Pinay nurse tumanggap ng milyon mula sa kanyang 'Billionaire' na pasyente

Source:  balay Hindi makapaniwala ang isang agency nurse nang makatanggap siya ng regalo na milyon ang halaga mula sa isa sa pinakamayamang ...

Source: balay


Hindi makapaniwala ang isang agency nurse nang makatanggap siya ng regalo na milyon ang halaga mula sa isa sa pinakamayamang babae sa mundo.

Nang nagtatrabaho sa ibang bansa ang Filipina nurse na si Hadassah Peri, hindi niya alam na siya ang magiging personal caregiver ng isang mayamang babae. 

Source: balay

Ang kanyang kliyente na si Huguette Clark ay ang bunsong anak ni Senator William Clark. Ang mabuting statesman ay kumikita mula sa copper mines.

Minsan na rin siyang pumantay kay John Rockefeller bilang “richest man in the United States.” 

Source: balay

Nang pumanaw si Clark, awtomatikong namana ng anak niyang si Huguette, na noon ay 18 taong gulang, ang kanyang mga ari-arian.

Matapos ang panandaliang panahon na may buhay-asawa sa law student na si William Gower, anak ng kasamahan ng kanyang ama, hindi na siya nagpakita sa ibang tao at hindi na siya nalitratuhan simula noong taong 1928. 

Source: balay

Hindi na muling nag-asawa si Huguette at hindi rin siya nagkaroon ng anak. Namuhay na siya ng mag-isa at malayo mula sa iba.

Sa mga huling bahagi ng 80s, pinili niyang manatili sa isang hospital care facility kaysa sa kanyang mga luxurious apartments. At sa panahong ito, naging nurse na niya si Hadassah.

May maliit na pagkakatulad sina Huguette at Hadassah, ngunit pareho silang may matibay na “Catholic upbringing.” Bilang nurse, inaalagaan ni Hadassah si Huguette, 12 oras araw-araw. 

Source: balay

Makalipas ang ilang panahon, ang dalawa ay naging magkaibigan, at dito na nga nagsimula ang pagbibigay ni Huguette sa nurse ng mga mamahaling regalo.

Ilan lamang sa mga ibinigay na regalo ay ang pitong bahay, Bentley car, Cezanne painting, at antigong violin. Si Huguette rin ang nagbayad ng medical bills at tuition fees ng pamilya ni Hadassah.

Nang sumakabilang buhay si Huguette noong taong 2011, si Hadassah ay nakatanggap ng milyon-milyong halaga ng regalo.

Inalagaan ng nurse ang heiress sa loob ng 20 taon. Dagdag pa rito, sa will ni Huguette ay binigyan pa niya si Hadassah ng mahigit P500 milyon. 

Source: balay

Sa kasamaang palad, nagalit dito ang mga kamag-anak ng heiress, na ang karamihan ay hindi naman niya nakilala noong siya’y nabubuhay pa. Sinimulan nila ang isang “massive legal battle” upang ma-invalidate ang will, at para na rin paghati-hatian na nila ang mga naiwang mana.

Inihayag na nga ng korte ang desisyon noong September 2014.

Kailangang isuko ni Hadassah ang cash na nakapangalan sa kanya, at dapat umano siyang magbayad ng tinatayang “183 million worth of gifts” sa mga kamag-anak ni Huguette. Ang iba rito’y maaari na niyang maangkin. Marami pa ring namamangha sa kuwentong ito kahit na matagal na itong naganap. Tila isang kuwentong mababasa lamang sa mga libro, na nangyari rin pala sa totoong buhay.


 



Source: balay

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Pinay nurse tumanggap ng milyon mula sa kanyang 'Billionaire' na pasyente
Pinay nurse tumanggap ng milyon mula sa kanyang 'Billionaire' na pasyente
https://1.bp.blogspot.com/--53CFfE02Sk/XtUVfM-MfxI/AAAAAAAAHxc/eBESR3Ny6w8fHEeRF2DSpOEl5ZeTsomOQCK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-06-01T104901.202.png
https://1.bp.blogspot.com/--53CFfE02Sk/XtUVfM-MfxI/AAAAAAAAHxc/eBESR3Ny6w8fHEeRF2DSpOEl5ZeTsomOQCK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-06-01T104901.202.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/06/pinay-nurse-tumanggap-ng-milyon-mula-sa.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/06/pinay-nurse-tumanggap-ng-milyon-mula-sa.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy