Buyer kinansela ang dalawang bisiklet na order na nagkakahalaga ng P12,000.

Humihingi ngayon ng tulong ang isang online seller ng bisikleta matapos kanselahin ng kaniyang customer ang order nitong dalawang mountain bikes na na

Larawan ay mula sa gmanetwork


Humihingi ngayon ng tulong ang isang online seller ng bisikleta matapos kanselahin ng kaniyang customer ang order nitong dalawang mountain bikes na nagkakahalaga ng P12,000.

Gamit ang isang motorsiklo, bumiyahe si Prince Salvador mula Valenzuela City hanggang San Mateo, Rizal upang i-deliver ang dalawang bike ng kaniyang buyer.

Subalit hindi na ito tinanggap ng kanyang customer nang marating niya na ang delivery area.

Ayon sa panayam sa kaniya ng GMA News, “Ang gusto niya po kasi, pagdating dito, halos walang galos. Dalawa po ‘yong order niya na mountain bike. Ipinaliwanag ko naman po na hindi maiiwasan ‘yon kasi Antipolo pa po ‘yon deliver eh sa Valenzuela pa po galing.”

Larawan ay mula sa gmanetwork

Subalit hindi raw tinanggap ng buyer ang paliwanag ni Salvador at kinansela na ang kaniyang order. Dahil dito’y walang natanggap na pera ang naturang online seller.

“Sana kunin pa rin niya ‘yong bike dahil confirmed ‘yong order. Ako po kasi ang nag-aabono ng lahat ng delivery. Cash on hand po ang delivery,” aniya. Maliit lang din daw kasi ang kaniyang kapital.

Naging in-demand ang mga bikes ngayong extended ang mga lockdown measures upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (C0VID-19).

Ang kawalan ng maayos na public transportation ang nagtulak sa maraming mga Pilipino upang gamiting transportasyon ang bisikleta.

Sabi pa ni Salvador, “Nalulungkot po ako, naiiyak, kasi ‘di ko po alam ang gagawin ko. Malaking pera po ito!”

Nagpatulong naman daw siya sa kapulisan tungkol sa naturang issue sa kaniyang kustomer.

Kinumpirma niya naman sa GMA News Online na sa wakas ay naibenta na rin ang mga naturang bisikleta.

Ang pagkansela ng mga confirmed orders ay maaaring makasakit sa loob ng mga enterprising riders tulad ni Salvador na kumakapit sa online selling sa panahon ngayon ng pandemya.

Ang ibang delivery riders naman, na dumedepende sa maliit na capital “to purchase orders in advance,” ay karaniwang nabibiktima rin ng mga pranks o scams.

Dahil dito, isang bill ang kapapasa lamang ngayon sa House of Representatives na naglalayong parusahan ang mga taong bigla na lamang magkakansela ng kanilang food at grocery orders.

Sa ilalim ng panukalang ito, ang mga violators ay maaaring makulong ng anim na taon at magbabayad ng P100,000 “along with the reimbursement of order.”


Source: gmanetwork

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Buyer kinansela ang dalawang bisiklet na order na nagkakahalaga ng P12,000.
Buyer kinansela ang dalawang bisiklet na order na nagkakahalaga ng P12,000.
Humihingi ngayon ng tulong ang isang online seller ng bisikleta matapos kanselahin ng kaniyang customer ang order nitong dalawang mountain bikes na na
https://1.bp.blogspot.com/-Tbwe_8JaaWc/XubRijFPxLI/AAAAAAAAJV8/KgaDa3FFTO8NOgTYnxD8ebXpdo57xoDyQCK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B%25287%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-Tbwe_8JaaWc/XubRijFPxLI/AAAAAAAAJV8/KgaDa3FFTO8NOgTYnxD8ebXpdo57xoDyQCK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%25287%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/06/buyer-kinansela-ang-dalawang-bisiklet.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/06/buyer-kinansela-ang-dalawang-bisiklet.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy