Isang sikat na Fast Food Chain, inirereklamo ng isang customer dahil umano sa "Dugyot" na ginawa sa kanyang in-order

Trending ang isang post ng isang netizen tungkol sa di-umano’y “dugyot” na ginawa sa kanilang in-order na juice sa isang kilalang fast food chain.

Larawan ay mula sa thedailysentry


Trending ang isang post ng isang netizen tungkol sa di-umano’y “dugyot” na ginawa sa kanilang in-order na juice sa isang kilalang fast food chain.

Sa post na ibinahagi ni Derek Michael Villegas, inilahad niya ang kanyang pagkadismaya at galit dahil sa nasaksihan umanong “kadugyutan” na ginawa ng isang store crew ng McDonalds sa kanilang order, lalo pa raw na kalalabas niya pa lamang ng ospital.

Ayon sa kaniyang post, um-order daw sila ng pagkain at juice sa isang branch ng naturang fast food chain sa Airforce 1 sa Paranaque. At nakunan na nga nila ng video ang hindi nila inaasahang pagsalok ng isang crew sa kanilang in-order na juice sa isang balde imbes na kumuha sa drinks dispenser.

Larawan ay mula sa thedailysentry

Nang makausap daw nila ang manager sa naturang kainan ay napag-alaman nilang ang laman na juice sa balde na pinagkuhanan ng naturang service crew ay “for disposal” na.

Sinubukan daw nilang ipainom ang in-order nilang juice sa manager at sa crew subalit tumanggi raw ang mga ito dahil bawal na raw nila itong inumin dahil “waste” na nga raw ito.

Ani Villegas sa kaniyang post, “Pero eto kita namin na sinalok ‘yong baso sa balde na disposal na daw ngayon pinpainom naming sa babae at manager ‘yng juice na sinalok nila ayaw naman kasi bawal daw nila inumin kasi waste na daw.”

Larawan ay mula sa thedailysentry

Dismayado rin daw sila sa nangyari dahil bukod sa hindi biro ang ma-ospital, kung sila nga raw na taga-McDo ay ayaw nang inumin ang naturang juice, bakit ipaiinom pa ito sa kanilang mga customers?

Dagdag pa ni Villegas, noong nahuli raw nila sa akto at sinita ang babaeng crew sa kaniyang pagsalok sa balde ay natawa pa raw ito.

“Tapos sa’min papainom. Na dapat meron sila dispenser do’n.

“Nun nahuli namin c ate sinalok natawa pa sya dun sa crew na parang sinabi na nahuli ako na nagsalok. So ndi ho biro maospital,” paglalahad pa ni Villegas.

Larawan ay mula sa thedailysentry

Sa ini-upload niyang video, tinanong nila ang isang manager kung “proper” ba raw ang ginawa nila. Ngunit tugon nito, baka raw hindi lang nila na-monitor ang dapat na “for disposal” nilang juice.

Paalala ni Villegas, hindi raw porke’t malaki at kilala silang fast food chain sa Pilipinas ay maari na nilang gawin ang naturang pangyayari.

Narito ang kanyang buong post:

Di nmn po sa nag iinarte.

Kakagaling ko lng kasi sa oapital. Para bumili ng makakain at pineaple juice.

Pero eto kita namin na sinalok ung baso sa balde na disposal na dw ngayon pinapainom namin sa babae at mnaager ung juice na sinalok nila ayaw nmn kasi bawal dw nila inumin kasi waste na dw.

Tapos samin papainom. Na dapat meron sira dispencer dun. Mcdo airforce1 paranque. Nun nahuli namin c ate sinalok natawa pa sya dun sa crew na parang sinabi na nahuli ako na nagsalok. So ndi ho biro maospital.

Manager na mismo nag sabi na dugyot cla. Mabash nako kung mabash pero dugyot.. pls aware lng ndi porket malaki kayong fastfood chain e ganyan na kayo.

Naranasan ko na kasi makakain ng nagtae ako.. sana paki tutukan mga ganito.


COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Isang sikat na Fast Food Chain, inirereklamo ng isang customer dahil umano sa "Dugyot" na ginawa sa kanyang in-order
Isang sikat na Fast Food Chain, inirereklamo ng isang customer dahil umano sa "Dugyot" na ginawa sa kanyang in-order
Trending ang isang post ng isang netizen tungkol sa di-umano’y “dugyot” na ginawa sa kanilang in-order na juice sa isang kilalang fast food chain.
https://1.bp.blogspot.com/-4Nox16Rnl8w/XubLEv2nveI/AAAAAAAAJS4/_DDlhLtsnswFh7YU7FZaaFWkMndebhmIACK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B%25286%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-4Nox16Rnl8w/XubLEv2nveI/AAAAAAAAJS4/_DDlhLtsnswFh7YU7FZaaFWkMndebhmIACK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%25286%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/06/isang-sikat-na-fast-food-chain.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/06/isang-sikat-na-fast-food-chain.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy