Mga Filipino Nurses, “BANNED” sa pag-alis at ang kanilang pakikipagsapalaran sa Pilipinas at sa abroad.

Inutusan ng Palasyo ng Malacañang nitong Abril ang Philippine Overseas Employment Agency (POEA) na itigil ang deployment ng mga Filipino nurses sa mga

Larawan ay mula sa thepinoyofw.com

Inutusan ng Palasyo ng Malacañang nitong Abril ang Philippine Overseas Employment Agency (POEA) na itigil ang deployment ng mga Filipino nurses sa mga overseas work. Ito ay dahil sa umiiral na state of national emergency na itinalaga ng pamahalaan dahil sa epekto ng viral outbreak na siyang nagpahina sa ekonomiya at iba pang mga sektor ng lipunan hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa napakarami pang mga bansa.

Sa isang pahayag na inilabas ng Presidential Spokesperson na si Harry Roque, pinapayagan na raw ngayon ang mga OFW na ma-i-deploy abroad, kabilang na ang mga may “existing contract due to new employment” basta raw ay matapos nilang maproseso ang kani-kanilang mga dokumento. Subalit hindi raw kasali rito ang mga nurses at medical professionals na may mga bagong kontrata “who wish to practice their profession overseas.”

 

“PAKIKIPAGSAPALARAN SA GITNA NG BANTA SA KALUSUGAN AT KALIGTASAN”

Ibinahagi sa isang ulat mula sa CNN Philippines na nananatili pa ring epektibo ang deployment ban na tumagal na ng halos isang buwan, kahit na nagdulot ito ng galit at reklamo mula sa publiko.

Nang tinanong naman si Roque kung kailan aalisin ang naturang kautusan, sagot niya: “Once there is no more COVID-19 threat in countries where they would be employed.”

Nilinaw muli ni Presidential Spokesperson na hindi raw maaapektuhan ng deployment ban ang mga mayroong existing contracts.

Pansamantala kasing sinuspinde ng POEA ang deployment ng mga manggagawang Pilipino abroad upang makatulong daw sa bansa na labanan ang COVID-19 pandemic.

Sinabi rin ni Pangulong Rodrigo Duterte na kukonsulta raw siya sa Department of Justice (DOJ) tungkol sa legalidad ng pagpapatigil sa mga health workers na mag-migrate sa ibang bansa sa kabila ng naturang pandemic.

Sa ibang bahagi naman ng mundo, tahimik ngunit patuloy pa ring nilalabanan ng ilang mga Filipino nurses ang banta ng virus sa mga lugar na malaki ang populasyon at sa mga pasilidad na kulang sa manggagawa at mga kagamitan.

“FILIPINO NURSES ABROAD, PAREHO RIN ANG NARARANASAN”

Sa bansang UK, nitong Mayo 16, mayroon nang 173 naitalang kaso ng mga frontliners at health workers na namatay sa COVID-19. Ang 23 rito (approximately 13 percent) ay mga Pilipino.

Ayon kay Francis Fernando, isang nurse at officer ng Filipino Nurses Association UK, mas marami na raw ang namamatay sa UK kumpara sa Pilipinas – subalit mahirap daw matukoy ang totoong bilang ng mga ito dahil sa kakulangan sa “reliable data.”

Ipinapakita ng official figures na halos 18,500 na mga Pilipino ang nagtatrabaho sa NHS sa England – higit pa sa iba pang “single ethnic group” sa labas ng UK “as of March 2019” – na siyang bumubuo sa halos 1.5 percent na serbisyong ipinagkakaloob ng 1.2 million workforce.

Ayon pa rin kay Fernando, ang Filipino Nurses Association “had heard ‘a lot of anecdotal stories about black and minority ethnic (BAME) staff being hand-picked to work in COVID wards, again without adequate protection.

At kahit pa humindi ang ilang mga staffs, may ilan pa ring sumasagot sa tawag ng tungkulin bilang tugon nila sa kanilang piniling propesyon bilang mga nurse at professionals na siyang mangangalaga sa mga pasyente.

“SERBISYO AT SEGURIDAD MUNA…”

Dahil sa mainit na usapin tungkol sa legalidad ng deployment ban sa mga health professionals, naapektuhan na rin ang mga physicians, nurses, medical technicians, at iba pang medical staffs.

Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, ang reversal ng ban ay base sa dalawang kondisyon: una ay kung babawiin ni Pangulong Duterte ang deklarasyon niya ng state of public health emergency, at ikalawa – kung bubuksang muli ng mga host countries ang kanilang mga borders para sa mga foreign workers.

The ban is temporary and therefore when circumstances warrant, the Governing Board resolution may be amended anytime… Almost all major destinations of our OFWs have imposed also a temporary travel ban and this coincides with our own temporary suspension of deployment.”

Dagdag pa niya, ang kasalukuyang sitwasyon sa trabaho ng mga Filipino medical professionals overseas ay maaaring maglagay sa kanila ng “higher risk for infection” dahil mas lalo raw tumataas ang bilang ng mga kaso sa mga bansang pinagtatrabahuan nila.

Ang naturang POEA department order ay naipatupad alinsunod sa Republic Act 11469 o “Bayanihan to Heal as One Act” na nag-uutos sa mga ahensya ng pamahalaan, tulad ng POEA, na i-address ang “shortage” ng mga health workers na kinakailangan upang labanan ang coronavirus pandemic.

Ang kasalukuyang sitwasyon ay nagbukas ng pinto sa mga mambabatas at iba pang government figures upang talakayin ang importansiya ng healthcare workers “in cases of emergency,” ngunit sa ngayon ay wala pa ring “legislation” upang masiguro ang “welfare” at trabaho ng mga nurses sa Pilipinas.


Source:  thepinoyofw.com

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Mga Filipino Nurses, “BANNED” sa pag-alis at ang kanilang pakikipagsapalaran sa Pilipinas at sa abroad.
Mga Filipino Nurses, “BANNED” sa pag-alis at ang kanilang pakikipagsapalaran sa Pilipinas at sa abroad.
Inutusan ng Palasyo ng Malacañang nitong Abril ang Philippine Overseas Employment Agency (POEA) na itigil ang deployment ng mga Filipino nurses sa mga
https://1.bp.blogspot.com/-5OYgfYFa9As/XtV7x-PZl4I/AAAAAAAAH0g/PXdjjfWY0tET-hiFynOfmHkr1AB2ts-pQCK4BGAsYHg/d/Annotation%2B2020-06-01%2B235639.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-5OYgfYFa9As/XtV7x-PZl4I/AAAAAAAAH0g/PXdjjfWY0tET-hiFynOfmHkr1AB2ts-pQCK4BGAsYHg/s72-c-d/Annotation%2B2020-06-01%2B235639.jpg
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/06/mga-filipino-nurses-banned-sa-pag-alis.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/06/mga-filipino-nurses-banned-sa-pag-alis.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy