Security guard nagsilbing guro ng mga batang paslit sa gitna ng lockdown

Screengrab from Mission Possible video. Naging guro ng mga street children ngayong lockdown ang Manila security guard na si Rene Abelita. ...

Screengrab from Mission Possible video.


Naging guro ng mga street children ngayong lockdown ang Manila security guard na si Rene Abelita.

Malapit sa Arellano University ang pinagtatrabahuan niyang Palawan Pawnshop, at dito nga siya nakitang nagtuturo ng mga batang lansangan kung paano sumulat at bumasa.

Ipinost ng netizen na si John Robert Flores ang nakuhanan niyang mga larawan ng ginawang pagtuturo ng security guard sa mga bata noong Mayo 27, 2020. Naging viral ang nasabing post at hinangaan ng iba pang netizens. 

Screengrab from Mission Possible video.

Sabi ni Flores, tuwing dumadaan siya ay nakikita niya ang parehong guard na tinuturuan ang iba’t ibang mga bata sa iba-ibang araw.

Banggit ni Flores sa kanyang post, “Nakakaproud lang kasi kahit di nya kaano-ano, but still tinuruan nya parin kasi may busilak siyang puso. I salute you Kuyang SG, sana patuloy ka parin bigyan ng blessings ni Lord dahil sa mabuting at busilak kang puso para matulungan ang batang yan.” 

Source: Rene Abelita posted by John Robert Flores on Facebook.

Ang FB user namang si Ma Lou ay nag-post tungkol sa kabaitan ng security guard: “mabait po talaga sya at magalang pa, palabati pa at palangiti…”

Komento naman ni Donna Azucena Alimon, “Renz Abelita NASA dugo tlg mo Ang matulongin at maawain… at Isa pa Ang pinaka mahalaga don Yung pusong mapagmahal.. Salute tlg AQ don.”

Sa isang interview ni Julius Babao sa Mission Possible Facebook page, sinabi ni Abelita na nagpasya siyang tulungan ang mga batang nakikita niyang nagdaraan sa kalye, na posibleng “out-of-school” dahil sa pandemya, o kaya’y hindi kaya ng kanilang pamilya na pag-aralin sila sa paaralan. Dahil sa kabutihang ipinakita, nakatanggap naman si Abelita ng reward mula sa Mission Possible ng dalawang sakong bigas, “stack of fresh eggs”, “a pack of hygiene essentials” at “coverage” para sa renewal ng kanyang guard’s license.

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Security guard nagsilbing guro ng mga batang paslit sa gitna ng lockdown
Security guard nagsilbing guro ng mga batang paslit sa gitna ng lockdown
https://1.bp.blogspot.com/-9r4JgKfa7l0/XuWyEI2Rq9I/AAAAAAAAJPQ/8GGdmq-X-NYp6vs5Qwp0PFtR_K7n9jf-QCK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-06-14T011316.360.png
https://1.bp.blogspot.com/-9r4JgKfa7l0/XuWyEI2Rq9I/AAAAAAAAJPQ/8GGdmq-X-NYp6vs5Qwp0PFtR_K7n9jf-QCK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-06-14T011316.360.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/06/security-guard-nagsilbing-guro-ng-mga.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/06/security-guard-nagsilbing-guro-ng-mga.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy