Babaeng apat na taon nang nawawala, natagpuang wala ng buhay sa Septic Tank

Karumal-dumal ang sinapit ng isang ina sa kamay mismo ng kanyang sariling anak at nobyo nito matapos siyang martilyuhin at pagsasáks@kin hanggang mam@

Larawan ay mula sa Hanep TV - Facebook Page


Karumal-dumal ang sinapit ng isang ina sa kamay mismo ng kanyang sariling anak at nobyo nito matapos siyang martilyuhin at pagsasáks@kin hanggang mam@tay. Apat na taon pa ang lumipas bago matagpuan ang kanyang katawan na nakalib¡ng sa septic tank.

Nang hukayin ng Dasmariñas, Cavite Police ang poso negro sa isang bahay, tumambad sa kanila ang bang kay ng babaeng apat na taon nang nawawala. Kinilala ang babae bilang si Maria Evelyn Sayos, 54 taong gulang.
Larawan ay mula sa Hanep TV - Facebook Page

Taong 2016 nang mawala ang biktima. Pero ang sabi ng kanyang anak na si Joana Marie Sayos sa kanyang mga kapatid noong taong ding iyon, nagtampo umano ang ina at nagdesisyong pumunta muna ng Singapore. Nagte-text naman daw taon-taon ang ina sa kanyang mga anak sa kanilang birthday at sa iba pang espesyal na okasyon. Pormal nang ini-report sa mga pulis, taong 2018, na nawawala ang biktima.
Larawan ay mula sa Hanep TV - Facebook Page

Larawan ay mula sa Hanep TV - Facebook Page

Sa tulong ng isang tip, inimbitahan ng mga awtoridad ang anak ng biktima na si Joana at ang boyfriend nitong si Ronald James Rubi. 

Dito na umamin ang anak sa pagp@tay sa sariling ina.

Ayon sa Chief of Police na si P/Lt. Col. Richard Ang, “Binola nila itong nanay nila, ‘yong anak na babae saka no’ng kanyang boyfriend that time. Binola na mayroon silang surprise. Then bumaba ng bahay. Pagbaba, ‘yong lalaki, pinalo niya ng martilyo. 

May sign of life pa, inutusan pa niya ‘yong anak na babae na 
kinakasama niya, na kumuha ng kutsilyo para tapusin ‘yong buhay ng nanay ng babae. May hindi tapos na septic tank doon sa loob ng kanilang bakuran, nilagay niya ‘yong p@tay na magulang ng babae doon.”

Um-order pa raw sila ng graba, semento at buhangin. Hinalo nila ang mga ito at ginamit ito upang tabunan ang katawan ni Evelyn. Kapag nga raw umaamoy, ang remedy na kanilang ginagawa ay dinadagdagan ulit nila ito ng semento.

Idinetalye niya sa pirmadong affidavit kung paano pinagplanuhan ang krimen at ang galit umano ng nobyo ni Joana sa ina nitong si Evelyn.

Nakilala ang biktima dahil sa narekober na ID at personal na gamit, kasama ng bangkay. Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang dalawang suspek na nahaharap sa kasong murdér na walang piyansa.




Source: B i S A K O L - Facebook Page / GMA News

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Babaeng apat na taon nang nawawala, natagpuang wala ng buhay sa Septic Tank
Babaeng apat na taon nang nawawala, natagpuang wala ng buhay sa Septic Tank
Karumal-dumal ang sinapit ng isang ina sa kamay mismo ng kanyang sariling anak at nobyo nito matapos siyang martilyuhin at pagsasáks@kin hanggang mam@
https://1.bp.blogspot.com/-seRQMnGPA_U/Xxz7wzkNxzI/AAAAAAAAPBw/XjdQnb2iUo8QIOCJnnQAe3BipTqr05WJQCNcBGAsYHQ/d/mga%2Bkamaganak%2Bni%2BLucifer.png
https://1.bp.blogspot.com/-seRQMnGPA_U/Xxz7wzkNxzI/AAAAAAAAPBw/XjdQnb2iUo8QIOCJnnQAe3BipTqr05WJQCNcBGAsYHQ/s72-c-d/mga%2Bkamaganak%2Bni%2BLucifer.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/07/babaeng-apat-na-taon-nang-nawawala.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/07/babaeng-apat-na-taon-nang-nawawala.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy