Anak, nakatanggap ng email mula sakanyang tatay na pumanaw 10 months ago. Laman ng email ang huling habilin para isorpresa ang kanyang Ina

Source:  Aly Mendoza / Facebook Ang tunay na pag-ibig ay hindi magwawakas at mananatili pa ring wagas kahit na panahon at distansiya na ang ...

Source: Aly Mendoza / Facebook

Ang tunay na pag-ibig ay hindi magwawakas at mananatili pa ring wagas kahit na panahon at distansiya na ang mamagitan.

            Sa isang Facebook post ni Aly Mendoza, ibinahagi niya kung paano pa rin ipinakita ng kaniyang namayapang ama ang kaniyang wagas na pagmamahal sa kaniyang ina.

            “Not even death could stop my dad from loving my mom and showing her how much she meant to him,” ani ni Aly tungkol sa walang kamatayang pag-ibig na alay ng kaniyang ama.

            At kahit nasa kabilang buhay na ang isa, naiparamdam naman sa naiwang asawa ang walang hanggang pag-ibig niya…

 

“E-MAIL”

            Tatlong linggo na raw ang nakalilipas nang makatanggap si Aly ng isang mensahe sa kaniyang e-mail na mula sa kaniyang ama. Hindi niya raw ito binuksan agad dahil sino ba naman daw ang hindi matatakot kapag nakatanggap ka ng isang online message mula sa isang taong namayapa na 10 buwan na ang nakararaan?

            “At first, I was scared to open it cos well who wouldn’t be scared to get and open an email from someone who passed away 10 months ago, plus it was 3:00am and I was finishing requirements and I was the only one awake in our whole house. Two days after I saw the notification, I decided to open the e-mail and couldn’t believe what I was reading.

            At dahil nga sa kaniyang natanggap na mensahe, nalaman niyang ang pagmamahal ng kaniyang ama sa kaniyang ina “IS truly immeasurable.


“MENSAHE”

            Ayon kay Aly, ang naturang e-mail ay naglalaman ng mga instructions mula sa kaniyang ama kung ano ang dapat gawin at ihanda upang sorpresahin ang kaniyang kabiyak para sa kanilang 25th anniversary.

            “The e-mail contained instructions for me for their anniversary celebration this year. Apparently before my dad passed away 10 months ago, he planned everything, he even contacted and paid for a florist to deliver flowers to my mom for the coming years on every special occasion, my mom’s birthday (August 19,) Valentine’s Day, and their anniversary (June 10.) The e-mail also contained a letter that he wrote for my mom which had all the words she needed to hear from him to be okay. He literally thought of everything to make his great love feel all his love. They were supposed to celebrate their 25th silver wedding anniversary together today but God had other plans. But even if they’re not physically together, even though he’s no longer here, he was still able to surprise and make my mom happy. Not even death could stop my dad from loving my mom and showing her how much she meant to him.

            Ibinahagi pa ng anak na ang mga bulaklak sa natanggap na bouquet ng kaniyang ina ay pinili mismo ng kaniyang ama noong ito ay nabubuhay pa.

            “The flowers: My dad picked the flowers in her bouquet. White roses are special to my parents because when my dad was courting her, my mom had two suitors. She told herself that whoever gives her white roses was "the one" and obviously it was my dad who gave her white roses. Pink roses because dada knows that mamu loves light pink roses.

“WAGAS”

            Sinunod daw lahat ni Aly ang mga tagubilin ng kaniyang ama. Makikita sa mga larawang i-p-in-ost niya kung ano-ano ang mga instructions na binigay sa kaniya. Narito ang nilalaman ng naturang larawan:

            “Alyssa, follow my instructions in this e-mail completely and carefully. I am sending this to you in the off chance that I’m not in my right mind or worse, gone. I hope not…

            “Instructions: 1. I have contacted a florist… She has instructions to contact you every 10th of June, Valentine’s Day, and 19th of August for the coming years to give you details for flowers that I have paid for, for Mommy… In the off chance that she’s unable to contact you, here are my Facebook details. Contact her, introduce yourself, and tell her you’re the daughter of Bing Mendoza, she should know what to do.

            “2. Ask mommy what she wants to eat and make a reservation at the restaurant for the three of us. If she says whatever you want, force her to pick. Hopefully I’ll be able to drive already this time next year otherwise, you will so PRACTICE.

            “3. If I’m still in this condition and I pray not, knowing your mom she’ll say just order food and have it delivered. Make sure you get exactly what she wants. Try to look for some decorations kasi mahilig mag picture mommy mo para maganda mga picture.

            “4. Ask me for money so that she can go to the salon and do whatever she does there on weekends.

            “5. Print the following message… in case unable to add this to the flowers.

            “6. BE GOOD AND BEHAVE. DON’T DO ANYTHING STUPID. Follow all these instructions. Thank you. I love you baby… Daddy.”

            Naghanda raw sina Aly at ang kanilang helper alas onse ng gabi ng Hunyo 09, at natapos daw sila ng 5:30 ng umaga ngayong Hunyo 10 – sakto raw bago ang 6:00 A.M. alarm ng kaniyang ina.

            Pahayag pa ng anak, “Even though I lack sleep, the joy I saw in my mom's face made everything worth it. Of course my mom cried because she misses the love of her life but I could see how happy everything made her because she knew that everything was planned by my dad.


            Tunay ngang naantig ang puso ng kaniyang ina dahil makikita sa mga videos na i-p-in-ost din ni Aly na lumuluha ito habang tinitingnan ang mga larawan nilang mag-asawa na nakasabit bilang decorations samantalang bitbit niya sa kaniyang mga braso ang mga bouquet ng bulaklak.

             Sa ngayon ay umani na ng higit 10,000 reacts, 32 comments, at 4,500 shares ang nasabing post.

             Tunay ngang kahit distansiya, oras o kahit kamatayan na ang mamagitan, kung dalisay ang pag-ibig na iniaalay, hindi ito magwawakas at tila aabot pa nga yata sa susunod na habang-buhay.




COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Anak, nakatanggap ng email mula sakanyang tatay na pumanaw 10 months ago. Laman ng email ang huling habilin para isorpresa ang kanyang Ina
Anak, nakatanggap ng email mula sakanyang tatay na pumanaw 10 months ago. Laman ng email ang huling habilin para isorpresa ang kanyang Ina
https://1.bp.blogspot.com/-BTIiD4CAVjs/XuEOP3GRjdI/AAAAAAAAI5I/zQGkRNcnOb8kiz6AXrom-J9bw4tn6outACK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-06-10T124526.705.png
https://1.bp.blogspot.com/-BTIiD4CAVjs/XuEOP3GRjdI/AAAAAAAAI5I/zQGkRNcnOb8kiz6AXrom-J9bw4tn6outACK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-06-10T124526.705.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/06/anak-nakatanggap-ng-email-mula.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/06/anak-nakatanggap-ng-email-mula.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy