Mag-asawang matanda na at nakatira na lamang sa pinagtagpi-tagping tent, kinalimutan na raw ng kanilang mga anak sa Maynila

Source: Archie Hilario / Youtube video Sa paglipas ng panahon, minsan ay tila nakalilimutan na ng mga anak ang kanilang mga magulang na dapa...

Source: Archie Hilario / Youtube video

Sa paglipas ng panahon, minsan ay tila nakalilimutan na ng mga anak ang kanilang mga magulang na dapat sana ay inaalagaan sapagkat sila ay may edad na.

           Mayroon kasing mag-asawang matanda ang sinasabing kinalimutan na sila ng kanilang mga anak.

           Nakatira ang dalawang matanda sa Linabuan Norte, Kalibo, Aklan. Maliban sa payat ang kanilang pangangatawan ay hindi rin maayos ang kanilang tinitirhan dahil natutulog lamang sila sa isang tent na sira-sira pa.

           Sa isang YouTube video na ibinahagi ni Archie Hilario, isang radio anchor, sinubukan nitong pasyalan at alamin ang buhay na kinakaharap ng mag-asawa.



Ayon sa lola, mayroon daw silang mga anak na nakatira sa Maynila ngunit matagal na raw na hindi nagpaparamdam sa kanila ang mga ito at tila kinalimutan na sila.

           “‘Yong dalawa nasa Maynila, wala ring komunikasyon sa amin kung saan sila natira.”

           Sinabi din ng matandang babae na kahit sulat man lamang sana ang kanilang matanggap mula sa mga ito ay magiging masaya na sila.

           Hindi raw masama ang loob nila sa kanilang mga anak. Ang mahalaga raw ay malaman daw nila kung ano na ang kalagayan ng kanilang mga anak at kung ano na raw ang balita sa mga ito.

           “Hindi naman sumasama ang loob ko sa kanila… bakit naman nila kami ginato, ni hindi nila kami pinapadalhan. Kahit sulat lang. kahit padalhan nila kami ng sulat lang masaya na ako. Kahit sulat o sa Facebook lang makita namin sila, sasaya na kami,” sabi pa ng lola.



Dagdag pa niya, “Hindi nila kami naalala ng dalawa naming babae sa Maynila.”

           Mayroon daw kasi silang isang anak na namamasukan malapit sa kanilang lugar. Subalit mayroon na rin daw itong sariling pamilya. Kung wala raw itong maiaabot sa kanila na pera ay wala rin daw silang makakain.

           Dahil sa naramdamang awa, inalok ni Hilario ang dalawang matanda kung puwede raw ba silang magpatayo ng bahay para sa kanilang mag-asawa. Ngunit sinabi ng lola, hindi raw ito maaari dahil hindi naman sa kanila ang lupang kinatitirikan ng kanilang tent.

           Marami namang netizen ang nalungkot at naawa sa kalagayan ng mag-asawa.

           Ani ng isa, “Kahit anong hirap ng buhay dapat kailangan nating alagaan ang mga magulang natin habang silay nabubuhay… kami mahirap din pero d naming kayang pabayaan ang mga magulang naming pero ngayon ang sakit sakit na isiping wala na cla di pa kaming magkakapatid nagsawang alagaan at bigyan ng pangangailangan nila… Masakit mawalan ng magulang.

           Sabi naman ng isa pang netizen, hindi raw dapat husgahan ang kanilang mga anak dahil hindi naman daw nila alam ang sitwasyon ng mga ito. Baka raw hirap din sila sa buhay. Hiniling niya rin na sana ay matulungan ang mag-asawa.

           “Sana may tumulong n makita nila ang mga anak bka hirap din nging situation ng mga anak nila…kaya wala ring magawa para sa mga magulang,” pahayag naman ng isang netizen.

Panooring ang buong kuwento:

COMMENTS

Name

Entertainment,616,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,29,News,406,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,47,
ltr
item
Furry Category: Mag-asawang matanda na at nakatira na lamang sa pinagtagpi-tagping tent, kinalimutan na raw ng kanilang mga anak sa Maynila
Mag-asawang matanda na at nakatira na lamang sa pinagtagpi-tagping tent, kinalimutan na raw ng kanilang mga anak sa Maynila
https://1.bp.blogspot.com/-vNwZerxf9ZE/Xvfl9zETc9I/AAAAAAAALr0/MtMb7ItRr-4qqXQMyNA9AwZrZWN-WDuewCK4BGAsYHg/d/Untitled.png
https://1.bp.blogspot.com/-vNwZerxf9ZE/Xvfl9zETc9I/AAAAAAAALr0/MtMb7ItRr-4qqXQMyNA9AwZrZWN-WDuewCK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/06/mag-asawang-matanda-na-at-nakatira-na.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/06/mag-asawang-matanda-na-at-nakatira-na.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy