Source: Mary Cuer Nobleza / Facebook Kasalukuyan pa rin nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ang ibang parte ng bansa. Matata...
![]() |
Source: Mary Cuer Nobleza / Facebook |
Kasalukuyan pa rin nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ang ibang parte ng bansa. Matatandaang inanunsyo ng DTI na maaaring ireklamo sakanila ang mga nagpapa upa ng bahay na sapilitang naniningil ng renta sa gitna ng lockdown. Ito ay para matulungan ang mga kababayan nating walang income habang naka lockdown ang ibang lugar.
Ngunit tila hindi ito ang nangyayari, maraming nagkalat ng video ngayon sa social media kung saan ang ilan sa mga nagrerenta ng bahay ay pinapaalis o pinapalayas kapag hindi nakapag bayad ng renta. Lalo pa at limitado parin ang byahe ng mga sasakyan, malaking perwisyo ang mawalan ng tirahan sa ganitong panahon.
Viral ngayon sa social media ang video ng isang pulis na nagpaparenta ng bahay na tila kaalitan ang mga nagrerenta. Ayon sa post ni Mary Cuer Nobleza, pinalayas sila sa kanilang nirerentahan sa Barangay 145, Pasay city noong April 12. Pilit raw silang pinaalis noon kahit naka lockdown pa ang buong metro manila. Kaunti lang daw ang nadala nilang gamit noon dahil walang masakyan at kinailangan pa nilang lakarin mula Pasay hanggang Antipolo.
Binalikan nila ang mga natirang gamit ngunit tinapon na daw ang mga hindi mapakinabangan at itinago ang iba. Ibibigay daw ang kanilang mga gamit pag binayaran nila ang dalawang buwan na bayad sa renta.
Maririnig sa video ang pulis na sinasabing binastos daw ang kanyang anak. Banta pa niya, anim daw ang kanyang paupahan at marami siyang kamag-anak doon. At kung gusto raw nila ng gulo ay pwede niya silang tawagin lahat.
Makikita rin sa video na nakauniporme pa ang pulis at bumunot ito ng baril habang nakikipag talo.
"Kung gusto niyo ng patayan, sila lang patay na kayong gago kayo. Hoy mga gag0 anim ang bahay rito hindi lang ito. So marami akong kamag-anak, isang utos ko lang kuyog na kayo" sabi ng pulis.
"Dati na akong gago bago ako maging pulis kaya kayang-kaya ko kayo sabayan" dagdag pa niya.
Panoorin ang video dito.
Anong masasabi niyo sa kwentong ito?
Source: Mary Cuer Nobleza / Facebook
COMMENTS