Mga Batang kalye, nagsauli nang napulot nilang Wallet na naglalaman ng pera.

Nakatutuwang malaman na hindi pinag-interesan ng mga batang ito ang napulot nilang wallet. Sa katunayan ay ibinalik nila ito nang buo at walang bawas.

Mga larawan ay mula kay Xer Yorker - Facebook

Hindi maikakailang napakarami ng mga batang lansangan dito sa Pilipinas. May ilang nagsasabi na pabigat sila sa lipunan dahil gumagawa raw sila ng masasamang bagay. Ang iba pa nga raw ay nagiging instrumento ng ibang grupo upang makagawa ng krimen. Ang iba nama’y umiiwas sa kanila dahil hindi raw sila katiwa-tiwala base sa kanilang mga hitsura.

Subalit, kahit na ganito ang pagkakakilala sa kanila sa lipunan ay may ilan pa rin sa kanilang nagpapatunay na dapat hindi hinuhusgahan ang isang tao base lamang sa nakikita o naririnig nila – dahil kahit na laking lansangan sila ay alam pa rin naman nilang gumawa ng kabutihan sa kanilang kapwa.

Tulad na nga lamang ng dalawang batang kalye na nagsauli nang napulot nilang pitaka sa may-ari nito.

Viral ngayon sa social media ang Facebook post ng netizen na si Xer Yorker. May napulot daw kasing wallet ang dalawang batang kalyeng ito. Dahil hindi raw sa kanila ito ay minabuti nilang ibigay ito sa isang guwardiya.

Nakatutuwang malaman na hindi pinag-interesan ng mga batang ito ang napulot nilang wallet. Sa katunayan ay ibinalik nila ito nang buo at walang bawas.

Makikita sa mga larawan sa nasabi pa ring post ang masayang mga mukha ng dalawang batang ito dahil sa pagsauli nila sa nawawalang gamit. Pabiro pa nga raw nilang sinabi, “Kuya wala kami binawasan diyan.”

Larawan ay mula kay Xer Yorker - Facebook

Sa pagsisiyasat ng guwardiya, natuklasan niyang umaabot sa humigit-kumulang isang libo ang halagang mayroon ang pitaka at natagpuan niya rin ang isang ID na may pangalang “Malasig, Sherwin Ayag.”


Mga Larawan ay mula kay Xer Yorker - Facebook


Natuwa naman ang mga netizens at pinuri ang dalawang batang kalyeng ito dahil sa ginawa nilang kabutihan.

Sa ngayon ay umani na ang naturang post ng higit 6,600 reacts, 701 comments, at higit 8,600 shares.




Source: Xer Yoker - Facebook

COMMENTS

Name

Entertainment,616,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,29,News,406,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,47,
ltr
item
Furry Category: Mga Batang kalye, nagsauli nang napulot nilang Wallet na naglalaman ng pera.
Mga Batang kalye, nagsauli nang napulot nilang Wallet na naglalaman ng pera.
Nakatutuwang malaman na hindi pinag-interesan ng mga batang ito ang napulot nilang wallet. Sa katunayan ay ibinalik nila ito nang buo at walang bawas.
https://1.bp.blogspot.com/-Q4KXSIcPhAk/XvHNc3rwBqI/AAAAAAAAKlg/ssWXlMv0rEYRgIdBggJcwyCZYp66JFMWwCK4BGAsYHg/d/pppp.png
https://1.bp.blogspot.com/-Q4KXSIcPhAk/XvHNc3rwBqI/AAAAAAAAKlg/ssWXlMv0rEYRgIdBggJcwyCZYp66JFMWwCK4BGAsYHg/s72-c-d/pppp.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/06/mga-batang-kalye-nagsauli-nang-napulot.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/06/mga-batang-kalye-nagsauli-nang-napulot.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy