Nobyo hiling na sana raw ay ibalik na ang pag angkas sa motorsiklo.

Hindi naman biro ang kanilang hirap papasok dahil ang kanilang lalakbayin papasok at pauwi ay mula Cavite hanggang Makati City, Manila.

Larawan ay mula kay Dennis Tulabs

Para maiwasan ang tuloyang pagkalat at paglobo ng bilang ng kaso ng coronáv!rus, ipinatutupad ng Gobyerno ang social distancing. Kaya naman ang pag-angkas sa motorsiklo ay mahigpit na ipinagbabawal.

Kaya naman kanya-kanyang diskarte ang mga tao kung paaano sila makakapasok sa trabaho. Ang iba ay gumagamit ng bisikleta upang makarating sa pupuntahan.

Katulad na lamang ng mag nobyong ito na makikita sa larawan na ang babae ay naka sakay sa bisikleta at ang lalaki naman ay naka motor at itinutulak niya ang babaeng naka bisikleta.

Sa ibinahaging kwento ng Facebook page na “OBR Motovlogs”, dating magka-angkas sa motor ang isang magkasintahan papasok sa trabaho, ngunit dahil sa social distancing ay nagbibisikleta na lamang ang babae habang nakamotor ang kanyang nobyo.

Larawan ay mula kay Dennis Tulabs



Hindi naman biro ang kanilang hirap papasok dahil ang kanilang lalakbayin papasok at pauwi ay mula Cavite hanggang Makati City, Manila.

Ayon sa post ng lalaki, ayaw nilang lumabag sa ipinatutupad na social distancing dahil wala nman silang ipambabayad kung sakaling mahuli sila.

Subalit, kapag pagod na ang kanyang nobya sa pagpedal sa bisikleta ay wala siyang magawa kundi itulak.  Dahil dito ay hindi narin nasusunod ang social distancing at mas nalalagay pa sa piligro ang kanilang buhay.

Maswerte naman sila at hindi sila pinabayaan ng poong may kapal. Dahil sa loob ng dalawang buwan ay ganito ang ginagawa ng magkasintahan. Nagpapasalamat ang lalaki sa Diyos dahil walang masamang nangyayari sa kanila.

Dagdag ng lalaki, hindi niya pinayagang magcommute ang kanyang nobya dahil baka doon pa mahawa ng v!rus.

Hiling niya na sana raw ay ibalik na ang pag angkas sa motorsiklo.

Narito ang kanyang buong post:

"Start nung naglockdown ganito na set up namin para makapasok sa work, need namin magwork para mabuhay gaya ng iba...

Ayaw namin lumabag sa pagaangkas kasi wala rin naman kami pangtubos kahit na may nilalabag kami na anti-social distancing hindi ko maiwasan na hindi sya itulak pag pagod na sya hindi rin naman biro yung cavite-makati vice versa,ayoko sya magbike mag isa alam ko kung gano kadelikado ang mga kalye at kung anong mga klase ng drivers meron tayo at ayoko rin na magcommute sya dahil baka sa pagcocommute pa sya mahawa kaya kahit sobrang delikado ng ginagawa namin sumusugal kami..

Ginagawa ko ang lahat para proteksyunan sya,ako ang convoy nya sa left side para di sya magitgit ng iba,ako narin ang nagsisibing signal light sa likod,busina sa harap at headlight pag inabot na kami ng dilim ..

Kung papayagan yung magasawa sa angkas di rin kami pwede kasi Bf/Gf pa lang kami, sana payagan na yung magkaangkas kasi namimiss ko na sya isakay sa motor 🥺🥺,at alam kong pagod na sya pero kinakaya nya😫😭

salamat sa Dios sa loob ng 2months mahigit wala pa namang insidente na nalagay kmi sa alanganin, salamat sa mga nkakasabay namin sa daan na nakakaintindi, salamat din sa mga enforcer at pulis na hindi nagagalit o sumisita samin pag nakikita kami at nakakaintindi..

Ibalik nyo napo yung angkas sa motor please..

Simpleng hiling lang po 🙏🙏🙏( hindi po lahat ng Riders walangya )

#BoyfriendNaNagmamahal"




Source: OBR Motovlogs - Facebook

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Nobyo hiling na sana raw ay ibalik na ang pag angkas sa motorsiklo.
Nobyo hiling na sana raw ay ibalik na ang pag angkas sa motorsiklo.
Hindi naman biro ang kanilang hirap papasok dahil ang kanilang lalakbayin papasok at pauwi ay mula Cavite hanggang Makati City, Manila.
https://1.bp.blogspot.com/-65IDAApZLGQ/XtrddhGZhYI/AAAAAAAAIQ0/6wSZzq41BRkMaCMVB0gHOALW2UrEmYpJwCK4BGAsYHg/d/bf-gf.png
https://1.bp.blogspot.com/-65IDAApZLGQ/XtrddhGZhYI/AAAAAAAAIQ0/6wSZzq41BRkMaCMVB0gHOALW2UrEmYpJwCK4BGAsYHg/s72-c-d/bf-gf.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/06/nobyo-hiling-na-sana-raw-ay-ibalik-na.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/06/nobyo-hiling-na-sana-raw-ay-ibalik-na.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy