Nakatikim ka na ba ng Sapote? Narito ang health Benefits ng Black Sapote o Black Persimmon

Mula sa species na persimmon, ang black sapote ( Diospyros nigra ) ay isang tropical fruit native sa Silangang Mexico, sa Carribean at sa Ce...


Mula sa species na persimmon, ang black sapote (Diospyros nigra) ay isang tropical fruit native sa Silangang Mexico, sa Carribean at sa Central America. Kilala rin ito sa ibang katawagan tulad ng black persimmon, chocolate-fruit at chocolate pudding fruit. Isa itong tomato-like fruit na may manipis at firm rind. Mayroon itong dalawa hanggang 10 buto na kulay dark red-brown.

            Makatutulong ang black sapote sa kalusugan ng isang tao dahil ang isang cup nito’y nagbibigay ng 142 calories, 2.6 g na protina, 0.8 g fat, 34 g carbohydrate, 360 mg ng potassium, 22 mg Vitamin C at 420 IU Vitamin A!


            Puwede rin itong alternative sa mga taong ayaw ng citrus fruits. Dahil nga mayaman ito sa Vitamin C, makatutulong upang palakasin ang immune system ng isang tao. Nakatutulong din upang magkaroon ng resistensya laban sa mga bacteria at viruses.

            Mabuti rin ang prutas na ito sa digestive process ng tao dahil excellent source ito ng dietary fiber. Para sa mga nakararanas ng constipation, mabuti itong alternative kaysa sa ibang laxatives – mas malasa at mas masustansiya pa!

            Mayroon ding Vitamin A ang black sapote na siyang nakapagbibigay at nakapagpapanatili ng good eyesight. Nakatutulong din ang Vitamin A sa pagbuo sa immune system ng isang tao at “promotes cell growth.”



            Nagtataglay din ng potassium ang prutas na ito na siyang nakatutulong din sa muscle development, nakapagpapanatili ng fluid-electrolyte balance, at kumukontrol sa electrical activity ng puso. Sumusuporta rin ito sa normal na pag-function ng mga cells sa katawan, na siyang mag-iiwas sa tao sa pagkakaroon ng mataas na blood pressure, muscle loss at kidney problems.

            Dahil may calcium ang black sapote, nakatutulong ito upang patibayin ang mga buto at ngipin at nakapagpapanatili sa muscle contractions at blood clotting ng isang tao. May iron din ito na nakatutulong sa hemoglobin production ng katawan. Nagtataglay din ng phosphorus ang naturang prutas.


            Ang black sapote ay mayroon ding carotenoids at catechins na siyang nagre-release naman ng fats at tumutulong sa atay ng tao upang i-convert ang mga ito bilang energy. Sa madaling salita, makatutulong ito upang makapagpapayat ang isang tao.

            Ang mga antioxidants na tinataglay ng black sapote ay nakatutulong upang maprotektahan ang isang tao laban sa kanser, sakit sa puso, stroke, at sa iba pang sakit. Nakapagpapanatili din ito ng collagen at connective tissues sa katawan. Ini-enhance din nito ang absorption ng non-heme iron at “promotes wound healing.” Mataas din ang vitamin E content nito na siyang nagbibigay ng “potential protective role in the development of diseases associated with aging.”

Source: medindia.net

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Nakatikim ka na ba ng Sapote? Narito ang health Benefits ng Black Sapote o Black Persimmon
Nakatikim ka na ba ng Sapote? Narito ang health Benefits ng Black Sapote o Black Persimmon
https://1.bp.blogspot.com/-BJlW8P5TNo4/XuW2DHGNUZI/AAAAAAAAJQQ/u0n4MWt-ULAg2fwRwPVwzWrJ9WfpvainwCK4BGAsYHg/d/22.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-BJlW8P5TNo4/XuW2DHGNUZI/AAAAAAAAJQQ/u0n4MWt-ULAg2fwRwPVwzWrJ9WfpvainwCK4BGAsYHg/s72-c-d/22.jpg
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/06/nakatikim-ka-na-ba-ng-sapote-narito-ang.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/06/nakatikim-ka-na-ba-ng-sapote-narito-ang.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy