Seaman, ibinahagi ang pagkadismaya sa kanyang Girlfriend na nabuntis ng ibang lalaki habang siya ay nasa barko

Source:  Kien Morales Cartagena Hindi biro ang maging seaman at alam nating hindi madaling trabaho ito, dahil sa ito ay pisikal na trabaho a...

Source: Kien Morales Cartagena

Hindi biro ang maging seaman at alam nating hindi madaling trabaho ito, dahil sa ito ay pisikal na trabaho at kailangan ding tiisin ang lungkot at lumbay dahil malalayo ka sa iyong pamilya, kaibigan o maging kasintahan.

Nandiyan ang sakripisyong malayo ka sa mga mahal sa buhay lalo na sa mga espesyal na araw o okasyon at idagdag mo pa ang hirap ng sitwasyon na walang magaalaga sayo kapag nagkasakit ka. Hindi rin madali ang magtrabaho sa barko lalo na pag hindi ka sanay sa tubig dagat.

Kaya naman marami sa mga kabataang nagtatapos ng seaman lalo na sa may mga kasintahan ang kailangang pagdaanan ang Long Distance Relationship o LDR.

Para sa dalawang magkarelasyon na hindi sanay magkalayo, hindi sapat ang salitang pagmamahal lang kundi tiwala ang isa sa mga pinaka-importanteng bagay na dapat mayroon sa isang matibay na relasyon.

Ngunit tila pinaglaruan ng tandahan ang isang seaman na pinangalanang Kien Morales Cartagena ang nag-share sa social media ng kanyang masaklap karanasan sa kanyang kasintahan habang siya ay nagtatrabaho sa barko.

Sa kanyang Facebook post, ipinakita nito ang screenshot convo nila ng kanyang dating nobya kung saan ay ipinaalam ng babae na siya ay buntis sa ibang lalaki at ngayon ay boyfriend na niya.

Makikita rin sa mensahe ng dating nobya na nakikiusap ito kay Kien na kung pwede ay huwag nalang niyang hanapin at kausapin ang lalaking nakabuntis sa kanya upang maiwasan na magkaroon pa ng malaking away.


Sa sobrang dismaya ni Kien, napapost nalang siya sa Facebook para maibsan ang nararamdaman.

"Just wow. Yung ganitong uri ng babae. Na habang ako'y nasa barko at umaasa naman pala sa wala. Habang pala nagtrabaho ako, siya naman nag patrabaho sa iba. Just wow. Petmalu ka girl. i-tag sana kita kaso naka block na pala ako. hahaha Pero ok lang masaya kana eh sa mga panloloko mo sa akin. Kung nakipag-usap ka lang sana sa akin ng formal hindi na hahantong sa ganito kaso wala eh. Nakakab4stos ka. Di mo alam ang nararamdaman ko habang di ka makausap, pero salamat. Sana wag pamarisan ang tulad mong babae. Wag kang mag alala. Wala ako time mag-chat sa bf mo, sayang ang oras ko. Anyway goodluck sa buhay mo. Pinatunayan mo lang SEAMAN na talaga niloloko ngayon." 


Anong masasabi niyo sa kuwentong ito?

Source: Kien Morales Cartagena

COMMENTS

Name

Entertainment,616,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,29,News,406,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,47,
ltr
item
Furry Category: Seaman, ibinahagi ang pagkadismaya sa kanyang Girlfriend na nabuntis ng ibang lalaki habang siya ay nasa barko
Seaman, ibinahagi ang pagkadismaya sa kanyang Girlfriend na nabuntis ng ibang lalaki habang siya ay nasa barko
https://1.bp.blogspot.com/-WXRg9oUX970/Xu0Y9siWVYI/AAAAAAAAKKU/s33dQf2LbIMQapb23XcB-4fNjPaYA_zfQCK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-06-19T155814.702.png
https://1.bp.blogspot.com/-WXRg9oUX970/Xu0Y9siWVYI/AAAAAAAAKKU/s33dQf2LbIMQapb23XcB-4fNjPaYA_zfQCK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-06-19T155814.702.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/06/seaman-ibinahagi-ang-pagkadismaya-sa.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/06/seaman-ibinahagi-ang-pagkadismaya-sa.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy