Batang inabandona at naging palaboy noon, isa nang ganap na Scientist ngayon sa Amerika

Nagmula raw sa Project 8, Quezon City si Fernando. Kuwento niya, anim na taong gulang pa lamang daw nang inabandona na sila ng kanilang mga magulang s

Larawan ay mula sa thedailysentry


Viral ngayon sa social media ang kuwento ng isang batang inabandona at naging palaboy noon, subalit isa nang ganap na scientist ngayon sa Amerika.

Nagmula raw sa Project 8, Quezon City si Fernando. Kuwento niya, anim na taong gulang pa lamang daw nang inabandona na sila ng kanilang mga magulang sa hindi malinaw na dahilan.
Larawan ay mula sa thedailysentry

Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin daw malinaw kay Fernando at sa kanyang mga kapatid ang rason kung bakit sila iniwan sa kalye ng kanilang ama at ina.

Naging palaboy raw sa kalye ang magkakapatid. Dahil dito, dinala sila sa bahay-ampunan subalit hindi raw naging madali ang buhay nila roon, ayon kay Fernando, dahil madalas daw silang makaranas ng hindi maganda.

Dulot nito, naisipang umalis ni Fernando mula sa bahay-ampunan at mas pinili niyang manirahan sa kalye at mamulot na lamang ng basura upang may maibenta siya at maitawid ang pang-araw-araw na makakain.

Hindi nagtagal, bumalik si Fernando sa bahay-ampunan dahil natuklasan niyang kukupkupin na ng isang pamilya ang kanyang mga kapatid at dadalhin sa Amerika.

Ayon kay Fernando, “So, they were gonna be adopted, just the two of them, and then one kid ran away from the orphanage looked for me, he said: Your brothers [are] gonna go and get adopted, so better go back, so I went back… I’m not stupid, right? I came back.”

Isinama si Fernando sa mga kukupkupin at dadalhin sa Amerika. Ngunit, hindi naging madali ang kanilang buhay roon kaya muli silang ibinalik sa bahay-ampunan.

Hindi naglaon, may bagong pamilya na nagnais silang kupkupin: ang mga Kuehnels na mula rin sa Amerika.

Ang magkakapatid ay itinuring ng pamilyang Kuehnels na parang kanilang tunay na anak, at sila nga’y kanilang pinag-aral.
Larawan ay mula sa thedailysentry

Nagsumikap si Fernando sa pag-aaral at siya’y nagtapos sa kursong BS Nursing at Summa Cum Laude rin siya sa business administration in healthcare.

Sa kasalukuyan, si Fernando ay isa ng clinical scientist sa Novartis at founder na rin ng Kabataan Charity na kilala sa tawag na “K-Charity” na tumutulong sa mga batang naulila at palaboy sa lansangan.
Larawan ay mula sa thedailysentry

Kung dati’y kariton lamang ang itinutulak niya, ngayon ay may sarili na siyang Porsche Carrera at may sarili na ring bahay sa Dania Beach, Florida.
Larawan ay mula sa thedailysentry

Larawan ay mula sa thedailysentry


Para kay Fernando, “You have to determine what success is to you. It doesn’t have to be millions of dollars. I tell my kids, there’s no problem you can’t be solved. You just won’t like the solution, but the problem can be solved. The takeaway is, you do have to work hard.”

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Batang inabandona at naging palaboy noon, isa nang ganap na Scientist ngayon sa Amerika
Batang inabandona at naging palaboy noon, isa nang ganap na Scientist ngayon sa Amerika
Nagmula raw sa Project 8, Quezon City si Fernando. Kuwento niya, anim na taong gulang pa lamang daw nang inabandona na sila ng kanilang mga magulang s
https://1.bp.blogspot.com/-MebRBSQNj2E/XyLvLJ-mf-I/AAAAAAAAPRk/sKk8l2KDM3U2v1OZf5Rltvq5_OzjueZMQCNcBGAsYHQ/d/Untitled%2Bdesign%2B%252881%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-MebRBSQNj2E/XyLvLJ-mf-I/AAAAAAAAPRk/sKk8l2KDM3U2v1OZf5Rltvq5_OzjueZMQCNcBGAsYHQ/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%252881%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/07/batang-inabandona-at-naging-palaboy.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/07/batang-inabandona-at-naging-palaboy.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy