Source: Jheckterbrand Narining niyo na ba ang kasabihang "Love is Blind"? Sa gitna ng pandemya, tila nakahanap ang isang pinoy ng...
![]() |
Source: Jheckterbrand |
Narining niyo na ba ang kasabihang "Love is Blind"? Sa gitna ng pandemya, tila nakahanap ang isang pinoy ng tunay na pagmamahal sa hindi inaasahang pagkakataon. Sabi nila, hindi hinahanap ang taong mamahalin kundi kusa itong dumarating sa ating buhay.
Viral ngayon sa social media ang video ng isang taong grasa at ng isang Chinese na babae. Makikita sa video na nakaupo sa kalsada ang taong grasa na tila napabayaan na ang sarili. Tumabi sakanya ang isang babae at pilit siyang hinawakan sa braso.
Habang makikita naman ang kasama ng babae na pilit siyang hiliain papalayo sa lalaki. Ngunit tila ayaw iwan ng babae ang lalaki at pilit itong humahawak sa braso nito.
Maririnig ang kasama ng babae na sinasabihan ang kasama nito na umalis na at iwan na ang lalaki. Pero hindi ito mapilit at gustong samahan ang nakaupong lalaki sa kalsada.
Hindi pa malinaw ang tunay na kwento ng dalawa pero malinaw na ayaw iwan ng babae ang pinoy. Maririnig rin ang mga taong nakakita na natutuwa dahil mas maswerte pa daw ung lalaking taong grasa dahil nakahanap siya ng forever.
Maraming netizens naman ang natuwa at pagbigay ng kanilang kumento:
Hindi hadlang kong anong itsura nga tao kapag inlove kana buti nga sila sweet na sweet pa
Sna mging malinaw sa bulag na pagiisip ng mapanghusgang lipunan na pagmmhal at katayuan/estado hindi lng hadlang sa pagibig na tunay at walang hanggan
Parang ayaw naman sa kanya ni master pogi. Sya lang nakayakap
Anong masasabi niyo sa kwentong ito?
Source: Jheckterbrand
COMMENTS