Isang vlogger, sinorpresa ang kaniyang assistant dahil sa kabutihan nito.

“Para akong nanaginip,” ani ni Joe matapos matanggap ang regalong ipinagkaloob sa kaniya ng kaniyang amo.

Larawan ay mula sa The Hungry Syrian Wanderer - Youtube channle



Kung mabuti ang ipinapakita mo sa kapwa mo, siguradong mabuti rin ang babalik sa iyo sa tamang panahon – basta’t manatili ka lamang na mabuti at tapat at huwag na huwag mong babasagin ang tiwalang ipinagkaloob sa iyo ng taong ito.

Sa isang YouTube video na i-p-in-ost ng channel na “The Hungry Syrian Wanderer,” makikita kung paano sinorpresa ng vlogger na si Basel ang kaniyang assistant na si Joe.

Larawan ay mula sa Facebook

“Para akong nanaginip,” ani ni Joe matapos matanggap ang regalong ipinagkaloob sa kaniya ng kaniyang amo.

At dahil nga sa katapatan, pagtitiyaga at pagiging mabuti niya bilang isang assistant ay naisipan ni Basel na ibalik lahat ng kabutihan nito…

 

“CONSTRUCTION”

Isa raw si Joe sa mga construction workers na nagtrabaho noon kay Basel upang itayo at iayos ang una niyang negosyo rito sa Pilipinas. Dahil sa ipinakita nitong sipag at tiyaga ay niregaluhan siya ng vlogger ng isang bisikleta noong 2018.

Pagkaraan nga ng isang taon, taong 2019, ay nananatili pa ring nagtatrabaho bilang isang construction worker si Joe. Muli na naman siyang binigyan ng pa-“treat” ni Basel at binigyan niya ito ng dental check-up at “make over.”

Hindi alam ni Joe na tila magbabago na ang kaniyang kapalaran…

“PAGTANGGAP”

Sa pareho ring taon, sinabi ni Basel na hindi na raw kailangan ni Joe na maging isang construction worker dahil bibigyan niya na raw ito ng isang permanenteng trabaho – ang maging assistant at employee niya sa kaniyang negosyo na “YOLO Bubble Milktea and Diner Retro.”

Mula noon ay lagi nang magkasama ang dalawa. Patunay rito ang ilang mga videos ng vlogs ni Basel at ilang mga larawan. Tila makikita na nga ang “closeness” nilang dalawa. Sa katunayan ay ipinagsha-shopping pa ni Basel si Joe at binibilhan siya ng mga personal na gamit tulad ng mga damit at ng sapatos.

Subalit hindi pa rito natatapos ang sorpresang matatanggap ni Joe…

“REGALO”

Dahil sa kinakaharap ngayon na pandemya ay hindi raw nakauwi si Joe sa kaniyang pamilya, kaya naman sa kasalukuyan ay tatlong buwan na raw siyang namamalagi sa isang apartment malapit sa kanilang shop na kung saan ay bayad na ang lahat ng bills nito – kuryente, tubig, at iba pa – dahil binayaran na raw ito ni Basel.

“Instead of hiring professional people, I just trusted him with my shop and let him do the work so that I can help him out,” sabi ng vlogger.

Biro pa nga ni Basel, sa tatlong buwan na ito ay nasa poder nila si Joe at binibigyan daw nila ito ng ICU – “Internal Care Unit.”

Hunyo 07, 2020 – napagpasiyahan ni Basel na sorpresahin na naman ang kaniyang assistant.

Bilang paghahanda ay bumili ang vlogger ng isang pulang foil na gagawin niyang ribbon at isang malaking “Congrats” card, kalakip ang mensaheng “Celebrating you today and wishing you a wonderful future!” Sa mismong card na ito idinikit ni Basel ang ilang piraso ng P1000-bill para kapag bubuksan na raw ito ni Joe ay pera agad ang makikita niya.

Pagbabahagi ni Basel habang inihahanda ang sorpresang ito, “I kept telling on Joe that you should keep dreaming.”

Nang matapos niya nang ayusin ang mga pera ay sinulatan niya pa ng ilang mensahe ang loob ng card. Narito ang ilan sa kaniyang isinulat:

“The highest reward for a man’s loyalty is not what he gets for it. But what he becomes by it. ‘Intindihan mo ‘yan Joe? If not, Google mo na lang.”

“To: Joe – Stay loyal as I told you… good people always get rewarded. I appreciate all your hardwork.”

“NEVER break my trust, Joe.”

Sa susunod na bahagi ng nasabing vlog ay makikita ang isang kotse na nabalutan ng “DIY” na ribbon. Hinihintay ni Basel si Joe at pagkarating na pagkarating nito, sinabi niyang kinakabahan daw siya. Ibinahagi niya ring hindi raw siya marunong mag-drive ng kotse.

Pinapasok ni Basel si Joe sa loob ng kotse. “Sir, ayoko,” ani ni Joe na kinakabahan pa rin dahil baka raw masira niya ang sasakyan.

Pagkapasok nila ay may pinahanap sa kaniya ang vlogger. Nang makita niya ang “Congrats” card, biro niya:

“Tatay na ‘ko? Wala pa akong jowa,” sabay tawa.

Pinabuksan ng vlogger ang naturang card. Ipinikit ni Joe ang kaniyang mga mata at nang mabuksan ito ay nasorpresa siya sabay bulalas ng, “Ang dami nito!”

Maluha-luha niyang tiningnan at tila hinalikan pa ang mga perang nakadikit sa card. Pinapili siya ni Basel kung ano ang pipiliin niya: ang pera ba o ang kotse. Pinili ni Joe ang pera dahil hindi niya raw alam i-drive ang naturang sasakyan. Subalit sinabi ng vlogger na kapag dumating na ang panahon na alam niya nang magmaneho – bibilhan daw siya nito ng kotse, basta’t siya ay mananatiling “loyal and you’re working good – you might see your dream car in front of your doorsteps.” Tinukoy pa ni Joe ang kotse na “Mustang III” na lumang kotse ni Basel.

Pinaalalahanan rin ng vlogger ang kaniyang assistant na para sa kaniya ang pera upang makatulong sa kaniya ngayong may kinakaharap na krisis. Kung gusto raw nitong itulong sa pamilya niya ay ayos lang basta’t huwag niya itong gagamitin sa barkada, bisyo, layaw, at iba pang masasamang gawain.

“So that you can have something for yourself,” muling paalala ni Basel.

Matapos nito’y sinabi ni Joe na mag-iipon na raw siya. Kailangan daw niyang mangako dahil biro ni Basel, kapag nagkautang daw siya ay hindi niya na raw ito tutulungan.

“Thank you po Sir. Marami pong salamat,” ang sabi ni Joe bago siya bumaba sa kotse.



Source: The Hungry Syrian Wanderer - Youtube channle

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Isang vlogger, sinorpresa ang kaniyang assistant dahil sa kabutihan nito.
Isang vlogger, sinorpresa ang kaniyang assistant dahil sa kabutihan nito.
“Para akong nanaginip,” ani ni Joe matapos matanggap ang regalong ipinagkaloob sa kaniya ng kaniyang amo.
https://1.bp.blogspot.com/-II4ePiHsDMA/Xt_FHyVMt-I/AAAAAAAAI0A/95EuTzuFYpE5ocf4MzT5mKVa-md3aXtQACK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B%252839%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-II4ePiHsDMA/Xt_FHyVMt-I/AAAAAAAAI0A/95EuTzuFYpE5ocf4MzT5mKVa-md3aXtQACK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%252839%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/06/isang-vlogger-sinorpresa-ang-kaniyang.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/06/isang-vlogger-sinorpresa-ang-kaniyang.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy