Isang rider ng Motorsiklo, nais tumakas sa checkpoint - Sumemplang, HULI!

Makikita sa video na pinaharurot ng rider ang kaniyang motor na may ka-angkas pa.

Mga larawan ay mula sa Youtube video


Dahil sa pagsasagawa ng mahigpit na checkpoint ng kapulisan sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), may ilan pa ring mamamayan ang nais iwasan ito at nais pang tumakas sa naturang checkpoint.

Tulad na nga lamang ng isang rider sa isang video na i-p-in-ost ng YouTube channel na “Miyako’s TV.” May description pa nga ang naturang video na nagsasabing, “IWASANG TUMAKBO O TUMAKAS SA CHECKPOINT PARA IWAS DISGRASYA.”

Tila nais yata kasing tumakas ng naturang rider mula sa isang checkpoint. Makikita sa video na pinaharurot ng rider ang kaniyang motor na may ka-angkas pa. Mabuti na lang at nakaalis agad ang kaangkas nito subalit bigo ang rider at sumemplang pa ito. Nilapitan siya ng lalaking tila kumukuha ng video at sinabing, “Huwag ka ng umalis Kuya! Huwag ka ng umalis, maaaksidente ka lang… Tumakas ka eh.”

“Tumakas pa kayo eh.”

Rason ng rider, “Hindi ako tumakas, Sir.”

Saka lumapit ang isang enforcer at tiningnan kung may galos ba ang rider. Nang makitang ayos ito ay saka siya pinagsabihan na bakit pa raw kasi nais niyang tumakas ng checkpoint. Ani naman ng kumukuha ng video, wala pa raw tsinelas na suot ang naturang rider at wala ring helmet – sabay video ng kaniyang paa at ulo.

Gumilid muna sila sa kalsada saka tinawag ng enforcer ang iba pa niyang kasamahan upang kunin na ang motor ng naturang rider. Bumaba naman ang lalaki at tila iniinda ang sakit na dinanas sa pagkakasemplang nito kanina.

Nang kinukuha na ng isa pang enforcer ang motor ay kinausap muli nila ang lalaki at sinabing alam naman na raw niyang kargado ang kaniyang motor ngunit bakit sinubukan pa raw niya itong patakbuhin nang mabilis. Kung tinuloy raw nila ito ay baka patay na ang rider. Sinabi pa nila na buti na lang daw ay hindi sila nabagok.

Sunod na makikita sa video kung paano i-akyat ng iba pang MMDA officers ang kaniyang motor. Matapos nito ay inakbayan siya ng naunang enforcer at pinangaralan na kung hindi raw siya tatakas ay hindi siya sesemplang.

“Eto backride mo oh. Nalaglag eh. Umangat ‘yong unahan eh. Lumiko eh,” dagdag pa ng enforcer sabay turo sa ka-angkas ng rider.

“Birit lang, Sir,” ani naman ng rider.

“Nabirit? Hindi, alam ko ‘yan. May body language ‘yang katawan mo, tatakas ka pa eh,” ani naman ng enforcer.

Matapos nito ay sinasabihan na ng enforcer ang naturang rider ng mga detalye kung paano nila maaayos ang nangyari.

Sa pagtatapos ng video ay makikita ang rider na iniinda pa rin ang sakit ng katawan, kasama ang kaniyang ka-angkas, habang lumalayo sa kanilang posisyon ang truck na magdadala sa kaniyang motor.







Source: Miyako's TV - Youtube Channel

COMMENTS

Name

Entertainment,616,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,29,News,406,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,47,
ltr
item
Furry Category: Isang rider ng Motorsiklo, nais tumakas sa checkpoint - Sumemplang, HULI!
Isang rider ng Motorsiklo, nais tumakas sa checkpoint - Sumemplang, HULI!
Makikita sa video na pinaharurot ng rider ang kaniyang motor na may ka-angkas pa.
https://1.bp.blogspot.com/-pyaB068rs3o/Xu_j5UAyQjI/AAAAAAAAKgI/mLF9qEEgeeIlqTcgWXTJEQyTDEzQiBFjwCK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B%252820%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-pyaB068rs3o/Xu_j5UAyQjI/AAAAAAAAKgI/mLF9qEEgeeIlqTcgWXTJEQyTDEzQiBFjwCK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%252820%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/06/isang-rider-ng-motorsiklo-nais-tumakas.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/06/isang-rider-ng-motorsiklo-nais-tumakas.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy