Isang OFW sa Saudi ang ginagawan ng kahalayan ng kanyang Amo ang nagpapatulong kay sir Raffy na makauwi na sa Pilipinas

Source:  Hyanizha Facebook video Hindi na bago sa atin ang mga kuwento ng kababaihang naaabuso: pisikal man o seksuwal. Ang ilan sa kanila’y...

Source: Hyanizha Facebook video

Hindi na bago sa atin ang mga kuwento ng kababaihang naaabuso: pisikal man o seksuwal. Ang ilan sa kanila’y mga asawa, anak, o kamag-anak ng nananamantala. Ang iba nama’y mga katulong na nagtatrabaho sa ibang lugar o bansa, na naaabuso ng sarili nilang mga amo.

Sa video na ipinost ng Facebook page na Isko Moreno News And Updates, makikita ang isang babaeng nagpupunas ng faucet. Ilang sandali pa ang lumipas at dumating ang lalaking kapatid umano ng kanyang amo. Makikita sa video ang paghawak ng lalaki sa dibdib ng katulong.

Maya-maya pa, muling lumapit ang lalaki sa katulong at niyapos niya ito saka hinalikan sa pisngi. Hinawakan pa niya ito sa baywang at pilit na niyayakap muli.

Ngunit, sa bawat galaw ng lalaki ay tila sumisilay rin ang ngiti sa mukha ng babaeng katulong.

Sabi ng ilang netizen na nagkomento sa video, tila nais din daw ng babae ang mga ginagawang pag-manyak ng lalaki sa kanya.

Komento ng isang netizen, “Malandi ka miss hinde mo ba naalala sa sabi ng owwa bago palang tau paalisin my seminar ky walang rispito ang manga ebang lahi sa manga pinay kc ganyan.

Sa kabila ng mga negatibong komento, ipinagtanggol pa rin ng ibang netizens ang Pilipina.

Sabi nila, kaya lang daw niya ginawa ito ay upang hindi mahalatang natatakot siya at para na rin daw hindi siya mapahamak.

Dagdag pa ng isang netizen, “Kaya nga ginawa nya yan para may ebidensya sya na pinagsasamantalahan sya.

Sa isang video namang ipinost din ng nasabing FB page, mapapanood ang video ng Pilipina na nagpapaliwanag kung bakit siya nakangiti sa naunang video.

Hindi raw totoo ang ngiti niya sa video. Hindi raw intensyon ng katulong na ibigay ang kanyang katawan sa kapatid ng kanyang amo.

Sabi ng babae, “Ginawa ko lang po ‘yon dahil ayaw kong mapahamak sa kamay niya.”

Nais na rin daw ng Pilipina na makauwi dahil nahihirapan na siya roon. May pamilya raw siya sa Pilipinas na umaasa sa kanya.

Sa dulong bahagi ng video ay nananawagan siya kay Raffy Tulfo na siya ay matulungan.

Hati pa rin naman ang opinyon ng mga netizens tungkol dito.

Panoorin ang buong video dito:

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Isang OFW sa Saudi ang ginagawan ng kahalayan ng kanyang Amo ang nagpapatulong kay sir Raffy na makauwi na sa Pilipinas
Isang OFW sa Saudi ang ginagawan ng kahalayan ng kanyang Amo ang nagpapatulong kay sir Raffy na makauwi na sa Pilipinas
https://1.bp.blogspot.com/-L163n6HJXmc/XvfywRVfUJI/AAAAAAAALu0/MYOrz0yB2_Ulj71YxxcGQMfLJjlsjMjCgCK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-06-27T212524.320.png
https://1.bp.blogspot.com/-L163n6HJXmc/XvfywRVfUJI/AAAAAAAALu0/MYOrz0yB2_Ulj71YxxcGQMfLJjlsjMjCgCK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-06-27T212524.320.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/06/isang-ofw-sa-saudi-ang-minamanya-ng.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/06/isang-ofw-sa-saudi-ang-minamanya-ng.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy