Quitola - Facebook

Base naman sa video na kumakalat ngayon na kuha nina Reymond Zaragosa at Donald De Las Alas, sa tuwing nakapupulot daw sila ng mga kagamitan na puwede pang mapakinabangan ay kinukuha na rin daw nila ito dahil halos apat na buwan na rin daw silang hindi sumasahod.

Larawan ay mula kay Keyzelle Collado Quitola - Facebook

Ayon din sa ina ni Quitola, wala raw silang mahingan ng tulong doon, hindi raw kagaya sa sarili nilang bansa na puwedeng manghiram ng bigas at asing pangkain. Sa tatlong buwan daw na wala silang natatanggap na sahod ay sa pamumulot ng basura daw sila kumakapit upang mabuhay.

Dahil dito ay humingi ng tulong si Quitola.

Basahin ang buong post dito:

Naluha ako nung nakita ko yang post na yan ,dahil alam ko si papa ko yan. Nakakadurog ng puso makita kong papa ko na ganyan ,kapag kausap nya kami parang wala syang problema ,sa iba ko pa makita ang sitwasyon nila ni mama ko,

Naawa ako dahil ganyan sila nung lockdown Sa saudi ng 24hrs curfew,,3months walang sahod ,wala din silang makuhang ayuda galing sa Polo-owwa ,😭 Si papa ko po yung nakablack na nakahawak ng melon ,😭😭Confirm po na sya yun ,

Hinihiling ko nalang sa panginoon na bigyan pa kayo ni lord ng lakas para sa ganun makaraos na tayo πŸ“πŸ˜­ awang awan po ako sa papa at mama ko 😭😭

Sana po polo-owwa Mapansin nyo po mga Ofw sa Riyadh saudi al rawabi exit 14 po sila salamat po




Source: Keyzelle Collado Quitola - Facebook

COMMENTS

Name

Entertainment,616,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,29,News,406,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,47,
ltr
item
Furry Category: Anak nagulat ng makita ang Ama na nangangalakal na lang ng basura sa Saudi
Anak nagulat ng makita ang Ama na nangangalakal na lang ng basura sa Saudi
Hindi raw kasi sukat akalain ni Quitola na ganito na ang nararanasang hirap ng kaniyang ama. Sa tuwing kausap niya raw kasi ang kaniyang mga magulang
https://1.bp.blogspot.com/-wm79LeNp-bA/XvH6MYn5IjI/AAAAAAAAKnM/8wHhwg0fBNgIJBLg9MRpChnR4-cQ8LY4QCK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B%252823%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-wm79LeNp-bA/XvH6MYn5IjI/AAAAAAAAKnM/8wHhwg0fBNgIJBLg9MRpChnR4-cQ8LY4QCK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%252823%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/06/anak-nagulat-ng-makita-ang-ama-na.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/06/anak-nagulat-ng-makita-ang-ama-na.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy