53-anyos na Lakaking pedicab driver, Arestado matapos mahuling nagnakaw ng 2 luncheon meat sa isang grocery store

Source: ABS-CBN News / Facebook Timbog ang isang shoplifter matapos mahuli sa aktong nagnakaw umano ng dalawang lata ng luncheon meat sa isa...

Source: ABS-CBN News / Facebook

Timbog ang isang shoplifter matapos mahuli sa aktong nagnakaw umano ng dalawang lata ng luncheon meat sa isang grocery sa Paco, Maynila noong Biyernes ng tanghali.

Napag-alamang isang pedicab driver ang suspek na 53-anyos na lalaki na taga-Balagtas, Bulacan. Nagnakaw umano siya ng dalawang lata ng Spam luncheon meat na nagkakahalaga ng P381 at siya ay nahuli ng mga security officers ng Super 8 Retail Systems Inc.

Ayon sa pahayag ng mga pulis, miyembro rin daw ng sindikato ang pedicab driver. Kasalukuyan naman itong nakapiit sa Paco Police Community Precinct, Manila Police District (MPD).

Sumailalim na rin sa medical check-up ang suspek bago ito inihatid sa Ermita Police Station. Kasalukuyan siyang nakapiit dahil sa kinakaharap na kasong kriminal dahil sa shoplifting.

Inihahanda na ang kasong isasampa sa pedicab driver na ihahain sa Manila City’s Prosecutor Office.

           Samantala, marami sa mga netizens ang hindi napigilang maawa at nakisimpatya sa pedicab driver, lalo na sa krisis na kinahaharap ng mga tao dahil sa pandemya.

I know mali ang ginawa mo sa mata ng batas but I will choose to understand your reasons behind why you had to do what you did. Hindi kita huhusgahan. Sana may mabuting loob na tutulong sa kaso mo kuya. In this difficult time, stay strong po.”

Dagdag pa ng isa, naranasan na rin daw niya ang magutom sa hirap ng buhay pero hindi niya nagawang magnakaw. Hiling niya na hindi na lang sana kinulong ang pedicab driver; bagkus ay kahit pinag-community service na lamang o kaya ay pinagtrabaho ng isang araw at sinahuran.

Sa panahon ngayon, marami ang nawalan ng trabaho at ng pangkabuhayan. Isa na dito ang mga nasa sektor ng transportasyon. Ang drayber ng jeepney, bus, tricycle, maging ang mga pedicab driver ay umaasa lamang sa kinikita nila sa pamamasada. Ngayon, karamihan sa kanila ay namamalimos na lamang para may maiuwing pagkain para sa kani-kanilang pamilya.

Dati, tayo ang pumapara sa kanila upang tayo ay makasakay. Ngayon, sila ang pumapara sa atin; hindi para sumakay, kung hindi ay para humingi ng tulong.

Source: ABS-CBN News / Facebook

COMMENTS

Name

Entertainment,616,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,29,News,406,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,47,
ltr
item
Furry Category: 53-anyos na Lakaking pedicab driver, Arestado matapos mahuling nagnakaw ng 2 luncheon meat sa isang grocery store
53-anyos na Lakaking pedicab driver, Arestado matapos mahuling nagnakaw ng 2 luncheon meat sa isang grocery store
https://1.bp.blogspot.com/-Kl7rIbOQqEw/XwKkc37nbZI/AAAAAAAANGM/SLPXQaY0DEgZQMUpjDEmNdvHwVi5PtICQCK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-07-06T001111.237.png
https://1.bp.blogspot.com/-Kl7rIbOQqEw/XwKkc37nbZI/AAAAAAAANGM/SLPXQaY0DEgZQMUpjDEmNdvHwVi5PtICQCK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-07-06T001111.237.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/07/53-anyos-na-lakaking-pedicab-driver.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/07/53-anyos-na-lakaking-pedicab-driver.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy