Dating mangangalakal lamang ng Basura, Ganap ng isang Security Guard

Kahit sino mang tao, basta’t bitbit ang sandata ng pagsisikap, katatagan at diskarte, tiyak na mararating nito ang buhay na matagal na niyang pinapang

Larawan ay mula sa Youtube Channel

K
ahit sino mang tao, basta’t bitbit ang sandata ng pagsisikap, katatagan at diskarte, tiyak na mararating nito ang buhay na matagal na niyang pinapangarap.

Sa isang video na ibinahagi ng YouTube channel na “Jose Hallorina” sa kanilang “‘Kuwento ng Pag-asa’ (Compilation Videos)”, matutunghayan kung paano nila natulungan at kung paano nagbago ang buhay ng isang dating mangangalakal lamang ng basura.

“Payaman ka na!” ani Hallorina sa lalaki.

Isa ngang halimbawa ang kanyang kuwento sa kung paano mabubuhay nang matiwasay kapag sinundan ng tao ang ninanais na pagbabago ng kanyang puso.

“PAGTATAGPO”

May nakitang homeless family noon si Jose Hallorina at ang asawa nitong si Nanette na kumakain sa tabi ng kalsada.

Napag-alaman nilang nangangalakal at nagbabasura lamang ang pamilya. Hindi rin daw pare-parehas ang kinikita nila sa isang araw – minsan P200 o kaya ay P300. Kulang daw ito para sa kanila lalo na’t nagsusuot pa lamang ng diaper ang kasama nilang dalawang taong gulang na anak.

Kinilala ang mag-anak bilang si Arnel, ang ama; si Jenelyn, ang ina; at si Mariel, ang kanilang anak, na ayon sa ama ay wala pa raw binyag. Taga-Samar daw sila at may dalawa pa silang anak na naiwan: 11-anyos at 5-anyos.

Madilim-dilim pa lamang daw ay nagsisimula na silang kumayod. Umaga hanggang tanghali ang kanilang pagtatrabaho upang may maipantustos sa kanilang pangangailangan. Matutulog lang din sila sa tabi ng kalsada kasama ang isang maliit na kriton.

Nang tinanong ni Jose kung babalik ba ang pamilya sa Samar, sakaling mabigyan sila ng pagkakataon, tugon ni Arnel: “Kahit pa bukas… Kahit pamasahe lang.”

Magtatanim na lamang daw sila ng palay doon kung sakaling makauwi sila. Nang tinanong naman ni Jose ang ama kung sakaling aampunin nila ang batang anak nila, umiling lamang si Arnel at saka nagsabing, “Kayang-kaya ko naman ‘yang palakihin sa Samar.”

Dagdag pa ni Arnel, nag-iipon lamang daw sya ng pamasahe upang may magamit sila pabalik ng Samar.

“Wow, Kuya. Bilib ako sa’yo Kuya,” ani ni Jose.

Saka niya na ibinunyag na nais niya raw tulungang makauwi ang pamilya sa kanilang probinsya. Dahil dito ay kinuha niya ang contact number ni Jenelyn. Bago iniwan ng mag-asawang 
Hallorina ang pamilya nina Arnel, nag-abot muna sila ng kaunting tulong-pinansiyal saka pinangakuan na babalikan nila ang mga ito pagsapit ng huling linggo ng Nobyembre.

“PAGHAHANAP”

Nang sumapit ang unang araw nang huling linggo ng 

Nobyembre, binalikan ng mag-asawang Hallorina ang puwesto kung saan nila huling nakita ang mag-anak, subalit wala na ang mga ito roon. Sinubukan din nilang tawagan ang numerong ibinigay sa kanila noon ni Jenelyn subalit hindi ito ma-contact.

Wala pa ring tigil sa pag-contact sina Jose sa numero ni Jenelyn nang sumunod na araw, hanggang sa umabot na ito ng ikatlong araw, subalit hindi pa rin nila ito matawagan. Kaya, nagdesisyon na lamang sila na hanapin muli ang pamilya ni Arnel.

Nagtanong-tanong na sila sa kung sino-sinong tao habang ipinapakita ang larawan ng mag-anak. Tinawagan muli nila ang numero ni Jenelyn – hanggang sa dumating ang ika-apat, ikalima, at hindi na mabilang na mga araw – bigo pa rin nilang mahanap sina Arnel. Subalit pabalik-balik daw sila sa lugar na pinag-iwanan nila sa mga ito.

Hanggang sa may nakausap silang tindera sa isang karinderya na malapit umano sa dating tinutulugan nina Arnel. Nakita niya raw ang mag-ama. Bumili raw ito ng ulam sa kanila; halos tatlong linggo na raw ang nakalilipas nang mangyari ito. Nang inusisa nina Jose kung ano ang sinabi sa kanya, ani ng tindera:

“Sabi niya, iuuwi niya na raw ang bata sa probinsya kasi ‘yong asawa niya, meron ng iba.”

Nabigla ang mag-asawang Hallorina sa kuwento ng tindera. 

Ipinagpatuloy nilang muli ang paghahanap hanggang sa may nakausap muli silang tindera na kilalang-kilala raw sina Arnel.

Ayon sa tindera, bumili raw sa kanyang tindahan ng noodles si 

Arnel kasama ang anak nitong si Mariel. Hindi niya raw kasama ang asawang si Jenelyn dahil sumama na raw ito sa ibang lalaki. Itinuro ng tindera ang lugar kung saan nagpalipas ng magdamag ang mag-ama bago raw umalis ang mga ito kinabukasan.

Sa naturang lugar, nakita nila ang isang lalaking nakahiga sa isang lumang sofa at ang isang babae. Nang ipinakita nila ang larawan nina Arnel ay napabulalas agad ang babae, “Si Jenelyn ‘yan, sila Mark… ‘Yong lalaki, nandoon nagtatrabaho. Nasa construction.”

Dahil dito, iniwan ni Jose ang kanyang contact number sa babaeng kinilala bilang si Juana upang matawagan siya kung sakaling bumisita o bumalik sa lugar na iyon si Arnel, na mas kilala nila bilang “Mark.”

Makalipas ang apat na araw, sa wakas ay nakita nilang muli si Arnel, na mas malinis nang tingnan kumpara noong una silang magkita; kasama niya ang anak niyang si Mariel na kahit kalbo man ngayon ay tila mas tumaba kumpara sa dati nitong pangangatawan.

“PAGKADAPA”

Nang tinanong ni Jose kung tama ba ang sinabi ni Juana na nagtatrabaho na siya, sagot ni Arnel, “Nagko-construction ako. Sinasama ko lang ‘to. Kaya nahihirapan ako,” sabay turo sa anak na si Mariel.

Ibinahagi rin nina Jose na matagal nilang hinanap sina Arnel. Nang inusisa nila ito kung ano ang nangyari pagkatapos nilang mag-usap noon, pagsisimula ni Arnel, “Iniwan ako ng asawa ko eh.”

Dagdag pa niya, “Sabi niya, kapag tayo nagsama, walang patutunguhan. Tapos biglang umalis kasama ‘yong lalaki niya. Mahirap, ako na lang.”

Nang tinanong si Arnel kung tuloy pa rin ba ang plano niyang pag-uwi ng Samar, tumango lamang siya. Kinumpirma niya rin ang sinasabi nilang iuuwi niya lamang si Mariel sa probinsya, saka siya muling babalik sa Maynila upang magtrabaho sa construction. At hindi niya na raw hahanapin pang muli ang asawang nang-iwan sa kanya.

Inanyayahan muna ng mag-asawang Hallorina ang mag-ama na kumain. Nag-check in sila sa isang hotel. Binigyan nila ng ilang damit si Arnel. At habang hinihintay ang kanilang pagkain, doon naisalaysay ni Arnel ang lahat.

“‘Di ba, nagkita tayo. Tapos ilang araw pagkatapos no’n – umalis si Ate?”

Matagal bago nakasagot si Arnel, “Lagi na niya akong inaaway.”

Nag-away raw sila ng gabing iyon dahil nalaman daw ni Arnel na may lalaki raw ito. Ayon pa raw sa kanyang asawa, wala raw itong patutunguhan sa kanya dahil wala raw itong trabaho. 

Doon daw sumakit ang loob niya. Ipinakita pa nga raw ng babae ang kanyang lalaki

“Ano’ng ibig niyong sabihin na pinakita? Like, dumating ‘yong lalaki sa inyo?”

“Nando’n sa unahan, tapos pag-alis niya…”

“Ah, no’ng sinundo na siya?”

“Oo. Nag-akbayan sila. Ta’s sumakay agad sila ng jeep.”
Paglalahad pa ni Arnel, “Masakit din sa ‘kin kaso iniisip ko ‘yong bata eh.”

Nang tinanong kung hindi niya ba ito hinabol, umiling lamang si Arnel saka nagsabing, “Hindi ako nagalit. Pinabayaan ko lang. ‘Pag hinabol ko, magkakagulo pa.”

Pagpapatuloy pa ni Arnel, inamin daw sa kanya ni Jenelyn na dalawang buwan na raw siyang buntis. Ibig sabihin daw, ani Jose, buntis na raw ang babae noong una silang nagkita at nagkausap. Inilahad din ni Arnel na walong taon silang nagsama ni Jenelyn.

“Sa lalaki daw ‘yon. Sabi ko, wala na akong magagawa. Kung mahal mo ‘yon at kung saan ka masaya, doon ka.”
Ibinahagi rin ni Arnel na nahirapan daw siyang maghanap ng trabaho sapagkat Grade 3 lamang ang natapos niya.

“Diyan nga sa construction, naawa lang sa akin si foreman kasi may bata. Ipapakita ko sa asawa ko na magtatrabaho ako. Ang hirap sa kalsada.”

Dagdag pa niya, ipakikita niya raw sa kanyang asawa na nagtatrabaho na siya at palalakihin niya nang maayos si Mariel.

“Ipapakita ko sa kanya. Palalakihin ko ‘yan,” ani pa ni Arnel habang tinutukoy ang kanyang anak. “Paaaralin ko ‘yan. 
Ipapakita ko sa kanya.”

Ibinahagi muli nina Jose na matagal daw talaga nilang hinanap sina Arnel. Sinabi rin nilang hindi na nila matawagan ang contact number na ibinigay sa kanila noon ni Jenelyn. Ayon naman kay Arnel, dala raw nito ang kanyang cellphone noong umalis siya kaya marahil ay pinalitan na niya ito ng bagong SIM card.

Nang makumpirma nilang walang cellphone si Arnel ay binigyan nila ito ng cellphone. Pinag-usapan nilang muli kung ano ang gagawing plano ni Arnel. Sinabi niyang kung tatanggapin daw siya ng foreman ay magtatrabaho muli siya. 

Iiwan daw niya muna si Mariel sa kanyang ina sakaling maiuwi na niya ito sa Samar.

Pagkatapos ng tagpong ito – 11:55 ng umaga – nagtungo na sila sa terminal ng bus patungong Samar. Pagkarating nila roon, nagkaroon sila ng dalawang pagpipilian: biyaheng Ormoc sa 1:00 ng hapon, o biyaheng Tacloban sa 12:30 ng tanghali. Pinili ni Arnel ang pa-Tacloban. Binigyan din siya ng pera ng mag-asawang Hallorina upang may maipambili pa sila ng gamit ni Mariel at upang may pamasahe pa sila pauwi sa kanilang lugar.

Pagkasakay nila ng bus, binayaran na nina Jose ang pamasahe nina Arnel. Mahihinto pansamantala ang video dahil nag-iyakan na sila dahil sa wakas ay makauuwi na talaga sina Arnel at Mariel.

Binigyan din nila si Arnel ng pamasahe pabalik sa Maynila at sinabi ni Jose na magkikita pa raw sila dahil pag-uusapan pa raw nila ang negosyong nais niya.

“Na-miss ko na nga ‘yong mga anak ko do’n eh,” ani Arnel sapagkat limang taon na raw siyang hindi nakauuwi sa kanilang probinsya.

15 minuto bago ang biyahe ng bus, nag-grocery muna sila nang mabilisan at bumili ng mga gamit at pagkain ng mag-ama.

Bago umalis ay nag-iwan ng mensahe si Arnel para sa dati niyang asawang si Jenelyn.

“Sana hindi siya lokohin no’ng lalaki niya. ‘Yong ginawa niya sa akin – huwag na niyang ipakita ‘yon sa lalaki niya para mahalin siya. ‘Yon lang payo ko sa kanya. Dapat ibahin na niya ang ugali niya do’n. ‘Wag na siyang magpakita ng masama para mahalin siya.”

At tuluyan na ngang umalis ang sinakyang bus nina Arnel at Mariel.

“PAGBANGON”

Nakauwi na nga ng tuluyan sa Samar ang mag-ama. Subalit agad daw nagbalik ng Maynila si Arnel upang magtrabaho bilang isang construction worker. Magpupursige raw siya para sa kanyang mga anak.

Makalipas ang ilang buwan, nagkita muli sina Jose at Arnel. Isang babae kasing nagngangalang Michelle ang nakapagturo sa kanila ng tinitirhan ngayon ni Arnel sa isang barong-barong sa gilid ng kalsada nakatira ngayon si Arnel.

Una muna nilang ibinigay ang baon nilang tarapal para kay Arnel. Tila umaasenso na raw siya, ayon kay Jose. Sabi naman ni Arnel, “Tumambay ako rito. Uminom na lang ako. Sabi ko, ‘wala na akong patutunguhan nito.’”

Pagbabahagi ni Arnel, hiniram daw ng kanyang katrabaho ang ibinigay sa kanyang cellphone subalit kinabukasan ay hindi na raw ito pumasok.

“Nilakasan ko lang loob ko kahit ‘di ako marunong magsulat,” pagbabahagi pa niya, “‘Yong nakatambay ako rito. Nagsimba ako sa Sto. Domingo, painum-inom na ako. Sumasakit na ‘yong tiyan ko. Sabi ko, ‘Mamatay na yata ako ah.’ Nangayayat ako, puro gin.”

Sinabi ni Jose na ipinaalam daw sa kanila ni Juana na nagkikita raw muli sila ng dati niyang asawa. Ani naman ni Arnel, “Wala, hindi naman. Nagpapakita lang siya tapos umaalis.”
Nang tinanong kung nagkapatawaran na silang dalawa, umiling lamang si Arnel.

“Bakit siya nagpapakita?”

“Ewan ko,” pagpapatuloy pa niya, “Nakikipagbalikan sa akin. 

Sabi ko, kung magbabago siya, tatanggapin ko kahit masakit.”
Baliktad na raw ngayon ang mundo ni Arnel, ayon kay Jose, dahil siya na ang hinahabol ng kanyang dating asawa. 

“Makikipagbalikan ‘yon. Sabi ko, mag-iisip muna ako,” tugon ni Arnel, lalo na raw ngayon na nagbunga na ang kanyang pagsisikap dahil isa na siyang ganap na security guard.

Pagkukuwento ni Arnel, “Parang itinutulak ako sa Sto. 

Domingo. Nagsimba ako. Isa lang naman hiniling ko sa 
Panginoon. Sabi ko, ‘Kung gusto Mo na akong kunin, patayin Mo na ako.’” Subalit hindi nga raw yata ito ang plano sa kanya ng Diyos. “Tapos kung mabibigyan Mo ako ng trabahao, sana bukas makapasok na ako. ‘Yon nga, nag-inom kami diyan, [kinagabihan], tinawagan ‘yong agency niya. Tapos pinuntahan ako diyan. Sabi sa akin, ‘Kung gusto mong mag-guwardiya, sige kukunin kita.’ Sabi sa akin, ‘Marunong ka bang magsulat?’ Sabi ko, ‘Pag-aaralan ko na lang ‘yan.’ Eh sabi ni Sir, ‘Sige, subukan mo.’ Pinag-duty agad ako. Binigyan ako ng damit.”

Paglalahad pa ni Arnel, wala raw siyang maisulat noong nag-umpisa siyang mag-duty. Lalo na raw kapag madaling araw, marami raw ang nagtatrabaho at kailangang isulat ang kanilang mga pangalan. Mabuti raw sana kung may mga I.D. ang mga empleyado subalit wala naman daw silang suot o dala – sinasabi lang daw nila ang kanilang mga pangalan at siya na raw ang bahalang magsusulat.

Ayos naman daw ang kinikita ni Arnel ngayon sa kanyang bagong trabaho. Kung minsan daw, kapag may natitira sa kanya ay ipinapadala niya ito sa kanyang mga anak sa Samar.

Nang tinanong naman siya ni Jose kung hindi ba niya raw naiisip na humanap ng bahay, kahit mangungupahan lang, tugon ni Arnel, “Kaya naman pero ‘yong pang-down, wala.”

Naghandog naman si Hallorina ng tulong – siya na raw ang bahala sa pang-down sakaling may mahanap na raw silang uupahang bahay.

Nang kinumusta naman ni Jose si Mariel, ayos lang naman daw ito, sagot ni Arnel. Base nga raw sa sinasabi ng kanyang ina sa probinsya, lumaki na raw ang anak niyang ito at tumangkad na.

“Payaman ka na!” ani Jose kay Arnel.

Binigyan siyang muli ng tulong pinansyal ni Hallorina. Balak na rin daw ni Arnel na magnegosyo sa pamamagitan ng pagtitinda ng buko. Subalit, tinitingan niya raw muna ang panahon. Sinabi naman ni Jose na maki-text lang si Arnel sa kaibigan niya kapag nakahanap na siya ng mauupahang bahay at tutulungan pa rin niya ito.

Patunay lamang ang kuwento ni Arnel na may mararating ang mga taong may pangarap sa buhay, basta’t sasamahan ito ng pagkilos at hindi lang hanggang salita.



Source: Jose Hallorina - Youtube Channel

COMMENTS

Name

Entertainment,616,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,29,News,406,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,47,
ltr
item
Furry Category: Dating mangangalakal lamang ng Basura, Ganap ng isang Security Guard
Dating mangangalakal lamang ng Basura, Ganap ng isang Security Guard
Kahit sino mang tao, basta’t bitbit ang sandata ng pagsisikap, katatagan at diskarte, tiyak na mararating nito ang buhay na matagal na niyang pinapang
https://1.bp.blogspot.com/-dYGuQ-FbhY4/XwU1dt6Mh7I/AAAAAAAANRc/9kFv0jfwRTkNHe3UWu5_DaWQHFFQ89mOACK4BGAsYHg/d/Untitled%2Bdesign%2B%252819%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-dYGuQ-FbhY4/XwU1dt6Mh7I/AAAAAAAANRc/9kFv0jfwRTkNHe3UWu5_DaWQHFFQ89mOACK4BGAsYHg/s72-c-d/Untitled%2Bdesign%2B%252819%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/07/dating-mangangalakal-lamang-ng-basura.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/07/dating-mangangalakal-lamang-ng-basura.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy