Matapos magbukas ng klase sa France, 70 bagong kaso ng C0VID ang naitala sa mga paaralan.

Nagtala ang France ng 70 panibagong kaso ng mga nagpositibo sa coronáv!rus disease 2019 (C0VID-19) matapos payagang magbukas muli ang mga paaralan nit

Larawa ay mula sa businessinsider.co

Nagtala ang France ng 70 panibagong kaso ng mga nagpositibo sa coronáv!rus disease 2019 (C0VID-19) matapos payagang magbukas muli ang mga paaralan nitong nakaraang linggo, ayon sa kanilang education minister nitong Lunes.

Matatandaang nitong March 17 ay ipinasara pansamantala ng naturang bansa ang kanilang mga paaralan at iba pang higher education institutes bilang pakikiisa sa paraan nila ng paglaban sa coronáv!rus outbreak.

Nitong May 18 lamang ay nagtala ang France ng higit 180,000 coronáv!rus cases at higit 28,000 kaso ng mga namatay dahil dito.

Matapos ang dalawang buwan ay unti-unti na ngang inaalis ang mga restriksyon sa nasabing bansa, kabilang na nga rito ang muling pagbubukas ng ilang pamilihan at maging ng preschools at elementary schools.

Ayon sa “France24,” 10 estudyante na lamang ang bumubuo ngayon sa isang classroom ng preschools habang 15 estudyante naman sa iba pang age groups.

At kahit nga raw ipinapatupad ang social distancing sa loob ng klase, may ilan pa ring mga mag-aaral ang nagkaroon ng naturang sakit.

Sinabi ni Education Minister Jean-Michel Blanquer sa kaniyang panayam sa French radio station na “RTL” nitong Lunes na nagtala nga sila ng 70 panibagong kaso ng C0VID-19 isang linggo matapos ang pagbabalik-aral ng mga estudyante, na ayon sa kaniya ay “inevitable.”

“It’s inevitable this sort of thing will happen. In almost all cases, this [transmission] has happened outside of the school.”

Ani rin ni Blanquer, ang 70 naturang kaso ay “small proportion” ng nagsibalikang 1.4 million schoolchildren. Sinabi niya ring agad na ipasasara ang mga eskuwelahang apektado ng naturang sakit.

Isa ang France sa ilang mga European countries, kabilang na ang Germany, Denmark, Norway, Czech Republic at Poland, na nagsimula nang mag-alis ng mga lockdown measures, kahit na marami ang nagsabing “the process will be slow and closely monitored.”

Nito lamang nakaraang buwan, ang bansang Denmark ang kauna-unahang European country na nagbukas muli ng mga paaralan, “prompting parents to raise concerns that their children were being used as ‘guinea pigs’ to test government policies.”

Binibigyang-diin naman daw ng European officials ang “risks” na maaaring makuha ng mga estudyanteng magbabalik sa eskuwela, “saying that the alternative would be more harmful to students in the long run.”

Ayon sa “The Guardian,” sinabi rin daw ni Blanquer, “There will be terrible damage if we lose a generation of children who have been stopped from going to school for several months.”

Noong Lunes din ay sinabi ni Blaženka Divjak, minister for education ng Croatia, sa isang press conference na “there hasn’t been a significant increase in cases” mula nang binuksang muli ang mga pinto ng European schools.

Aniya, “So far we haven’t heard anything negative about the reopening of schools but it is probably too early to have final conclusions on that.”

Source: businessinsider.co

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Matapos magbukas ng klase sa France, 70 bagong kaso ng C0VID ang naitala sa mga paaralan.
Matapos magbukas ng klase sa France, 70 bagong kaso ng C0VID ang naitala sa mga paaralan.
Nagtala ang France ng 70 panibagong kaso ng mga nagpositibo sa coronáv!rus disease 2019 (C0VID-19) matapos payagang magbukas muli ang mga paaralan nit
https://1.bp.blogspot.com/-P5DmtpoNKRQ/XtUjebZhzII/AAAAAAAAHzY/_XCgYpEbr_gzGGbRrw79HdF3Ve6P8pqNQCK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B%252822%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-P5DmtpoNKRQ/XtUjebZhzII/AAAAAAAAHzY/_XCgYpEbr_gzGGbRrw79HdF3Ve6P8pqNQCK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%252822%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/06/matapos-magbukas-ng-klase-sa-france-70.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/06/matapos-magbukas-ng-klase-sa-france-70.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy