Claire Dela Fuente, hinatulang makukulong ng pitong taon ng Korte

Source: Claire Dela Fuente / Facebook Hinatulan ng korte na makulong ng pitong taon ang 61 taong gulang na singer at businesswoman na si Cla...

Source: Claire Dela Fuente / Facebook

Hinatulan ng korte na makulong ng pitong taon ang 61 taong gulang na singer at businesswoman na si Claire dela Fuente. Ito ay kaugnay sa kasong tax evasion na isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa kanya.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin noong Hulyo 15, nag-ugat ang kaso laban sa singer ng mabigo siyang mag-file ng income tax returns para sa taong 1998 hanggang 2004. At dahil dito ay humarap si dela Fuente sa pitong tax evasion case.

Depensa naman ng kampo ni dela Fuente, taong 2005 lamang nag-umpisa ang operasyon ng kanyang kompanya, kaya walang katotohanan ang bintang ng BIR laban sa kanya. Nagpakita pa sila ng 2005 BIR registration sa harap ng hukuman.

Nagpakita naman ng dokumento ang BIR mula sa Securities of Exchange Commission (SEC), Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB), at Land Transportation Office (LTO) na sumasalungat sa pahayag ng singer.

Ang iprinisentang dokumento ni dela Fuente ay binalewala rin ng korte dahil ayon sa BIR ay peke lamang ang mga ito.

Dahil nabigo ang kampo ng singer na depensahan ang sarili sa harap ng korte laban sa pitong counts ng tax evasion case, umabot ng pitong taon ang kanyang bubunuin sa kulungan.

Inutusan din siya ng korte na magbayad ng multa, maliban sa parusang pagkakakulong, na nagkakahalaga ng P150,000.

At kung sakaling mabigo si dela Fuente na mabayaran ang nabanggit na multa, madaragdagan pa ito ng P50,000 na may kaukulang “subsidiary imprisonment.”

Matatandaang sumikat si dela Fuentes sa awitin niyang “Sayang.” Siya’y naging presidente rin ng Integrated Metropolitan Bus Operators Association (IMBOA). Pagmamay-ari niya rin ang Philippine Corinthian Liner Corporation (PCLC) na nasangkot sa nasabing kaso.

Source: Philstar

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Claire Dela Fuente, hinatulang makukulong ng pitong taon ng Korte
Claire Dela Fuente, hinatulang makukulong ng pitong taon ng Korte
https://1.bp.blogspot.com/-_97elQie-Dk/XxanrUAqKgI/AAAAAAAAOx0/X9whrxeBWiUUMWZ8ABRevQg8w0ZlvpRVwCNcBGAsYHQ/d/Claire%2Bdela%2BFuente%252C%2BNahatulang%2Bmakulong%2Bng%2B7%2BTaon.png
https://1.bp.blogspot.com/-_97elQie-Dk/XxanrUAqKgI/AAAAAAAAOx0/X9whrxeBWiUUMWZ8ABRevQg8w0ZlvpRVwCNcBGAsYHQ/s72-c-d/Claire%2Bdela%2BFuente%252C%2BNahatulang%2Bmakulong%2Bng%2B7%2BTaon.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/07/claire-dela-fuente-hinatulang.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/07/claire-dela-fuente-hinatulang.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy