Batang nagtitinda ng mga dahon-dahon kasama ang paralisadong ama, tinulungan ng isang netizen

Source:  Ivana and Mona  / Facebook Hindi na bago sa atin ang mga kuwento ng pagtulong. Mabuti na lamang dahil may mga tao pa ring bukal ang...

Source: Ivana and Mona / Facebook

Hindi na bago sa atin ang mga kuwento ng pagtulong. Mabuti na lamang dahil may mga tao pa ring bukal ang loob na tulungan ang mga nangangailangan. Anumang estado sa buhay, maaari ka pa ring tumulong sa pamamagitan man ng maliit o malaking paraan.

Sa Facebook page na Ivana and Mona, mapapanood ang isang video na kung saan ay makikita ang isang batang lalaki na nagngangalang Roniel, na may bitbit na batiya ng gulay: saluyot, dahon ng sili, at talbos ng kamote. Nang tinanong ng babaeng kumukuha ng video kung paano niluluto ang mga ito, lumapit ang ama ng bata na si Ronie Mendoza, at siya ang nagsalaysay nito.

Source: Ivana and Mona / Facebook


Tinanong siya kung siya’y paralisado, ang sagot nito’y naaksidente raw siya at sumemplang sa motor. Kailangan daw niyang magpa-therapy ngunit wala silang pera. Kung sakali nga raw na makapagpa-therapy ang lalaki, maaari na niyang maitaas ang kanang braso niya.

Madaling araw raw sila madalas kumukuha ng mga gulay at saka ito ibinebenta. May tinda rin silang mangga at santol.

Ang lahat ng kanilang paninda ng araw na iyon ay pinakyaw na ng babae.

Tinanong din ng kumukuha ng video kung mga ilang therapy ang dapat na magawa kay Tatay Ronie: tatlong beses daw sa isang linggo, sa loob ng mga dalawa hanggang tatlong buwan.

Source: Ivana and Mona / Facebook

Binigyan na nga niya ng pangpa-therapy ang lalaki. Apat na libo ang ibinigay nito sa kanila, at 500 naman para sa mga pinamili niyang prutas at gulay, at hindi niya na rin kinuha ang kanyang sukli. Nagpasalamat naman ang mag-ama, at saka naglakad papalayo.

Source: Ivana and Mona / Facebook
           Ang nasabing video ay umani ng mga positibong komento.

Sabi ng isang netizen, “Wow nakakataba po ng puso ang ginawa nyo mam.Sana po madami pa po kayong matulongan at mas maraming blessing pa dumating sayo.God bless po.

Dagdag pa ng isa, ang Diyos na raw ang bahala na gumanti sa ipinakitang kabutihan ng babae.

God bless you, more blessing to your family, sa pag tulong sa mahirap hopefully mayroon sanang nakapanood sa ginawa ninyo sa pag tulong.”

COMMENTS

Name

Entertainment,601,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Batang nagtitinda ng mga dahon-dahon kasama ang paralisadong ama, tinulungan ng isang netizen
Batang nagtitinda ng mga dahon-dahon kasama ang paralisadong ama, tinulungan ng isang netizen
https://1.bp.blogspot.com/-1CBMSNbr4_w/Xw3JzIUIyFI/AAAAAAAAOXs/8in6cBxVtd8CDBb2YNFXRQgXnaWamB_5gCNcBGAsYHQ/d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-07-14T110429.810.png
https://1.bp.blogspot.com/-1CBMSNbr4_w/Xw3JzIUIyFI/AAAAAAAAOXs/8in6cBxVtd8CDBb2YNFXRQgXnaWamB_5gCNcBGAsYHQ/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2020-07-14T110429.810.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/07/batang-nagtitinda-ng-mga-dahon-dahon.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/07/batang-nagtitinda-ng-mga-dahon-dahon.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy