Bilyonaryong si Ramon Ang, itinanggi ang relasyon niya kay Julia Barretto

Ayon kay Ang, ang mga rumors na kumakalat ay hindi totoo dahil hindi niya naman daw personal na kakilala si Julia at masyado raw itong bata upang magi

Larawan ay mula sa Google


Kamakailan ay itinanggi ng business tycoon at CEO ng San Muguel Corporation na si Ramon Ang, 65, ang spekulasyon na kumakalat na magkarelasyon daw sila ni Julia Barretto, 22.

Mariin ding umalma ang naturang bilyonaryo sa mga usap-usapan na nali-link siya sa naturang aktres.

Ayon kay Ang, ang mga rumors na kumakalat ay hindi totoo dahil hindi niya naman daw personal na kakilala si Julia at masyado raw itong bata upang maging karelasyon niya. Sinabi din niyang parang apo niya nang maituturing ang aktres dahil sa murang edad nito.

Larawan ay mula sa thedailysentry

Sa ipinadala ring mensahe ni Ang noong October 22 sa “Abante” tabloid, sinabi niyang “malicious” ang mga naturang balita na kumakalat na rin daw ngayon sa iba’t ibang social media platforms.

“Never ko pa po nakilala si Julia Barretto. Nakita niyo naman po ang edad niya, parang apo ko na. Kaya ito pong mga istorya na ito ay ‘malicious,’” ani ng Presidente at CEO ng San Miguel Corporation.

Saad pa niya, hindi raw dapat binibigyang pansin ang mga ganitong klase ng balita dahil mas marami raw mabibigat na problema ang Pilipinas kumpara rito. Wala rin daw naitutulong ang mga ganitong uri ng balita sa bansa at sa mamamayan nito.

“Huwag na po natin pagbigyan ng pansin, at mas marami pa po tayong kailangang gawin para mapabuti ang bansa natin.”

Open naman daw si Ang kung magiging kaibigan ni Julia ang kaniyang mga apo sa hinaharap.

Aniya, “Siguro, paglaki pa ng kaunti ng mga sarili kong apo, puwede silang maging magkakaibigan.”

Larawan ay mula sa thedailysentry

Matatandaang napabilang si Ramon S. Ang sa listahan ng “Forbes” ng pinakamayaman sa Pilipinas – nasa ikalawang puvesto siya dahil sa kaniyang net worth na $2.8 bilyon.

Sa kabilang banda, nito ring October 22, sa naging panayam ni Karen Davila kay Marjorie Barretto sa “TV Patrol,” itinanggi niya ang kumakalat na balita na inilalako niya raw ang kaniyang mga anak na babae sa mga negosyanteng mayayaman. Ito ay dahil na rin sa pagkakaugnay ng pamangkin niyang si Nicole at ang kaniyang mga kapatid na sina Gretchen at Claudine sa negosyanteng si Atong Ang.

Sa mga nauna kasing ulat, mayroon umanong lihim na relasyon si Julia sa bilyonaryong businessman na si Ramon Ang.

Ngunit pagtanggi naman ni Marjorie, “My children are not for sale. I don’t even have very much wealthy friends to sell my children to. My children work very, very hard. My youngest daughter is a good student in college in Ateneo. Matitino po ang anak ko.”


COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Bilyonaryong si Ramon Ang, itinanggi ang relasyon niya kay Julia Barretto
Bilyonaryong si Ramon Ang, itinanggi ang relasyon niya kay Julia Barretto
Ayon kay Ang, ang mga rumors na kumakalat ay hindi totoo dahil hindi niya naman daw personal na kakilala si Julia at masyado raw itong bata upang magi
https://1.bp.blogspot.com/-2bEJIdubfsM/XuPtawV5kvI/AAAAAAAAJIg/2JzAHqhjhrAmTNCyjPL0eri4Jj8ohfiEACK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B%25284%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-2bEJIdubfsM/XuPtawV5kvI/AAAAAAAAJIg/2JzAHqhjhrAmTNCyjPL0eri4Jj8ohfiEACK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%25284%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/06/bilyonaryong-si-ramon-ang-itinanggi-ang.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/06/bilyonaryong-si-ramon-ang-itinanggi-ang.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy