Lalaking inilibre ng gatas ang isang tatay na kapus ang pera pambili para sakanyang anak, umani ng maraming papuri sa mga netizens

Source:  Jaive Joseph Roble | Facebook Sa buhay ng tao, may pagtatagpong hindi natin inaasahan. Maaaring nagkita ulit kayo ng kaibigan mong ...

Source: Jaive Joseph Roble | Facebook

Sa buhay ng tao, may pagtatagpong hindi natin inaasahan. Maaaring nagkita ulit kayo ng kaibigan mong matagal mong hindi nakakuwentuhan. Puwede rin namang nasilayan mong muli ang kapamilya mong matagal na nawalay sa iyo. O maging ang pagtulong sa taong nangangailangan na hindi mo kakilala.

            Pauwi na raw si Jaive Joseph Roble ng siya ay magkaroon ng “encounter that he believes was planned by God himself.”

Source: Jaive Joseph Roble | Facebook         

   Ibinahagi ni Roble ang kanyang naging karanasan sa Facebook. Marami ng tao ang nakakita sa kanyang post at umani ito ng mahigit 1.2 million reactions, 11k comments, at halos 383, 000 shares.

            Ayon kay Roble, naglalakad daw siya pauwi nang may lumapit sa kanyang lalaki at humihingi ng sampung piso.

            Source: Jaive Joseph Roble | Facebook

Sinabi ng lalaki na gustuhin man niyang bumili ng gatas para sa anak niyang sanggol, ay hindi niya magawa dahil sa wala siyang pera.

            Sa kuwento ni Roble, ang lalaki ay “very defensive when asking for help and money from him.” Nililinaw raw ng lalaki na hindi siya masamang tao at siya ay mahirap, at nais niya lamang makapag-uwi ng pagkain para sa kanyang pamilya.


            Dahil dito, imbes na bigyan lang ng pera at iwang mag-isa, dinala ni Roble ang lalaki sa store upang samahang bumili ng pagkain.

            Ibinahagi pa ni Roble na pakiramdam niya’y itinakda silang dalawa na magkita at ang Diyos mismo ang may gawa nito.

            Dagdag pa niya, hindi lang daw gatas ang naitulong niya sa lalaki, kung hindi ay nabigyan niya pa ito ng pagkain para sa kanyang pamilya.


            Sa pagtatapos ng post, ibinahagi ni Roble kung gaano ka-“thankful” ang lalaki sa kanyang ginawang pagtulong. Maliban dito, ibinahagi niya rin kung gaano siya ka-“blessed” sa buhay na mayroon siya at sa tulong ng Diyos na dalhin siya sa kung saan siya kailangan.


Narito ang buong post:

"Kapit Sa Dios"

Naglalakad pauwi, nakaheaphone, pagkatawid ko sa isang intersection may kumalabit sakin, sabi, "Kuya baka may Php10 ka dagdag lang sana para pambili ng gatas ng anak ko!" 😥 Pinipigilan ko luha ko while looking at him and listened more. "Hindi po ako masamang tao, Sir! Di ko po kayang gumawa ng masama lalong ayaw kong makulong kawawa pamilya ko." Halatang kinakabahan. "Kanina pa po ako paikot-ikot sa construction sites para makapasok kaso wala pa hong swerte, magiging totoo nalang po ako sa inyo Sir, di alam ng asawa ko ngayong araw namamalimos lang ako ngayon makapagdala lang gatas at pagkain ng baby namin, kaya lang naman naming magtiis dalawa sa asin at suka. Kawawa lang talaga mga bata." 😭 Tinanong ko sya anong gatas ng baby nya sabi, "Yung baby Sir, Nestogen, yung 160.00 lang po pwede ng pang dalawang araw. Yung 3 yrs old ko naman po Bear Brand nakabili napo ko ng diapers sir heto kinapos lang po talaga." Sabay pakita ng 150.00 sa kamay. Hindi ako sure at that point kung bigyan ko lang ba sya ng pera at umalis na, o ako na mismo bumili ng gatas, since malapit na kami sa may Market Market so I told him, "Tara Kuya pasok tayong Market. " "Nako Sir, baka di hu ako papasukin. " Sabi ko, "Wag ka magalala pinagtagpo tayo ng Dios ngayong araw, magkapatid tayo, ako bahala sayo! Di gaanong marami pera ko pero lika." Sa grocery hinanap namin yung kadalasan binibili nya, nagdesisyon akong kunin ang malaking pakete para allowance nya makadiskarte pa ng matagal-tagal at sinamahan ko na din ng manok, atay at giniling.

Walang tigil pasasalamat nya sakin. "Darating din ang panahon Sir, magkikita tayo ulit, ako naman manglilibre sa inyo!" 😥😥😥😥😥😭😭😭

Hanggang sa dulo, sinabihan ko sya, "Patas lang tayo sa buhay Kuya kami man sa estadong to, marami ding mga utang na hinaharap. "Mabait talaga ang Dios Sir, pinakilala po kayo sakin, anghel ko po kayo ngayon."

Salamat sa inspirasyon ngayong araw. Swerte pamilya mo sayo. Hanap ka agad trabaho at wag na wag panghinaan ng loob. Until we meet again Jerick Reyes!

Minsan nakakapanghina ng loob ang mga problema. Today, I realized Im still blessed to have this life, do not have much right now but will get there. Kapit lang sa Dios....

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Lalaking inilibre ng gatas ang isang tatay na kapus ang pera pambili para sakanyang anak, umani ng maraming papuri sa mga netizens
Lalaking inilibre ng gatas ang isang tatay na kapus ang pera pambili para sakanyang anak, umani ng maraming papuri sa mga netizens
https://1.bp.blogspot.com/-IXD2Q-UEuQo/Xtz29W6pGwI/AAAAAAAAIkY/iIVWpcxV7pUuDPKCLS5IvGcxQ6h16nyugCK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-06-07T101708.692.png
https://1.bp.blogspot.com/-IXD2Q-UEuQo/Xtz29W6pGwI/AAAAAAAAIkY/iIVWpcxV7pUuDPKCLS5IvGcxQ6h16nyugCK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-06-07T101708.692.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/06/lalaking-inilibre-ng-gatas-ang-isang.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/06/lalaking-inilibre-ng-gatas-ang-isang.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy