Isang Pinay sinabihang bumalik sa kanyang bansa matapos muntikan ng banggahin habang nag-eexercise lang

Source:  Lovebrandimarie  video Sa video na i-p-in-ost ng Facebook page na “Lovebrandimarie,” ang official FB page ng Los Angeles-based come...

Source: Lovebrandimarie video

Sa video na i-p-in-ost ng Facebook page na “Lovebrandimarie,” ang official FB page ng Los Angeles-based comedian, actress, model, social media influencer at personality na si Brandi Marie King, mapapanood ang isang “white” na matanda na nilalait ang isang Asian na gumagamit lamang ng hagdan ng isang public park upang makapag-ehersisyo.

            *WARNING* (Explicit language) unfortunately another one strikes again. This morning my friend was verbally attacked and threatened just trying to use the stairs at a PUBLIC PARK. I don’t know how God gave her the strength to remain this calm cuz I....whew! This is just another example of how every non-white ethnicity is attacked whether you believe it or not! She needs to be held accountable. @theshaderoom @hollywoodunlocked @cnn @torrancepolice @karensgoingwilds #makeherfamous #racist,” caption ng nasabing page sa video.

            Sa two-minute and 17-second na video, bubungad ang mga masasakit na salitang sinabi ng “white” na matanda na “Go back to whatever f****** Asian country you belong in!” Matapos nito’y mababasa ang mga salitang “A Filipino woman was harassed AND threatened by a white woman just trying to exercise in her local park.

            June 10, 2020, 9:11 A.M. sa Wilson Park, Torrance, California - makikita ang isang babaeng nag-eehersisyo sa isang hagdan sa isang public park. Dumaan dito ang isang matandang babae. Makalipas ang ilang sandali ay bumaba muli ang matanda na tila mabibigat ang mga hakbang.


Source: Lovebrandimarie video

            Sa mga susunod na bahagi ng video, walang makikitang tao sa screen subalit maririnig ang isang boses at mababasa sa video ang mga salitang “Do everybody a favor and get a life! Try getting a job!

            “I do have a job,” sagot naman ng Filipino woman. Habang siya ay umiinom sa kaniyang dalang tubig, nagsasalita pa rin ang “puting” matanda at sinabing, “You are a stupid f*** b****!

            Pagpapatuloy pa ng matanda na tila sumisigaw sa malayo, “Calling Jesus to help you?! You think you own the f****** stairs you little b****?!” Mahinang tumawa lamang ang babaeng nilalait.

            Nang ipinagpapatuloy na ng Pilipina ang kaniyang paggamit sa hagdan sa pag-eehersisyo ay hindi pa rin tumitigil ang matanda, “That’s ALL you are is a f*** b****!” Saka nagpatuloy na sumisigaw sa may kalayuan dahil hindi siya nahahagip sa screen ng naturang video.


Source: Lovebrandimarie video

            Sa sumunod na bahagi ng video ay tila lumakas ang boses ng matanda, indikasyon na nilapitan niya ang babae.

We don’t play games here anymore ok?!

            Tila hinampas niya pa ang Filipino woman sa susunod na bahagi ng video dahil tila maririnig ang hampas nito at makikitang tila umiilag ang babae.

            “Next time you ever talk to me like that, you’re gonna get you a** kicked by my family! We’re gonna f*** you were!

            Tila hindi na yata nakatiis ang Filipino woman dahil kinuha niya na ang kaniyang cellphone pang-video at hinarap na ang matanda.

            “Why did I do? Why? Why did I do?” kalmadong tanong nito sa matanda.

            Pasigaw naman siyang sinagot ng matanda na ginagamit niya raw kasi ang hagdan na tila ba sa kaniya lamang. Sagot ng Filipino woman, puwede naman daw gamitin ng matanda ang iba pang hagdan sa parke sabay turo pa niya sa iba’t ibang direksyon.

            “Get the f*** out of this world! Get the f*** out of this state! Go back to whatever f*** Asian country you belong in!” paninigaw pa sa kaniya ng matanda.

            Sagot naman ng Pilipina, “Okay, racist.


Source: Lovebrandimarie video

            Pagpapatuloy ng matanda, “This is not your place. This is not your home! We do not want you here! Put that on Facebook, I hope you do!” Sinabi niya ring kung sakaling makikita raw ito ng mga tao ay magagalit din ang mga ito sa kaniya.

            Nagpatuloy pa rin siyang pinagsasalitaan ng matanda. Sa susunod na mga segundo ay maririnig at makikita sa screen na ipinapakita ng Filipina ang iba pang hagdan na mayroon ang nasabing parke.

            Habang lumalayo na ang matanda ay nagsasalita pa rin ito, “You are a sick, f****** ignorant teenager!

            “Oh, thank you,” kalmado pa ring sagot ng mas nakababatang babae.

            Patuloy pa rin sa paninigaw ang matanda samantalang mahina lamang na tumatawa ang nilalait niya.

            “Are you an idiot?! You are a black in a California sand!” saka umalis na palayo ang matanda.

            Isang malakas na buntong-hininga naman ang pinakawalan ng naturang Filipino woman.

            Hinangaan naman ng online community ang pagiging kalmado at pagkakaroon ng mahabang pasensya ng naturang dalaga. Nagalit naman sila sa ugaling ipinakita ng matanda.

Panoorin ang video dito.

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Isang Pinay sinabihang bumalik sa kanyang bansa matapos muntikan ng banggahin habang nag-eexercise lang
Isang Pinay sinabihang bumalik sa kanyang bansa matapos muntikan ng banggahin habang nag-eexercise lang
https://1.bp.blogspot.com/-9Z2oFdBsqBM/XubID9EpI4I/AAAAAAAAJRo/sODq9uMEp40T0WPCxzNigwLUiOA1jLnfQCK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-06-14T205936.437.png
https://1.bp.blogspot.com/-9Z2oFdBsqBM/XubID9EpI4I/AAAAAAAAJRo/sODq9uMEp40T0WPCxzNigwLUiOA1jLnfQCK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-06-14T205936.437.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/06/isang-pinay-sinabihang-bumalik-sa.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/06/isang-pinay-sinabihang-bumalik-sa.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy