Pinaka kontrobersyal na ngyari sa buhay ng mga Barretto

Source:  Showbiz Philippines Kilala ang mga Barretto sa industriya ng showbiz dahil sa kanilang angking karisma at husay sa pag-arte. Subali...

Source: Showbiz Philippines

Kilala ang mga Barretto sa industriya ng showbiz dahil sa kanilang angking karisma at husay sa pag-arte. Subalit nakilala rin sila dahil sa dami ng mga kontrobersiyang kinasangkutan nila. Narito ang ilan sa mga ito:

Noong 2013 ay kumalat sa social media ang mga sensitive photos ni Marjorie Barretto, na itinanggi naman niya. Sabi niya, “No. That’s not me. I would never do something like that. That’s not my nature!” Umalma naman ang madla dahil malinaw nga naman ang kuha sa mga larawan at sinabing nagsisinungaling lamang ang aktres. Kalaunan, sa isang interview niya kay Boy Abunda ay inamin na rin ni Marjorie na siya nga ang nasa larawan. Nagawa niya lamang daw magsinungaling noong una upang protektahan ang sarili at ang kaniyang pamilyang nadadamay na.



Sunod naman ang isyu kay Gretchen Barretto na nagkaroon di-umano ng maraming lalaki kahit na karelasyon niya pa lamang ang partner niya noong si Tony Boy Cojuangco. Ang pinakamatunog na na-link sa kaniya ay ang aktor na si John Estrada matapos silang makuhanan ng litratong naghahalikan sa isang bar kasama ang kanilang mga kaibigan. Dahil dito’y napamalitang naghiwalay na raw sina Tony Boy at Gretchen. Taong 2008 nang unang masangkot si Gretchen sa pagkakaroon ng “affair” sa iba’t ibang lalaki. Taong 2010, dahil sa kaniyang mga “pahiwatig” at banat, na-link kay Derek Ramsay na boyfriend noon ni Angelica Panganiban. Subalit, kita naman sa kanilang mga larawan na masayang nagsasama sina Gretchen at Tony Boy sa kasalukuyan.




Noong 2013 naman ng magpasyang maghiwalay sina Claudine Barretto at Raymart Santiago; dahil dito ay nag-agawan sila ng kustodiya sa kanilang dalawang anak. Matapos nito’y nag-post ng mga larawan si Claudine na kung saan ay makikitang marami siyang pasa sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan. Sinabi niya na matagal na raw siyang “battered wife” at inilihim niya raw ito sa kaniyang mga kapamilya at kaibigan. Subalit hindi nakumbinse ang publiko dahil katatapos lamang ng isyu nila noon kay Mon Tulfo sa NAIA Terminal 3 at nakita raw nila na naka-shorts noon ang aktres at wala raw itong mga pasa. 




Maugong din ang isyu noon na hinarang umano ni Claudine ang pagpasok ng pamangkin niyang si Julia Barretto sa mundo ng showbiz. Taong 2013 unang ni-launch ng Star Magic si Julia at hindi raw ito nagustuhan ni Claudine. Matatandaang sa pareho ring taon, kinampihan ni Marjorie si Raymart sa isyu nilang mag-asawa. Taong 2014, sa panayam sa kaniya ni Abunda ay inamin ni Claudine na pinakagalit siya kay Marjorie dahil siya raw ang dahilan kung bakit sila nag-away ni Gretchen. Subalit itinanggi ni Claudine ang mga paratang sa kaniya tungkol kay Julia dahil aniya, itinuturing niyang mga anak ang kaniyang mga pamangkin.


Naging malaking isyu rin noon nang itinakwil umano si Gretchen ng kaniyang mga magulang na sina Estrella at Miguel Barretto, at ang pagbibigay umano ng kaniyang sariling ama ng mga death threats. Nagsimula ang lahat nang tumestigo si Gretchen laban kay Claudine sa alitan nila ni Raymart – gumagamit daw kasi si Claudine ng ipinagbabawal na gamot. Hindi pa rito natatapos ang isyu dahil nagalit umano ang mga magulang ng mga Barretto kay Gretchen dahil siya raw mismo ang nagpakalat ng balitang nais harangin ni Claudine ang pagpasok ni Julia sa Star Magic.

 
May isyu ring kumalat noon na nakipaghiwalay umano si Claudine sa ka-loveteam at kasintahan niya noong si Rico Yan dahil kay Raymart. Naging malapit daw kasi ang dalawa nang ipinakilala sila noon sa isa’t isa ni Dennis Padilla na karelasyon noon ni Marjorie. May mga nagsabi naman na si Rico raw ang nanloko noon kay Claudine at pinagsisihan niya raw ito. Nang tumangging makipag-ayos noon si Claudine ay si Raymart daw ang naging rebound niya. Hindi na raw natuloy ang pag-uusap nina Rico at Claudine dahil pumanaw na noong 2002 ang aktor. Dahil sa pagsisisi at depresyon, nalulong daw sa bisyo si Claudine at ito ang kanyang naging “escape” sa traumatic experience na naranasan niya dahil sa pagpanaw ni Rico. Sa huli, nagpasya sina Claudine at Raymart na ipa-annul ang kanilang kasal – naging “shoulder to lean on” man niya noon si Raymart ay hindi naman daw niya makalimutan ang pagkawala ni Rico sa kaniyang buhay. 


Naging isyu rin ang pagkakaroon ni Claudine ng mental health issues mula nang mamatay si Rico Yan. Matagal daw na itinanggi at hindi maamin ng aktres na nag-suffer siya physically at mentally nang mawala ang aktor. At noon ngang January 2018 ay inamin na ni Claudine at ng kaniyang ina kung ano ang kaniyang tunay na pinagdadaanan. Kumukonsulta raw siya sa isang psychiatrist. Komento rin ng kaniyang ina, huwag daw matakot magpakonsulta sa mga doktor ang mga taong nakararanas ng depresyon.


Taong 2008 nang maghiwalay sina Marjorie at Dennis Padilla. Nitong mga panahaong ito ay Caloocan City Councilor na si Marjorie at nasa politika na rin si Dennis. Hindi direktang inamin ni Marjorie ang naging dahilan ng hiwalayan nila sa panayam niya noon sa “The Buzz.” Subalit, umugong ang balita na nagsasama na raw sila ni Caloocan City Ex-Mayor Recom Echeverri, ngunit itinanggi ito ni Marjorie at sinabing “Black Propaganda” lamang ito laban sa dating alkalde. 


Sa pareho ring taon, naging usap-usapan na ang dahilan umano ng paghihiwalay nina Dennis at Marjorie ay dahil sa pagbubuntis umano nito na hindi si Dennis ang ama. Itinanggi niya rin na mayroon silang relasyon noon ni Echeverri. Sabi pa ni Marjorie, wala raw siyang karelasyon at wala siyang ipinagbubuntis. Subalit noong 2018 nang inamin ni Marjorie na itinago niya raw sa publiko ang bunso niyang anak na si Erich Barretto. Hindi pa rin sinagot ni Marjorie kung sino ang ama ng bata subalit nasagot ng publiko ang katanungan nang makitang dumalo sa birthday party ni Erich ang ex-mayor na si Echeverri. Itinuring na nga yatang “national issue” ang pagka-link ni Julia Barretto kay Gerald Anderson, ilang linggo matapos ang hiwalayan niya kay Joshua Garcia. Naging issue rin sa mga “JoshLia” fanatics ang pagpayag ni Julia na maging first on-screen kiss niya si Gerald imbes na si Joshua. Marami ang nam-bash sa dalagang aktres dahil hindi man lang daw niya binigyan ng respeto si Joshua bilang unang loveteam niya na nagpaangat sa kaniyang karera sa showbiz. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, dati na raw gusto ni Julia na si Gerald ang maging first on-screen kiss niya. Sa isang video sa kaniyang panayam noong 2015, nang tinanong kung sino ang gustong mahalikan ni Julia, ang sagot niya ay walang iba kundi si Gerald. Matapang namang inamin ni Julia na hindi si Gerald ang naging dahilan ng hiwalayan nila ni Joshua. “Mutual” daw ang naging desisyon nilang ito at alam daw nilang dalawa kung ano ang tunay na rason ng hiwalayan.




COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Pinaka kontrobersyal na ngyari sa buhay ng mga Barretto
Pinaka kontrobersyal na ngyari sa buhay ng mga Barretto
https://1.bp.blogspot.com/-hd9rCO0HKfA/XtzwmPKX0vI/AAAAAAAAIho/_6PlcXeZj4kWBFZCzJww5wjyZdguUAHIgCK4BGAsYHg/d/14.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-hd9rCO0HKfA/XtzwmPKX0vI/AAAAAAAAIho/_6PlcXeZj4kWBFZCzJww5wjyZdguUAHIgCK4BGAsYHg/s72-c-d/14.jpg
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/06/pinaka-kontrobersyal-na-ngyari-sa-buhay.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/06/pinaka-kontrobersyal-na-ngyari-sa-buhay.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy