Kahit hirap sa buhay, Isang Lola ang nag-sumikap bilhan ng cellphone ang kanyang anak para sa online learning

Source:  Mico Tan/Facebook Kung gusto. may paraan; isama pa ang tamang pagkakataon – makukuha ang isang bagay na pinaghirapan, lalo na kung ...

Source: Mico Tan/Facebook

Kung gusto. may paraan; isama pa ang tamang pagkakataon – makukuha ang isang bagay na pinaghirapan, lalo na kung para naman sa pinakamamahal.

Viral ngayon ang isang larawan ng isang lolang masayang-masayang nanonood sa kaniyang apong sabik na sabik naman sa pagbubukas ng bago niyang cellphone habang nakaupo sila sa hagdan sa labas ng isang mall.

Ayon sa isang delivery service rider na si John Mico Tan, naghihintay raw siya ng kaniyang order sa isang restaurant sa naturang mall nitong Lunes nang makita ang mag-lola. Naalala niya raw rito ang kaniyang mga magulang kaya kinunan niya ng litrato ang dalawa upang ibahagi sa kaniyang mga kaibigan. At naantig nga ang mga netizens nang masilayan ang social media post ni Tan. 


“Nakita ko sa bata, at saka kay Nanay na parang tuwang-tuwa sila – parang batang nagkaroon ng bagong laruan. Nakita naman natin kay Nanay… kung gaano niya kamahal ‘yong apo niya para bilhan niya ng gano’ng phone.”

Nang mag-trending daw ang naturang larawan, marami raw ang nagtanong kay Tan kung ano ang pangalan at iba pang impormasyon tungkol sa dalawa dahil nais daw nilang maghatid ng tulong. Dahil dito, in-edit daw muna ni Tan ang kaniyang post at nagtanong na rin kung may nakakikilala sa mag-lola.

Dahil sa viral post, nahanap nga ang mag-lola. Sa isang ulat na ibinalita ng “24 Oras,” natunton nila ang 63-anyos na si Emma Abucay – Monta at ang kaniyang 12 taong gulang na apo na si Kevin. Nakatira sila sa isang kubo sa Muntinlupa – tagpi-tagpi ang bubong at kailangan daw lagyan ng board ang kanilang kuwarto upang magpantay ang kanilang tutulugan.

Sa pareho ring lugar makikita ang ikinabubuhay ni Lola Emma, ang kaniyang anak, at ang kaniyang dalawang apo – paggagabi o paghihimay ng mga dahon ng gabi. Kumikita raw sila ng P200 hanggang P300 kung sinisuwerte at sapat na raw ito upang makakain sila sa pang-araw-araw nilang buhay. Minsan, kung hindi raw pinapalad si Lola Emma ay wala talagang siyang nauuwi para sa kaniyang pamilya.

Si Lola Emma na raw talaga ang nagtataguyod sa kaniyang pamilya. Kaya, masakit daw para sa kaniya na sa loob ng dalawang taon ay hindi niya maibigay ang tanging hiling ng kaniyang apo na si Kevin – ang magkaroon ng smartphone.

“Pagkain ang unahin natin. Ibigay ni Lord ‘yong pinapangarap niya. Makakabili ka pagdating ng panahon,” ani Lola Emma. 


At sa pamamagitan ng paggagabi, dahan-dahang nakaipon ng P2,500 sina Lola Emma, Kevin at ang ina nito. At noong Lunes nga ang tamang panahon upang makabili sila ng cellphone. Sakto nga raw ang pagkakataong ito dahil maliban sa natupad na ang munting pangarap ni Kevin ay magagamit niya na ito sa kaniyang pag-aaral.

“May magamit na siya, lalo na ngayon – enrollment na. Kalat na ang balita na mag-enroll daw sa paraan na makausap mo daw ‘yong teacher,” sabi ni Lola Emma.

Kuwento pa ng mapagmahal na lola, hindi raw mapigilan ng kaniyang apo ang kasiyahan nang makalabas sila ng mall dahil sa kaniyang bagong cellphone. Sa sobra nitong excited ay nasira pa raw ang mismong kahon nito. 


Hindi namalayan ng mag-lola na hindi pala sila nag-iisa: kasama nila ang libo-libong mga netizens na nakakita sa kanilang larawan. Ang naturang post ni Tan ang nagsilbing tulay upang maipaabot sa pamilya ni Lola Emma ang tulong na nais ihatid ng mga taong naantig sa kanilang litrato.

Marami raw kasi ang nagme-message kay Tan na mga taong nais tumulong sa mag-lola – mga nais magbigay ng pagkain, magbigay ng mas magandang cellphone, ibalik ang perang ipinambili ng mag-lola, at nais daw magbayad ng Internet ni Kevin sa loob ng isang taon.

Ani Lola Emma, “Million million times pasalamat. Walang mapaglagyan sa pasalamat… Lahat-lahat ng tao na may pusong mapagmahal sa kapuwa. Masaya akong nakaharap ko kayo.” “Wala talagang tatalo sa pagmamahal ng isang nanay, o ng lola,” sabi naman ng uploader na si Mico.

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Kahit hirap sa buhay, Isang Lola ang nag-sumikap bilhan ng cellphone ang kanyang anak para sa online learning
Kahit hirap sa buhay, Isang Lola ang nag-sumikap bilhan ng cellphone ang kanyang anak para sa online learning
https://1.bp.blogspot.com/-AgaXEaxbepA/XtfF7nirjQI/AAAAAAAAH6M/T-FCMH4ofzgKW8nXajwCvMRx9tCGt5cAgCK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-06-03T114634.461.png
https://1.bp.blogspot.com/-AgaXEaxbepA/XtfF7nirjQI/AAAAAAAAH6M/T-FCMH4ofzgKW8nXajwCvMRx9tCGt5cAgCK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-06-03T114634.461.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/06/kahit-hirap-sa-buhay-isang-ina-ang-nag.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/06/kahit-hirap-sa-buhay-isang-ina-ang-nag.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy