'Sim-swap' Bagong Modus na kumukuha ng Online Bank Account details ng Biktima.

Naisakatuparan na ng scammer na ilipat ang kanyang bank details sa isang online payment channel, at umabot sa P100,000 ang na-withdraw sa bank account

Mga larawan ay mula sa thedailysentry.net at Google


Sa panahon ngayon ng krisis, marami ang nawalan ng hanap-buhay. Ang iba’y nawalan ng trabaho at ang ilan naman ay nawalan ng pangkabuhayan na siya sanang tutustos sa mga gastusin ng pamilya.

At dahil nga rito, marami na ang desperadong kumita kaya naman ang iba ay hinarap na ang masamang gawain. Dahil mas marami na ang ginagawang transaksyon online, talamak ngayon ang mga scammer o budol-budol.

Patunay rito ang isang telco user, na nabiktima ng isang representante umano ng isang telecom company na nag-alok sa kanya na i-upgrade ang kanyang sim, at saka ninakawan ng P100,000 ang kanyang bank account matapos makuha ang kanyang account details sa bangko.

Larawan ay mula sa thedailysentry.net


Ayon sa ulat ng TV Patrol, isinalaysay ng netizen na si alyas “Cassie” noong Hunyo 12 nang makatanggap siya ng bisita sa kanyang condominium unit bandang alas-sais ng gabi sa Quezon City.

Ang bisita ay nagpakilala bilang isang maintenance staff umano ng Globe Telecoms. Nag-aalok din siya ng kanilang bagong produkto na 5G sim card kay Cassie.

Dahil sa magandang offer ng umanong Globe representative, hindi na nagdalawang-isip si Cassie dahil noong araw ring iyon ay naputol ang kanyang internet na pino-provide rin ng naturang kumpanya.

Salaysay ni Cassie base sa ipinaliwanag ng Globe representative sa kanya, “By the way, kaya kami nag-iikot kasi to test out itong bagong launch namin na sim card, tapos since registered po kayo sa app namin, privileged po kayo na i-try out ko daw.”

Nakauniporme rin daw ito ng pang-Globe representative at may nakakabit pang nameplate ang staff.

Kailangan umanong ibigay ni Cassie ang kanyang sim para asikasuhin ng staff ang pag-upgrade. Agad naman niya itong ibinigay sa naturang representative at saka na ito umalis tangay ang kanyang old sim.

Kuwento pa ng biktima sa programang “Lingkod Kapamilya” ng Teleradyo, “Ang guards hindi po sila nagdududa. So [pagkakuha ko ng sim] sabi niya ite-test out [kaya ang sagot ko] ‘Ah okay ‘yong number ko ba hindi mapapalitan?’ Tapos sabi niya ‘Ma’am hindi’. [I-a-upgrade] lang po [‘yong sim] ‘yan parang trial po ‘yan kapag binigay niyo po ‘yong sim ma-a-activate namin.”

Ibinigay umano ng suspek kay Cassie ang bagong sim at kinuha ang kanyang lumang sim at saka umalis. Hindi na siya binalikan pa ng suspek matapos ang 15 hanggang 30 minuto.

Nagtaka at kinabahan si Cassie dahil makalipas ang ilang minuto ay hindi pa rin gumagana ang bagong sim. Tumawag siya sa binigay na number ng suspek at sinabi niyang hindi pa rin ito activated. Sagot ng suspek, “Ma’am malapit na, eto na, inaayos na namin.”

Makalipas ang ilang minuto, nakatanggap ng e-mail ang biktima na may sumusubok umanong buksan ang kanyang bank account kaya naman ay dali-dali siyang tumawag sa kanyang bank provider.

Ngunit, sa sobrang tagal umanong sumagot ng bangko ay naisakatuparan na ng scammer na ilipat ang kanyang bank details sa isang online payment channel, at umabot sa P100,000 ang na-withdraw sa bank account ni Cassie.

Sabi ni Cassie, “Kasi si Yahoo! po mayroon kayong option to sign in using a password or sign in using an account key… It’s either phone number or an alternate e-mail magse-send po sila ng verification code. So na-access ko pa and Xiaomi yung device so alam ko na hindi naman akin to wala naman akong ganyang phone so yes na-access niya.”

Ito raw ay tinatawag na “sim-swap” modus, ayon kay NBI Cybercrime Division Chief Vic Lorenzo.

“[Dito] online lang nade-deactivate ‘yong sim mo tapos nada-divert nila to another sim ‘yong account details mo sa telepono.”

Maaari raw matugunan ng scammer ang hakbang ng bangko sa pagprotekta ng detalye ng kanilang user.

Sa paggamit ng online banking transaction, kinakailangan munang ilagay ang “one-time pin (OTP)” na nakukuha sa pamamagitan ng text message, bago maikasa ang babayaran.

Ani pa ni Lorenzo, “Kung mayroong bagong modus, direct responsibility ng bangko ‘yan to warn the public. Hindi naman natin alam nag-e-evolve ang mga modus pero sila immediately nakikita nila kasi may mga reporting mechanism sila. Sinasabi namin sa bangko ‘yong pattern na nagkakaroon ng sunod-sunod na withdrawal dapat nag-trigger ng alert sa kanila ‘yan.”

Ayon naman sa Philippine National Police, kung dati ay sa paraang vishing (voice o VoIP phishing) at identity theft ito ginagawa, ngayon ay humaharap na mismo sa biktima ang suspek, tulad ng kaso ni Cassie.

Paliwanag ni Police Lt. Janice Natial, assistant spokesperson ng PNP Anti-Cybercrime Group, “First time ito sa amin, dahil dati, ginagawa ito ay through vishing kung saan tinatawagan po ang ating victim through telephone para makuha ang kanyang details… sasabihin niya na nawala niya ang sim card niya at papa-deactivate na lang magpapa-issue ng ibang sim card pero the same number ni victim. Since na sa kanya na ang open na sim, ‘yong mga one-time pin makukuha niya.”

Samantala, nagpaalala na rin ang Globe Telecom na maging alisto kontra sa mga taong nagsasagawa ng modus.

Sa kanilang Facebook page ay sinabi nilang, “Globe will never ask you for personal information or to surrender your SIM. This may lead to unauthorized access to services linked to your mobile number. These may include verification or security protocols for bank accounts, money transfers and other related transactions.”


COMMENTS

Name

Entertainment,616,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,29,News,406,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,47,
ltr
item
Furry Category: 'Sim-swap' Bagong Modus na kumukuha ng Online Bank Account details ng Biktima.
'Sim-swap' Bagong Modus na kumukuha ng Online Bank Account details ng Biktima.
Naisakatuparan na ng scammer na ilipat ang kanyang bank details sa isang online payment channel, at umabot sa P100,000 ang na-withdraw sa bank account
https://1.bp.blogspot.com/-I_7Osu0wfMM/Xu_tiW7MQBI/AAAAAAAAKg4/iq2HR349KjYclDFhfck-CMVgBf_U7JuvACK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B%252821%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-I_7Osu0wfMM/Xu_tiW7MQBI/AAAAAAAAKg4/iq2HR349KjYclDFhfck-CMVgBf_U7JuvACK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%252821%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/06/sim-swap-bagong-modus-na-kumukuha-ng.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/06/sim-swap-bagong-modus-na-kumukuha-ng.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy