Kilalanin ang mga celebrities na na-link at naging girlfriend ni Gerald Anderson

Source:  Metro Showbiz  youtube Kilala si Gerald Anderson bilang isa sa mga sikat na aktor. Naging sikat si Gerald matapos lumabas ...

Source: Metro Showbiz youtube


Kilala si Gerald Anderson bilang isa sa mga sikat na aktor. Naging sikat si Gerald matapos lumabas sa PBB House. At dito na nga nagsimula ang pag-angat ng kanyang karera. Nakagawa na rin siya ng mga teleserye tulad ng “Sana Maulit Muli”, “Tayong Dalawa”, at “Budoy”. Bumida na rin siya sa mga pelikula tulad ng “Always Be My Maybe” at “On The Job”. 

Source: Metro Showbiz youtube
Source: Metro Showbiz youtube

Pinag-usapan ng marami ang kanyang showbiz career, at nakadagdag dito ang kuwento ng kanyang love life.

Ayon sa ibang source, si Shy Farina Rankle ay nakarelasyon niya noong taong 2005. Walang masyadong detalye tungkol sa kanila subalit makikita sa mga larawan ang kanilang pagiging sweet. 

Source: Metro Showbiz youtube
Source: Metro Showbiz youtube
Source: Metro Showbiz youtube

Sunod dito ay si Kim Chiu. Taong 2006 nang mabuo ang tambalang “KimErald” sa ‘Bahay ni Kuya’. Wala raw official announcement sa publiko patungkol sa pagiging opisyal na couple ng dalawa. Pero ang sinasabi ng ilan na 2009 naging mas open si Kim tungkol sa kanilang relasyon sa tuwing tinatanong ng press. Naghiwalay sina Kim at Gerald noong 2010, isang malungkot na balita para sa mga solid supporters ng kanilang tandem. 

Source: Metro Showbiz youtube
Source: Metro Showbiz youtube
Source: Metro Showbiz youtube

Ang sinasabing rason sa breakup ng KimErald: si Bea Alonzo. Subalit itinanggi naman ito ng kampo ni Bea, maging ni Gerald. Sinasabing pumasok lamang si Bea sa eksena nang hiwalay na ang dalawa. Naging official sina Bea at Gerald noong April 2010, ngunit naghiwalay rin noong November 2010. Nang maghiwalay, nagkaroon daw sila ng kasunduan na kapag dumating ang panahon na ayos na ang lahat at nagawa na nila ang gusto nilang gawin, ay baka puwede na nilang simulan ulit ang kanilang love story. 

Source: Metro Showbiz youtube
Source: Metro Showbiz youtube
Source: Metro Showbiz youtube

Taong 2011, napabalitang nagkakamabutihan na sina Gerald at Sarah Geronimo sa pelikulang “Catch Me, I’m In Love.” Na-inlove raw ng husto ang Pop Star Princess kay Gerald, iba raw kasi ang glow nito kapag nababanggit ang aktor. Ngunit lumabas na lamang sa balita na natigil na ang panunuyo ni Gerald kay Sarah. Ilan lamang sa mga dahilan ay ang pagharang ni Mommy Divine, pagiging hindi handa ng singer, at ang panibago umanong “apple of the eye” ng aktor. 

Source: Metro Showbiz youtube
Source: Metro Showbiz youtube
Source: Metro Showbiz youtube

Sunod dito ang aktres na si Maja Salvador. Noong June 2013 nang aminin ng aktor na in a relationship siya with Maja. Mainit na intriga ang natanggap ng dalawa dahil BFF ni Maja ang ex niyang si Kim. Inamin nga ng aktres sa isang interview na marami siyang nasabing masama kay Gerald dahil siya ang naging inspirasyon ni Kim noon. Ngunit, para kay Kim ay parang trinaydor daw siya. Taong 2015 nang mapabalitang nag-break na silang dalawa at nagkaayos din naman ang magkaibigan. 

Source: Metro Showbiz youtube
Source: Metro Showbiz youtube

Source: Metro Showbiz youtube

Na-link naman sa aktor si Arci Muñoz. Ang totoo ay hindi naman talaga naging sila pero dahil sa kanilang chemistry, in-assume ng mga tao na may “something” sa dalawa. Pareho rin kasi silang single noong mga panahon na ‘yon. 

Source: Metro Showbiz youtube
Source: Metro Showbiz youtube

Si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ay na-link din kay Gerald nang gawin nila ang pelikulang “My Perfect You.” Subalit, in a relationship ang dalawa: si Pia kay Marlon Stockinger, at si Gerald kay Bea.

Source: Metro Showbiz youtube
Source: Metro Showbiz youtube

Taong 2016 nang magkaroon ng movie sina Bea at Gerald, pero walang detalye kung nagkabalikan na sila. October 2017 naman nang magkasama silang um-attend ng Star Magic Ball, at dito na umusbong ang balitang mag-on na sila ulit. March 2018 nang mapansin ng netizens na in-unfollow ni Bea si Gerald at Pia. Ang sabi ng aktor sa isang interview na ang rason dito ay isang malaking misunderstanding. Ngunit, kumalat ang mga tsismis na break na ang dalawa nang mag-post si Bea tungkol sa cheating. Ang huling na-link sa aktor ay si Julia Barreto. Nagkasama ang dalawa sa pelikulang “Between Maybes”. Iniintriga tuloy na third party si Julia sa break up nina Gerald at Bea. Lumaki ang intriga nang makita ang dalawa sa birthday party ni Rayver Cruz.


Source: Metro Showbiz youtube

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Kilalanin ang mga celebrities na na-link at naging girlfriend ni Gerald Anderson
Kilalanin ang mga celebrities na na-link at naging girlfriend ni Gerald Anderson
https://1.bp.blogspot.com/-RDbzwB6H7Hc/XtstZZ7BvHI/AAAAAAAAIZ0/Q3hEhE3x3dYc8t15yVTz5hmPwvXj64KiACK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-06-06T013237.832.png
https://1.bp.blogspot.com/-RDbzwB6H7Hc/XtstZZ7BvHI/AAAAAAAAIZ0/Q3hEhE3x3dYc8t15yVTz5hmPwvXj64KiACK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-06-06T013237.832.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/06/kilalanin-ang-mga-celebrities-na-na.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/06/kilalanin-ang-mga-celebrities-na-na.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy