P50 kada buwan at 5 mbps fiber internet connection, handog ng Alkalde sa lahat ng bahay sa Gapan, Nueva Ecija

At dahil pa sa ipinangako ni Mayor Emeng na P50 kada buwan na 5 mbps Fiber optics internet connection, masasabi nga namang “he’s well-respected in the

Larawan ay mula sa Google

Dahil sa patuloy na paglaban ng Pilipinas sa epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), may ilan pa ring mga bayan ang naghihigpit ng kanilang mga quarantine procedures upang masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng bawat mamamayan.

At isa na nga rito ang bayan ng Gapan sa Nueva Ecija. Gumagawa rin ang lokal na pamahalaan nito, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Emerson “Emeng” Pascual, ng mga hakbangin upang masigurong maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Mula nga noong Marso kung kailan nagsimula ang enhanced community quarantine (ECQ) sa bansa ay nakapag-abot na ng tulong ang mga opisyal ng Gapan sa higit 34,000 household sa pamamagitan ng relief goods. Dagdag pa rito ang cash aids and assistance na naipamahagi na rin sa mga residente upang higit na makatulong sa kanila ngayong mayroong pandemya.

At dahil pa sa ipinangako ni Mayor Emeng na P50 kada buwan na 5 mbps Fiber optics internet connection, masasabi nga namang “he’s well-respected in the industry.”

 

“PAPURI AT REPUTASYON”

Umani ng papuri ang mga programang ginagawa ngayon sa Gapan dahil sa magandang pamumuno ni Mayor Emeng. Humanga rin ang ilang mga kapwa niya lider at ang mga netizens sa social media. Sa katunayan, marami ang nagpo-post ng “Sana all” dahil umaasa silang magkaroon din sana ng ganiyang tipo ng pinuno sa kani-kanilang lugar.

Naikumpara pa nga ang alkalde ng Gapan sa alkalde ng Pasig City na si Vico Sotto at sa Manila City Mayor na si Francisco “Isko Moreno” Domagoso – na parehong nagpakita ng kabutihan at kagalingan sa pamumuno sa kinakaharap na sitwasyon ngayon dahil sa COVID-19 pandemic.

Paano nga ba naghahanda ang Gapan City sakaling matapos na ang pandemya? Gaano na ba kahanda ang lungsod upang harapin ang sinasabi nilang “new normal?”

“PAGHAHANDA SA PAGHILOM”

Gaya ng ibang bayan, naghahanda na rin ang bayan ng Gapan sa “aftermath of the pandemic” – sa pagpapatupad ng “work-from-home” (WFH), pagsasagawa ng online teaching at e-learning systems, at ang iba pang pagbabago na kahaharapin sa pagdating ng “new normal.”

Ang “best thing” daw na inaasahan ngayon sa Gapan ay ang pagkakaroon ng “stable” na internet connection sa bawat kabahayan! Ayon kay Pascual, ang minimum speed na maaaring asahan ng isang kabahayan ay five megabytes per second (5 mbps).

Ang maganda pa raw rito, magbabayad lamang ang bawat tahanan ng P50 kada buwan para sa internet connection na ito! P50 kada buwan lamang daw ang babayaran upang matulungan ang mga manggagawa, mga estudyante, at ang lahat ng kanilang mamamayan na nangangailangan nito.

Ginagawa na raw ngayon ng Gapan City ang lahat upang masigurong makukuha nila ang lahat ng “resources” na kinakailangan nila “in order for the people living in the city to prosper.”

Dagdag pa rito, sinabi rin ng alkalde na may inilaan na raw na pondo ang city government upang ma-install ang fiber optics maging sa mga lugar “that are not easily accessible.” Sa kaniyang pahayag, “proud” na sinabi ni Mayor Emeng na lahat ng kabahayan at establisimyento ay magkakaroon na nga ng internet connection.

All houses will have internet connection in the city of Gapan.

“ISANG PANGANGAILANGAN”

Naniniwala raw kasi si Pascual na pangangailangan sa bawat tahanan ang magkaroon ng internet connection. Dahil na rin sa kasalukuyan, halos lahat na raw ng paaralan ay balak nang magsagawa ng e-learning at online learning systems and programs. Ang nakalulungkot daw kasi, 10 porsyento lamang ng mga kabahayan sa naturang lungsod ang mayroong “stable access” sa internet.

Pero sa pamamagitan daw ng P50 per month connection na ini-o-offer niya, tiyak na makatutulong ito sa karamihan.

Sinabi pa ng alkalde na magpapatupad daw ang Department of Education (DepEd) ng “mixed method of learning;” mangangailangan daw ito ng “heavy dependence” sa internet upang magkaroon ng “alternative learning” ang mga mag-aaral sa gitna ng krisis na kinakaharap ng bansa ngayon.

Layunin din daw nitong siguraduhin ang pagkakaroon ng “quality education” at ang kaligtasan ng mga estudyante. Hindi lang daw iyan dahil mayroon ding mga manggagawang inaatasan ng kani-kanilang kumpanya na magsagawa ng “work-from-home” (WFH) at sigurado raw makautulong sa kanila ang pinapanukalang internet connection.






Source: Inquirer.net

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: P50 kada buwan at 5 mbps fiber internet connection, handog ng Alkalde sa lahat ng bahay sa Gapan, Nueva Ecija
P50 kada buwan at 5 mbps fiber internet connection, handog ng Alkalde sa lahat ng bahay sa Gapan, Nueva Ecija
At dahil pa sa ipinangako ni Mayor Emeng na P50 kada buwan na 5 mbps Fiber optics internet connection, masasabi nga namang “he’s well-respected in the
https://1.bp.blogspot.com/-uvrL5zXlLbc/Xtwz_8VyJNI/AAAAAAAAIaY/CCzBWc-v2ZwVC4cxq8v8k3kptuXMJJE8QCK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B%252830%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-uvrL5zXlLbc/Xtwz_8VyJNI/AAAAAAAAIaY/CCzBWc-v2ZwVC4cxq8v8k3kptuXMJJE8QCK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%252830%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/06/p50-kada-buwan-at-5-mbps-fiber-internet.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/06/p50-kada-buwan-at-5-mbps-fiber-internet.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy