Dating Sexy Star na si Klaudia Koronel, Nasaan na ngayon?

Isa si Klaudia Koronel sa mga sikat na artista noong dekada ’90 sa kasagsagan ng mga ST Films o mga pelikulang may tema ng ka-sexy-han.

Larawan ay mula sa Google


I
sa si Klaudia Koronel sa mga sikat na artista noong dekada ’90 sa kasagsagan ng mga ST Films o mga pelikulang may tema ng ka-sexy-han.

Si Klaudi Koronel, o Milfe Dacula sa totoong buhay, ay ipinanganak noong December 19, 1975. Sa Zamboanga Del Sur siya isinilang at lumaki. Laking hirap si Klaudia, at siya ang panganay sa anim na magkakapatid.

Ang kanyang ina ay isang manikurista habang ang kanyang ama nama’y isang karpintero. Nang maghiwalay ang kanyang mga magulang ay napunta siya sa puder ng kanyang ama at dito raw siya nakaranas ng pagmamalupit. Madalas daw siyang ikadena at pinagbubuhatan ng kamay.

Larawan ay mula sa Google

Kalaunan, napunta si Klaudia sa puder ng kanyang lola at nang magdalaga, nagpasya siyang lumuwas ng Maynila para takasan ang hirap sa probinsya.

Ngunit hindi naging madali ang buhay ni Klaudia sa Maynila: naranasan niyang tumira sa squatter areas at sa gilid ng kalsada. Sinubukan niya ring pumunta ng Japan upang magtrabaho, pero siya’y na-deport pabalik ng Maynila.

Dito na siya nagtrabaho bilang waitress sa isang bar. At nadiskubre siya rito ng isang producer, na naghahanap ng maaaring ipalit kay Rosanna Roces. Noong una raw ay tinanggihan ito ni Klaudia dahil hindi naman daw niya pangarap na maging artista at siya’y mahiyain. Kalauna’y sinubukan na rin niya, dahil sa hirap ng buhay, ang pag-aartista.

Taong 1997 nang i-launch si Klaudia bilang isang sexy star. Ang kanyang naging mga pelikula ay “Walang Dayaan, Akin Ang Malaki” at “Ang Linggo Lang Ang Pahinga”. Dito na nga nagsimulang maging pantasya ng bayan si Klaudia dahil bumebenta ang kanyang pelikula sa mga kalalakihan.

Sa limang taon ng kanyang pag-aartista, nakagawa siya ng halos 15 sexy films. Nagkaroon din siya ng mga guesting sa iba-ibang istasyon. Nagkaroon din siya ng mga TV Show tulad ng “Kiss Muna” (2000), “Mga Anghel na Walang Langit”, “Super Inggo” at “Spirits”. Ginawa rin ni Klaudia ang mapangahas na pelikulang “Liveshow” (2000) na na-ban sa Pilipinas. Na-nominate naman siya bilang Best Supporting Actress sa Gawad Urian sa nasabing pelikula.

Matapos nito, napagdesisyunan na niyang itigil ang pagpapa-sexy at itinuloy niya ang kanyang pag-aaral sa New Era University, sa kursong Computer Science. Taong 2005 nang makapagtapos ng pag-aaral si Klaudia at nagtayo ng computer shop bilang negosyo.

Larawan ay mula sa Google

Ikinasal naman siya sa kanyang American-Chinese boyfriend na isang businessman, taong 2009. Nagpasya ang mag-asawa na sa Arizona, USA na manirahan at dito nagtrabaho si Klaudia bilang caregiver.

Larawan ay mula sa Google

Taong 2014, nag-divorce sila ng kanyang asawa. Mag-isa nang naninirahan ngayon si Klaudia sa Amerika.

Noong 2016, nagkaroon si Klaudia ng malubhang sakit na Uterine Growth, o isang uri ng tumor sa uterus. Ang kanyang operasyon ay naging matagumpay at naalis ang tumor sa kanya. Kuwento niya pa, mahirap daw ang magkasakit ng mag-isa at malayo sa pamilya.

Larawan ay mula sa Google

Ngayon ay namamalagi siya sa Los Angeles, California at nagtatrabaho bilang nursing assistant sa isang homecare facility. Masaya at tahimik na ang kanyang buhay at aktibo pa rin siya sa kanyang social media accounts.

Tumutulong siya sa mga aktibidad sa kanyang relihiyon at minsa’y naiimbitahan sa mga okasyon ng mga Filipino community abroad. Aminado raw siyang nami-miss niya ang pag-aartista pero kailangan daw muna niyang manatili sa Amerika upang maging US citizen.

Source: CELEBRITY STORY - Youtube Channel

COMMENTS

Name

Entertainment,616,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,29,News,406,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,47,
ltr
item
Furry Category: Dating Sexy Star na si Klaudia Koronel, Nasaan na ngayon?
Dating Sexy Star na si Klaudia Koronel, Nasaan na ngayon?
Isa si Klaudia Koronel sa mga sikat na artista noong dekada ’90 sa kasagsagan ng mga ST Films o mga pelikulang may tema ng ka-sexy-han.
https://1.bp.blogspot.com/-b1mfNsLElqg/XvVVNZWx06I/AAAAAAAALTs/rQWc7xS3pyUQaJTvFr6eH8Mx8ZTCdBktwCK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B%252831%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-b1mfNsLElqg/XvVVNZWx06I/AAAAAAAALTs/rQWc7xS3pyUQaJTvFr6eH8Mx8ZTCdBktwCK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%252831%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/06/dating-sexy-star-na-si-klaudia-koronel.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/06/dating-sexy-star-na-si-klaudia-koronel.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy