Dialysis Center sa Gapan City, Nueva Ecija, Naipatayo na

Malugod na ipinamalita ni Mayor Emerson “Emeng” Pascual na mayroon na silang dialysis center sa Gapan City, Nueva Ecija.

Larawan ay mula sa Video galing sa Mayor Emeng Pascual - Serbisyo Publiko - Facebook


Malugod na ipinamalita ni Mayor Emerson “Emeng” Pascual na mayroon na silang dialysis center sa Gapan City, Nueva Ecija.

Larawan ay mula sa Google

Sa video kasing i-p-in-ost ng kanilang Facebook page na   “Mayor Emeng Pascual – Serbisyo Publiko”, ibinalita ni Mayor Emeng kung paano mag-o-operate at kung ano ang itsura ng dialysis center ng kanilang lungsod. Caption pa ng naturang post:

Excited lang po ako. Gusto ko ibalita sa inyo ang itsura at kung paano mag operate ang Dialysis Center ng Gapan City...

Libreng Dialysis Center ng Gapan City... pasyente pa babayaran ko ng 500 pesos magpa dialysis lang sila.

Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang... Tayong lahat ay may pananagutan sa isat-isa... - Mayor Emeng

Larawan ay mula sa Google

Noong una ay tila imposible raw na magkaroon ng ganitong pasilidad ang kanilang lungsod, ayon sa alkalde. Subalit, naging posible raw at itinuloy nilang gawing “realidad” ang dating “pangarap” lamang dahil sa isang taong dumulog sa opisina ni Mayor.

Humihingi po ako sa inyo ng pangbili ng gamot sapagkat ako po ay dapat mag dialysis” – ito raw ang mga salitang lumabas mula sa isang taong humihingi ng tulong-pinansiyal kay Mayor Emeng. Hindi raw nito maipagpatuloy ang kaniyang dialysis dahil wala silang pera.

Dahil sa kuwentong ito ay ginawa raw lahat ni Mayor Emeng ang lahat ng kaniyang magagawa upang maipatayo lamang ang isang dialysis center na tutugon sa pangangailangan ng mga tao.

At ipinamalita niya ring bukod sa magiging libre ang pagda-dialysis ng mga pasyente, makatatanggap pa raw ng P500 ang mga magpapagamot dito.

Ikinatuwa naman ito ng mga residente ng Gapan City. Labis daw silang nasisiyahan dahil sa wakas ay magkakaroon na sila ng regular na gamutan sa isang dialysis center na tunay nga raw na makatutulong sa kanilang kalusugan maging sa kanilang pinansiyal na pangangailangan.

Nagpapasalamat din sila kay Mayor Emeng dahil tila siya raw ang naging “pag-asa” nila.

Matapos nito’y makikita muli ang alkalde sa naturang video at sinabi niyang kunting ayos na lamang ng papeles sa Department of Health (DOH) at isang simpleng blessing, maaari na raw nilang simulan ang pagpapatakbo sa naturang dialysis center.

Ipinasilip din ng naturang Facebook video post ang itsura ng “Libreng Dialysis Center ng Gapan City.” Brand new ang mga machines na gagamitin. Kapag tinatanong daw si Mayor kung bakit ganoon kaganda ang ipinatayo nilang dialysis center, lagi niya raw isinasagot na nais niya lamang na maging komportable ang mga pasyenteng magtutungo rito.

Sinabi rin ni Mayor Emeng kung bakit daw nila bibigyan ng P500 ang mga pasyenteng pagtutungo rito – para raw kapag umalis o umuwi na sila galing sa center ay maaari silang makapamalengke, makapanood daw ng sine, pangmeryenda, o kahit anong nais nila.

Iisa lamang daw ang “requirement” para makapasok sa naturang center – basta raw taga-Gapan City ka ay “welcome” ka rito – mahirap man o mayaman, magkakaiba man ng “kulay” sa politika.

Ipinakita rin nila ang iba pang makinang gagamitin sa naturang pagamutan. Kahit daw na mag-black out ay mayroon pa ring susuporta rito. Ayon nga kay Mayor Emeng, “Walang tinipid sa Dialysis Center.

Mayroon daw 24 machines ang naturang center at kung kailangan daw itong paabutin hanggang 50 ay gagawin daw ng alkalde para lamang sa kapakanan ng mga pasyente.

Humanga naman ang ilang mga netizens dahil sa magandang balitang ito.Ani ng isa, “Honorable Mayor. Really you're one of a kind. May God always Bless you and keep you safe and healthy. We are very Proud being "Batang Gapan kami" Admirable Mayor People of Gapan and even People of The Philippines Salutes and Loves you. Godbless po.

Sabi naman ng isa, isang “totoong lingkod bayan” daw si Mayor Emeng. Dahil dito’y nagpasalamat siya sa alkalde sa malasakit at buong puso nitong pagtulong sa mga mamamayan ng Gapan City.

A true charitable and humanitarian Mayor who has the full passion to help the people of nueva ecija especially the vulnerables,,I'm not from your place HON.MAYOR EMERSON PASCUAL but i support and appreciate your advocacies,GOD BLESS your benevolence and probity in public serving...LONGLIVE MAYOR EMING OF GAPAN NUEVA ECIJA,” pahayag naman ng isa pang netizen.



Source: Mayor Emeng Pascual - Serbisyo Publiko - Facebook

COMMENTS

Name

Entertainment,616,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,29,News,406,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,47,
ltr
item
Furry Category: Dialysis Center sa Gapan City, Nueva Ecija, Naipatayo na
Dialysis Center sa Gapan City, Nueva Ecija, Naipatayo na
Malugod na ipinamalita ni Mayor Emerson “Emeng” Pascual na mayroon na silang dialysis center sa Gapan City, Nueva Ecija.
https://1.bp.blogspot.com/-SJw4A0UuQjw/XvUdln0XGPI/AAAAAAAALS8/09GE1sbeZ9oG3eA5HLt7wXyrDH70WkCfgCK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B%252830%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-SJw4A0UuQjw/XvUdln0XGPI/AAAAAAAALS8/09GE1sbeZ9oG3eA5HLt7wXyrDH70WkCfgCK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%252830%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/06/dialysis-center-sa-gapan-city-nueva.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/06/dialysis-center-sa-gapan-city-nueva.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy