Ilang OFW's sa Saudi Arabia, nangangalakal na sa mga basurahan ng gulay para lang may makain dahil walang ng sweldong natatanggap

Source:  Cristop Gomez / Facebook Nag-viral ang dalawang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Riyadh, Saudi Arabia matapos i-post ng kanilang...

Source: Cristop Gomez / Facebook

Nag-viral ang dalawang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Riyadh, Saudi Arabia matapos i-post ng kanilang dating kasamahan ang kanilang video sa isang social media website.

            Isa sa mga kinahaharap na problema ng mga OFW ay ang pagkakaroon ng hindi maayos na suweldo na hindi sapat upang mapakain ang kani-kanilang sarili, lalong-lalo na sa panahon ngayon na may pandemya.

            Sa video na ipinost sa Facebook ni Cristop Gomez, ibinahagi niya ang kanyang pakikisimpatya at humihingi rin siya ng tulong para matulungan ang dalawang OFWs. Sinabi rin niya na binigyan lamang sila ng kompanyang kanilang pinagtatrabahuan ng “one-time relief goods” matapos ang lockdown dahil sa virus.

            Ayon kay Gomez, sila ang mga dati niyang kasamahan sa kompanya na tila kinalimutan na at hindi na nabigyan ng assistance. Sinabi niya sa dalawa na huwag nang kumuha ng pagkain mula sa basurahan at maghanap na lang ng mga bagong tapong pagkain, upang maiwasan nila ang posibleng pananakit ng tiyan o food poison.

            Sinabihan niya rin ang dalawa na magsalita upang humingi ng tulong. Ang sabi ng nakaputing OFW, “Simula nung lockdown noong March 16, hindi na kami nabigyan ng kahit kalahati ng suweldo namin… tapos nung April, nabigyan kami ng assistance mula sa POLO, tapos ‘di na nabigyan pagkatapos nun.”

            Ang sabi naman ng isa pang OFW, “Dalawang buwan na ang nakalilipas simula nang ‘di kami mabigyan ng allowance at pinapangakuan lang kami, hindi rin kami nabigyan ng sahod.”

            Ang nasabing video ay naging viral at umabot na ito ng halos 60, 000 shares.


UPDATE

            Noong Hunyo 12, matapos mag-viral ang nasabing post, marami na ang tumulong at nagpadala ng mga grocery at food items sa kapatid ni Gomez. Nagpasalamat sina Gomez sa lahat ng mga tumulong at nag-donate sa kanyang mga dating kasamahan.



           

Sa bagong post ni Gomez, sinabi niya, “simula po ng pinost ko yung video ng kapatid ko at hanggang ngyon sobra nag papasalamat po aq sa lahat po ng tumutulong at nag bibigay p din po ng tulong hangang ngyon sobrang maraming salamat po lagi po kau mag iingat c god nap o ang bahala po sa mga katulad nyo po na may mabubuting puso sobrang maraming salamat po sa inyo lahat”.


Source: Cristop Gomez / Facebook

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Ilang OFW's sa Saudi Arabia, nangangalakal na sa mga basurahan ng gulay para lang may makain dahil walang ng sweldong natatanggap
Ilang OFW's sa Saudi Arabia, nangangalakal na sa mga basurahan ng gulay para lang may makain dahil walang ng sweldong natatanggap
https://1.bp.blogspot.com/-9hVPGe-EmGE/XubPw4y_SiI/AAAAAAAAJVk/doDfklfR0nMB7l_Ip_OE9jOYMH4xdbadgCK4BGAsYHg/d/21.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-9hVPGe-EmGE/XubPw4y_SiI/AAAAAAAAJVk/doDfklfR0nMB7l_Ip_OE9jOYMH4xdbadgCK4BGAsYHg/s72-c-d/21.jpg
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/06/ilang-ofws-sa-saudi-arabia.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/06/ilang-ofws-sa-saudi-arabia.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy