Kambal na may pangalang “JOLLIBEE” at “MCDONALD,” nakapagtapos na ng Senior High School.

Meet Jollibee Pangindian and Mcdonald Pangindian, ang kambal mula sa Bacoor, Cavite. Nag-viral ang dalawa nang ibahagi ng netizen na si Mark Lester An

Larawan ay mula kay Mark Lester Andrei Cruzet - Facebook

Trending ngayon ang kambal na nakapagtapos ng Senior High School dahil ang kanilang mga pangalan ay pangalan din ng dalawang sikat na fast food chain dito sa bansa.

Meet Jollibee Pangindian and Mcdonald Pangindian, ang kambal mula sa Bacoor, Cavite. Nag-viral ang dalawa nang ibahagi ng netizen na si Mark Lester Andrei Cruzet ang kanilang graduation picture sa kaniyang Facebook post.

Kuwento ni Cruzet sa kaniyang post, nakilala niya raw ang dalawa dahil anak sila ng kaniyang School Paper Adviser noong siya’y nasa elementarya pa lamang. At obviously nga raw ay hango ang pangalan ng kambal sa dalawang sikat na fast food chain sa bansa.

Kwento ng SPA kong si Ma'am Evelyn, napagdesisyonan ng kanyang asawa na Jollibee at Mcdonald ang ipangalan sa kambal para umano maging uniqe at madaling matandaan ng tao.

‘Kasi si kuya mo (asawa ni Ma'am) 'yung uniqueness of the name at art of remembering, once na nalaman ('yung names ng kambal) anjan agad ung natutuwa sila at madali nilang matandaan name nila,’ salaysay ng dati kong adviser.

Ibinahagi niya raw ang kuwentong ito hindi lang dahil sa “lovable names” ng kambal kundi pati na rin ang nahanap niyang “second family” sa pamilya ng mga ito. Itinuturing na rin daw niyang pangalawang kapatid ang kambal at pangalawang ina ang ina ng mga ito.

Pagbabahagi pa ni Cruzet, “Minsan, sa kanila na nila ako pinapatulog lalo na noong napalayas ako sa amin. Tinutulungan kapag may problema lalo na financially. I am grateful dahil alam kong bukod sa sarili kong pamilya, may iba pa akong kikilalaning pamilya sa ibang tahanan. I am blessed beyond measure for finding a family away from our home…Love ko 'tong family na ito, dahil sa kanila, bida ang saya.

Humanga at natuwa naman ang ilang netizens dahil dito. Ang iba pa ay nagpa-abot ng kanilang pagbati sa tagumpay ng kambal dahil nga natapos na nila ang kanilang huling taon sa high school.

Samantala, nito lamang June 2 ay nagpaabot ng pagbati ang McDonald Philippines sa pamilya ng kambal – dahil namigay lang naman sila ng “treat” sa mga ito!

Sa Facebook page ng McDonald’s, ibinahagi nila ang mga larawan na kung saan ay natanggap na nga nina Jollibee at McDonald ang munting regalong hatid sa kanila, kalakip ang caption na:

Magkaribal man sa pangalan, nagkakaisa naman sa pangarap! Congratulations to the twins Jollibee and Mcdonald Pangindian for recently finishing senior high school! Pinatunayan niyo na #WeGraduateAsOne. Dahil love namin kayo, may treat kami para sa inyong pamilya! #LoveKoTo (Thank you to Mark Lester Andrei Cruzet for your post!)




COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Kambal na may pangalang “JOLLIBEE” at “MCDONALD,” nakapagtapos na ng Senior High School.
Kambal na may pangalang “JOLLIBEE” at “MCDONALD,” nakapagtapos na ng Senior High School.
Meet Jollibee Pangindian and Mcdonald Pangindian, ang kambal mula sa Bacoor, Cavite. Nag-viral ang dalawa nang ibahagi ng netizen na si Mark Lester An
https://1.bp.blogspot.com/-gcDzy-YrPBM/XtlqxQRpyCI/AAAAAAAAIOs/_ZzDLrbU6Boe2_7z5FlLWnDNMSDimLXJgCK4BGAsYHg/d/push-jollibee-mcdo-pangindian.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-gcDzy-YrPBM/XtlqxQRpyCI/AAAAAAAAIOs/_ZzDLrbU6Boe2_7z5FlLWnDNMSDimLXJgCK4BGAsYHg/s72-c-d/push-jollibee-mcdo-pangindian.jpg
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/06/kambal-na-may-pangalang-jollibee-at.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/06/kambal-na-may-pangalang-jollibee-at.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy