Video ng graduation rites ng mga estudyante viral ngayon. Pinagpapasa-pasahan kasi ang mask na gamit ng mga mag-aaral

Source:  Yun oh  / Facebook Dahil sa pagkakaroon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, naudlot ang ilang mga aktibidad dahil ipin...

Source: Yun oh / Facebook

Dahil sa pagkakaroon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, naudlot ang ilang mga aktibidad dahil ipinagbabawal ang pagkakaroon ng mass gatherings, gaya na lamang ng pagkakaroon ng moving up o graduation rites ng mga estudyante.

Upang mapagaan ang loob ng mga estudyanteng hindi nakapagmartsa sa isa sa pinakamasasayang araw sana ng kanilang buhay, dinala ng ilang paaralan ang kaganapang ito sa kani-kanilang mga tahanan.

Paano kung imbes na mapagaan ang loob ng mga estudyante ay biglang mapasama ang kanilang kalusugan dahil sa pagsusuot lamang sa kanila ng iisang face mask habang kinukuhanan sila ng litrato sa kanilang graduation rites “at home”?

Iyan kasi ang nangyari sa isang video na viral ngayon online dahil sa pinagamit lamang ng guro ng iisang face mask ang tatlong estudyanteng nagkaroon ng graduation rites sa kanilang tahanan.


Source: Yun oh / Facebook

Sa Facebook post ng isang page na may pangalang “Yun oh,” mapapanood sa one-minute and 30-second video kung paano isuot ng isang babae ang iisang face mask sa tatlong bata sa kanilang lugar.

Makikita kasing susuotan ng babae ng facemask ang isang bata, saka sila kukuhanan ng litrato. Matapos nito ay aalisin sa bata ang facemask at kukuhanan naman siya ng litratong hindi nakasuot nito. Aalis ang naunang bata sa harap ng “background” nilang tarpaulin na hawak-hawak ng dalawang tao sa magkabilang gilid.

Source: Yun oh / Facebook


Sunod naman tatayo rito ang susunod na bata. Nagulat ang mga netizens nang ipasuot din sa kaniya ng babae ang parehong mask na ipinasuot niya sa naunang bata. Kukuhanan ng litrato at aalisin ito, saka kukuhanan na naman siya ng litrato. Naulit ang ganitong pangyayari sa susunod na bata na pareho ring facemask ang ipinasuot.

Nagalit naman ang mga netizens dahil sa video na ito.


Ani ng isang netizen, “Hala, seryoso ka sa pinaggagawa mo Madam? Para lang masabing may graduation rites na naganap. Tapos for pictorial purposes lang ‘yong mask mo at hindi para sa safety ng mga estudyante mo. Kakagigil ka.”

Sabi naman ng isa, mas mabuti na lamang daw na hindi pinagsuot ng face mask ang mga bata kaysa naman daw sa naka-mask nga raw sila subalit para naman sa lahat ang iisang face mask na ito.

“This teacher is not using her common sense and putting the lives of these innocent children in danger. Department of Health, Department of Education, and the National Government please look at this matter. No children should be in the hands of this kind of irresponsibility,” turan naman ng isa pang netizen.

Sa ngayon ay umani na ang naturang post ng higit 20,000 comments, at higit 47,000 reacts: higit 26,000 angry; higit 9,400 sad; halos 9,200 “Haha”; 2,200 likes; 1,100 “Wow”; 41 hearts at 40 “Care.”

Source: Yun oh / Facebook

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Video ng graduation rites ng mga estudyante viral ngayon. Pinagpapasa-pasahan kasi ang mask na gamit ng mga mag-aaral
Video ng graduation rites ng mga estudyante viral ngayon. Pinagpapasa-pasahan kasi ang mask na gamit ng mga mag-aaral
https://1.bp.blogspot.com/-l5ChfLyzNeo/Xuh7EG2NTpI/AAAAAAAAJm0/2lvuUgKM0l4pvyr8ypEchpbI_xqrUcvawCK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-06-16T035541.859.png
https://1.bp.blogspot.com/-l5ChfLyzNeo/Xuh7EG2NTpI/AAAAAAAAJm0/2lvuUgKM0l4pvyr8ypEchpbI_xqrUcvawCK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-06-16T035541.859.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/06/video-ng-graduation-rites-ng-mga.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/06/video-ng-graduation-rites-ng-mga.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy