Sanggol na isinilang ng walang mga kamay at paa dahil sa "Genetic disorder", ikinagulat ng pamilya at mga doktor

Source:  dailymail.co.uk Isang sanggol na babae na ipinanganak na walang mga braso at binti dahil sa “rare genetic disorder” ang nagdulot ng...

Source: dailymail.co.uk

Isang sanggol na babae na ipinanganak na walang mga braso at binti dahil sa “rare genetic disorder” ang nagdulot ng kalituhan sa mga doktor at sa kaniyang pamilya sa India.

           Ang isang babae, na ayon sa mga local media report ay 28 taong gulang, ay nanganak sa Sakla village ng Sironj Tehsil sa Vidisha district noong Hunyo 26.

           Ayon sa mga ulat, ipinanganak daw ang sanggol na may “autosomal recessive congenital disorder” na tinatawag na “Tetra-Amelia Syndrome” na kung saan walang mga binti at braso ang mga taong mayroong ganitong kondisyon.

           Sa isang video footage, makikita ang isang babaeng hawak ang naturang sanggol na walang mga braso at binti na nakabalot sa isang blanket.

           Ayon naman kay Dr. Suresh Aggarwal, isang pediatrician sa Rajiv Gandhi Smriti Hospital sa Sironj, malusog naman daw ang sanggol.

           Iminungkahi rin ng mga doktor na susuriin pang mabuti ang sanggol upang matiyak na ang kaniyang mga “internal organs have developed properly.”

           Ang “Tetra-Amelia Syndrome” ay isang genetic disorder na sanhi ng mutations sa WNT3 gene at “extremely rare.”

           Ayon sa Bhopal CMHO at sa pediatrician ding si Dr. Prabhakar Tiwari, nakaaapekto lamang ang naturang kondisyon sa isa sa 100,000 mga bagong panganak. Ayon pa sa kaniya, una raw siyang nakaranas ng ganitong kaso sa kaniyang career bilang isang doktor.

           Sa isa namang 2011 study ni Dr. Eva Bermejo – Sanchez ng Research Centre on Congenital Anomalies (CIAC) sa Instituto de Salud Carlos III sa Spain, ipinapakita nito na nangyayari ang ganitong kondisyon sa isa sa kada 71,000 na pagbubuntis.

           Sa mga nakalipas na taon, mayroon na ring mga ganitong kasong naitala sa iba’t ibang panig ng mundo. Tulad na lamang ni RJ Wilson mula sa Florence, South Carolina.


           Limang buwang buntis daw noon ang kaniyang inang si Jasmine Self nang malaman nila sa pamamagitan ng ultrasound scan na hindi nagde-developed ang kaniyang mga braso at binti.

           Matapos payuhang hindi na ituloy ang pagbubuntis, nagdesisyon sina Self at ang boyfriend nitong si Rondell Wilson na hindi i-give up ang kanilang anak.

           Isa ring inspirasyon sa naturang kaso si Nicholas James Vujicic na ipinanganak noong 1982. Isa siyang Australian na kilala ngayon bilang isang speaker at manunulat ng maraming libro. Sa katunayan ay mayroon na siyang asawa at apat na anak.

           Nakapaglakbay na rin si Vujicic sa higit 44 na mga bansa “to advocate positivity and motivation despite his circumstances.” Naghahandog din siya ng mga paggabay at ibinabahagi pa ang kaniyang kuwento sa mga estudyante, sa mga inmates at ilan pang community groups.

           Sa kaniyang panayam sa “60 Minutes” nitong nakaraang taon kasama ang kaniyang asawa na si Kanae, ibinunyag niyang madalas siyang ma-bully noon at sa edad na 10 ay tinangka niyang kitilin ang sarili niyang buhay.

COMMENTS

Name

Entertainment,616,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,29,News,406,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,47,
ltr
item
Furry Category: Sanggol na isinilang ng walang mga kamay at paa dahil sa "Genetic disorder", ikinagulat ng pamilya at mga doktor
Sanggol na isinilang ng walang mga kamay at paa dahil sa "Genetic disorder", ikinagulat ng pamilya at mga doktor
https://1.bp.blogspot.com/-iP4Vc52XOkQ/Xvfpfv4i05I/AAAAAAAALs8/OLafqY-hznsR_aR2FOJyYDuLUlfovHDiACK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-06-27T204950.844.png
https://1.bp.blogspot.com/-iP4Vc52XOkQ/Xvfpfv4i05I/AAAAAAAALs8/OLafqY-hznsR_aR2FOJyYDuLUlfovHDiACK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-06-27T204950.844.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/06/sanggol-na-isinilang-ng-walang-mga.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/06/sanggol-na-isinilang-ng-walang-mga.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy