Estudyanteng Tindero sa umaga, Gasoline Boy sa gabi; Makatapos lang ng pag-aaral at matulongan ang Ina.

Sa viral post ni Analyn Paco-Marco, nakuhanan niya ang isang naka-unipormeng estudyante na nasa labas ng paaralan, habang bitbit ang mga panindang sit

Mga larawan mula sa ABS-CBN News


Sa taong may pangarap, gagawin ang lahat matupad lang ang mga inaasam na mithiin. Anumang balakid sa buhay ay kayang tawirin, maabot lang ang natatanging pangarap. Ang ilan sa atin, nagpupursigi at nagtitiyaga, matustusan lang ang sarili para makapag-aral.

Sa viral post ni Analyn Paco-Marco, nakuhanan niya ang isang naka-unipormeng estudyante na nasa labas ng paaralan, habang bitbit ang mga panindang sitsirya at iba pang pagkain.

Sa kanyang post, mababasa ang ganito, “I saw this student of a Community College in Albay, walking after class, bitbit ang kanyang mga paninda. I can’t help but to get inspired people like him. When you see people working hard for their future, nakakahiya mag-reklamo na ang hirap ng buhay.”

Larawan mula sa post ni Analyn

Dagdag pa niya, “To those students na ang hilig mag-complain na ang hirap mag-aral, petiks mode lang, be thankful na hindi kayo nahihirapan maghanap pampaaral sa inyo. Ang suwerte niyo, PROMISE.”

Larawan mula sa post ni Analyn

Kinilala ang nakunang estudyante bilang si Christian Mark Magistrado, 28, na mula sa Albay at isa siyang 3rd Year student na may kursong Bachelor of Secondary Education.

Ayon kay Magistrado, inilalako niya ang kanyang mga panindang pagkain sa mga estudyante rin mismo ng Daraga Community College, sa tuwing siya’y pumapasok sa umaga hanggang alas-9 ng gabi.

Larawan mula sa ABS-CBN News

Sa pagsapit naman ng gabi, sa pagtatapos ng kanyang klase, ay didiretso naman siya sa pinapasukang gasolinahan bilang gasoline boy hanggang alas-5 ng umaga.

Ibinabahagi ni Magistrado ang kanyang mga kinita sa kanyang nanay, tulong sa pandagdag ng pagkain ng kanyang pamilya at sa pantustos sa pag-aaral ng nakababatang kapatid.


Mga larawan mula sa ABS-CBN News

Namayapa na raw kasi ang kanilang ama, kaya doble ang kanyang pagkayod sa pagtitinda at sa pagsa-sideline bilang gasoline boy.

Dahil sa kanyang sipag, humanga at proud ang kanyang mga guro, lalo na si Helen Mesa. Hindi raw kasi napapabayaan ni Magistrado ang kanyang pag-aaral kahit na subsob din siya sa trabaho.

Pahayag ni Mesa, “As a student imagine working day and night and preparation of the instruction materials is very impossible for him working 8 hours a day and attending his classes pero still an excellent student in terms of performance in the school.”

Narito naman ang buong pahayag ni Analyn:

I saw this student of a Community College in Albay, walking after class, bitbit ang kanyang mga paninda. I can't help but to get inspired people like him. 

When you see people working hard for their future, nakakahiya mag-reklamo na ang hirap ng buhay. I am still blessed that I have a Mom, a Lola, Uncle Steve and relatives who helped me finish my degree. 

Every new day is a blessing, to make it better than yesterday. To those students na ang hilig mag-complain na ang hirap mag-aral, petiks mode lang, be thankful na hindi kayo nahihirapan maghanap pampaaral sa inyo. 

Ang suwerte niyo, PROMISE. And to this man na nasa picture, malayo mararating mo (hindi sa paglalakad at pagtitinda. God Bless You.


COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Estudyanteng Tindero sa umaga, Gasoline Boy sa gabi; Makatapos lang ng pag-aaral at matulongan ang Ina.
Estudyanteng Tindero sa umaga, Gasoline Boy sa gabi; Makatapos lang ng pag-aaral at matulongan ang Ina.
Sa viral post ni Analyn Paco-Marco, nakuhanan niya ang isang naka-unipormeng estudyante na nasa labas ng paaralan, habang bitbit ang mga panindang sit
https://1.bp.blogspot.com/-ld1rH2NtV48/Xt-5V4ApZZI/AAAAAAAAIyQ/hVYyBxpiwVs9G5eXucnwisBdjmt5Mbd9wCK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B%252838%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-ld1rH2NtV48/Xt-5V4ApZZI/AAAAAAAAIyQ/hVYyBxpiwVs9G5eXucnwisBdjmt5Mbd9wCK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%252838%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/06/estudyanteng-tindero-sa-umaga-gasoline.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/06/estudyanteng-tindero-sa-umaga-gasoline.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy